Chapter 9

942 19 1
                                    


Tago at medyo malayo sa bayan ang aming bahay, pinili nila Tito na dito tumira dahil sa trabaho. Ang mga nangangarap na maging sundalo ay dito tinetrain nila Tito sa training camp kung saan malapit ang bahay namin. Dito din madalas na pumupunta ang malalaking tao ng kapulisan para sa meeting at paghahanda nila.

Dahil umuulan hindi gaano maaninag ang daan pero natatanaw ko na ang mga pamilyar na bahay kung saan dati ako madalas nag lalaro. Sa tag-araw kitang kita ang kagandahan ng paligid dito. Mga punong nag tataasan, presko at tahimik na lugar ibang iba sa syudad.

Bumukas ang automatic at mataas na gate ng bahay at natanaw ko ang mag ama na naghihintay sa bulwagan ng bahay.

"Hi Tito! I missed you." Nag mano ako at niyakap ito. Kahit na lumaki ako sakanila I still don't call him Dad or Daddy kasi simula bata pinangako ko sa sarili ko na makikita ko din ang aking ama at sya lang ang tatawagin kong ganon. He's okay with it tho.

"I missed you too. How's school? Are you okay in Manila?" He asked.

"Dad I'm sure masaya yan don. Baka nga may boyfriend na yan e." Kyle said and winked at me. Tinignan ko sya ng masama.

"Is that true?" Tanong ni tito at humalukipkip ito. Umiling ako.

"And speaking of her boy. Here he is." Sabi ni Kyle na nakatingin sa papalapit samin na si Ricci. "Yo bro i missed you! Musta na?" Tumawa ito at nag apir sila. Ricci smirked.

"I'm good." Tumingin ito saakin at kay Tito bago nag mano. "Good afternoon po." Sabi nito at tumabi ito saakin.

"So are you the boyfriend?" Seryosong tanong ni Tito. Walang nakakapunta dito sa bahay na mga nagtatangka manligaw dahil sa takot sakanya. Ang sabi nila hindi daw seryoso ang mga yon dahil hindi nila kaya humarap sakanila dahil kung seryoso daw ang tao sayo kaya nitong humarap sa magulang at kaya kang ipaglaban.

"Not yet tito but i want to." He chuckled at tumingin ito saakin. Nagiwas ako ng tingin. Seryoso ba sya? o baka naman nasasabi nya lang ito ngayon.

"Uhuh that's enough for me. Let's go inside. Clean yourselves first then we'll have our dinner later." Anunsyo ni tito at nauna na pumasok sa loob.

"Damn. Akala ko hindi na ako makakauwi ng buhay." He chuckled slowly on my ears. Probably the best sound on earth. "Are you proud of me?" Marahan nyang hinawakan ang siko ko. I nodded slowly pero hindi ako makatingin sakanya.

"Uh punta lang ako sa kwarto ko." Sabi ko at hindi na sya nilingon.

Mabilis akong pumasok sa kwarto at naabutan ko si Ella sa harap ng salamin ko nag aayos.

"Sheeeeet!! Besh ano na? Sorry hindi na kita tinawag kanina nag eenjoy ka! Ang pula mo! Anong nangyari?" Sabi nito at sinalubong ako ng yakap. Kinwento ko sakanya lahat ng nangyari kanina at mukhang pinaprocess nya pa ito hanggang ngayon. "I'm sure he likes you! Ikaw ba gurl? You like him too?" Makahulugan ang tingin nito.

"I'm not sure but I'm happy when I'm with him. I feel protected and secure. And i think of him.. a lot..." Marahan kong sinabi ang huling mga salita. Umirit ang kaibigan ko I immediately covered her mouth using my hand. "Shhh!" Saway ko dito.

"Inlove ka na nga! OMGGGG!" She giggled.

Noong una akala ko crush lang ito pero habang nakakasama ko sya lumalalim ang nararamdaman ko sakanya. I easily get jealous every time I see him with girls. Those girls with an hourglass type of body, mahahaba at straight na buhok, mahugis ang katawan at mukhang mga manika. Sa mga nag daan na buwan nasaulo ko na ang mga tipo nyang babae. My classmates talks about his girls a lot. Akala ko ako lang ang nakakapansin noon pero hindi, madami ang humahanga sakanya sa school. Sometimes they will greet me and ask for a favor where they want a video greeting or a shoutout from him. I did that for many times tho.

