Maaga akong nakatulog pero na gising din sa ingay ng tawanan sa living room. Gosh it's 1:30am hindi pa din sila natutulog? Wala ba silang klase mamaya?
Nang hindi ako makatulog ay nakaramdam ako ng gutom. Lumabas ako ng kwarto at nakita silang nakahiga sa couch nag lalaro ng NBA at balot ng kumot.
"Bobo mo pre, ako na nga mag lalaro!" Sabi ng isang medyo singkit nilang kasama.
"Sus pa bida!" Sabi ni Prince.
Dumerecho ako sa ref para kumuha ng fresh milk at cookies. Kumuha ako ng baso at nag salin ng milk. I was about to go back to my room when Riain called me.
"Dani! Nandito si Kyle." Tawag ni Riain. Okay.. sometimes I call him kuya, sometimes not. Nasanay ako sa ganon kasi mag ka lapit lang din naman ang edad namin.
"Where?" Tamad kong tanong. I can't see him clearly tho, patay ang ilang ilaw.
"Nandito." Tinanggal nya ang kumot na nakatakip sa mukha nito at nakita kong tulog na si Kyle. Lumapit ako para gisingin ito at palipatin na sa guest room. Pero nang nakalapit na ako ay nagising na ito dahil sa mas malakas na ingay ng mga nag lalaro.
"Daniii! I missed you!" Tumayo ito at sinalubong ako ng yakap.
"Hi! missed you too!" Medyo tamad kong nasabi. Kinuha nya ang baso kong hawak at ininuman ito. Napatawa ako sa ginawa nya.
"Akala ko pa naman ako yung ipapakilala." Sabi nung medyo singit habang nag lalaro.
"Oh! this is Brent, baby." Sabi ni kuya Riain.
"Hi baby!" Sabi habang nakatingin sa screen. "Ay! Dani. Sorry!" Pagbawi nya saka tumingin sakin.
"Hello Brent! nice to meet you!" Sabi ko at kumaway na para maka pasok na sa kwarto.
"Tutulog kana ulit? dito ka muna!" Sabi ni Kyle. Kyle is my cousin, anak siya ni tita Cassandra hindi ko sya masyadong nakita nung summer dahil busy sa training.
"Uh no. Kain lang ako sa kwarto tapos tutulog na ulit. May pasok pa mamaya, matulog na din kayo." Sabi ko at pinasadahan sila ng tingin. Nakita ko ang seryoso at malamig na tingin ni Ricci saakin. Agad akong nag iwas ng tingin.
"Okay! Goodnight!" Sabi ni Kyle.
"Tara na bro tulog na tayo." Anyaya ni Brent at tumango naman si Prince. I smiled at them.
The first three weeks here in Manila was good. Nag aadjust pa ako sa environment pero kaya naman. Mas naging close din ako kay Sophia at Dana. Masarap sila kasama at lagi kaming mag kakasama kumain sa labas at dun ko sila unti unting nakilala.
Last week nag audition ako sa Student Media Office para maging photojournalist ng campus. Since I was a kid, I was really in loved with photography and how every photo gave meanings in to our lives.
Ngayon nasa office ako kasama ang iba pa para hintayin ang tawag ng dean kung pasok ba ako o hindi.
"Ms. Alvarez? Ikaw na daw po." Tawag ng isang student assistant. Ngumiti ako dito at tumayo upang makapasok na.
"Hi! Good afternoon Ms. Alvarez." She smiled. I smiled back.
"Good afternoon Ms. Francisco." We shaked hands. At pinaupo nya ako.
"I heard you're good at photography and writing? that's good hija! At dati ka na din photojournalist sa school nyo at president pa ng student media?" Tanong nya habang tinitignan ang portfolio ko at sumulyap sa akin. Tumango ako at ngumiti.
"Magaling! Since nasa listahan ka din naman ng president ng student media sa mga pasok. So congratulations Ms. Alvarez! I'm expecting more of you this year huh!" Tumawa sya at nakipag kamay sa akin. I'm glad na mabait ang mga tao sa Org. na ito.
"Thankyou ma'am!" At nag paalam na ako. Sinalubong ulit ako ng babae na kaninang tumawag saakin.
"Ms. Alvarez deretso na po kayo sa room 303 nandun po ang orientation. Mag start ng mga 3:00pm." She smiled.
"Okay thankyou!" I smiled. It's 2:45pm gutom na ako pero dederetso na muna ako don saglit lang naman siguro yun.
Nahanap ko ang room at medyo konti lang naman ang tao. Siguro ang mga bago lang ang nandito.
"Good afternoon guys!! Congratulations! and welcome to Student Media!" Maligayang bati ng President sa amin.
Pinaliwanag nya sa amin ang mga dapat gawin at ang rules ng school when it comes sa publishing ng articles, news and stuff like that. Pinag iingat nya kami sa mga isusulat namin at sa mga kukuhaan dahil malalagot daw kami sa dean at lalo na sa La Salle community kung may hindi nagawang maayos at higit sa lahat ay ang magiging reaksyon ng tao sa social media tungkol sa La Salle.
"But don't worry, I will guide you guys and check your works naman. Let's work as a team!" She smiled before leaving the room. She's pretty busy kaya nauna na sya.
Gumaan ang loob ko dahil sa mababait ang mga tao ay madali din silang pakisamahan. Sabi kanina ay makakasama ko daw si Ella sa photography at na assign kami sa sports, specifically, basketball.
"Hi! I'm Ella. Ang pretty mo! kanina pa kita tinitignan!" She giggled.
"Hi thankyou! I'm Dani." I smiled.
"Buti na lang ikaw ang nakasama ko! Gusto mong tignan ang court? basketball? may training ata sila ngayon!" Excited na sabi nito.
"Uhh sige pero kakain muna ako, gutom na gutom na-"
"Sige samahan kita!" Hinila na ako palabas ng room.
Dumeretso kami sa stalls malapit sa school. Ililibre na daw ako ni Ella nahiya ako pero sabi nya start of good friendship daw yon kaya pumayag na ako. Madaming binili si Ella kaya nabusog ako ng sobra. Madami din syang kwento tungkol sa studies at sa experiences nya dito sa school. Dati na pala siya sa photojourn dito pero hindi sa sports at fan na fan daw sya ng basketball team.
Malapit na kami sa court ng marinig ang ilang tili ng fans. Na excite si Ella at lalo pa akong hinila para mapanood sila