"Hi ate! Ikaw po ba yung admin ng twitter ng Archers?" Tanong ng isang Senior High School isang beses ng nasa labas ako ng school. Hindi ko alam kung pano nila nalalaman I don't mention my name or anything there about me. "Sorry we are not stalkers nalaman ko lang sa pinsan ko na nag-aaral din po sa La Salle na ikaw yung humahawak ng page ng Archers." She said sincerely.

"No don't be sorry it's okay. Anong sadya nyo?" I smiled.

"Uh we want a picture sana with Ricci or kung hindi pwede picture nalang nya po with this." Ipinakita nya ang isang papel na may mga pangalan, their name for sure. Tinanggap ko ang papel at nag thankyou sila bago umalis.

Madaming lumalapit saakin and even kay Ella na mga fans ng Archers pero madalas fans ni Ricci.

Hinanap ko si Ricci sa madalas nilang pagtambayan at naabutan ko sya doon kasama si Brent at isang babae na nakahawak sa braso nya. One of the volleyball players i guess. Nawalan ako ng gana sa nakita, gusto ko nang umuwi pero inaasahan ng fans yung picture nya.

Lumapit ako at agad naagaw ang atensyon nila. The girl looked at me from head to toe with her serious eyes. She's pretty his usual type.

"Dani!!" Salubong ni Brent. I gave him a small smile. While Ricci is looking at me intently.

"Someone wants a picture of you with this." Walang gana kong sinabi. At inabot ang papel sakanya. Tinanggap nya iyo at seryosong tinignan.

"Ohh fans huh. Are you the admin of their cheap fanpage?" Tumawa ito ng nakakaasar. Sinaway sya ni Ricci.

"Nope but I'm handling the DLSU Sports account and I can post and tell them what you've just said." Sinagot ko ito sa iritasyon. Nanlaki ang mata nya at umalis na ako doon dahil hindi ko kayang tumagal sa harap nila.

Minsan pag nag walkout ako ng ganon hinahabol ako ni Ricci at nag sosorry dahil sa inasta ng babae nyang kasama but this time hindi sya sumunod saakin. Maybe he like the girl that much na he won't be sorry for that kind of attitude.

Laging ganon ang eksena dati so I don't really know kung seryoso ba sya o isa lang ako sa ganong babae nya? Maybe I'm the girl for this week? Pumait ang pakiramdam ko sa naalala ko.

Kaya naman wala akong gana nung nag Dinner kami. Some of their teammates are here for sleepover. Hindi na sila pinauwi dahil na din sa ulan.

"Are you okay?" Tanong ni Kyle sa gilid ko habang kumakain kami.

"Yeah. pagod lang." Sabi ko at naramdaman ang titig ng nasa harap kong si Ricci. Hindi ko sya nilingon. Ang iba naman ay maingay na nag uusap tungkol sa paparating na Season.

Mabilis kong natapos ang pagkain ko at nag paalam na ako para makapag pahinga na.

"Goodnight Tito. Akyat na po ako." I said.

"Sige mukhang pagod nga kayo. Mag pahinga na." Sabi niya at umalis na ako sa hapag.

Nasa unang baitang palang ako ng hagdan ay may humila na sa kamay ko. Lumingon ako at hinarap ito.

"Are you sure you're okay?" Nakikita ko ang pag iingat sa mga mata nito. Tumango lamang ako. "Oh you're not. What's your problem?" Nag iwas ako ng tingin at umiling.

"Okay. You look so tired. Pahinga kana." Sabi nito at kahit nasa unang baitang ako ng hagdan ay mas matangkad parin sya saakin. Nilapit nya ang mukha nya sa akin, napapikit ako at naramdaman ang malambot nyang labi sa aking noo.

"Goodnight." Malambing nyang sinabi. Nanatili akong nakapikit.

At least for now you're here... with me.

Behind the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon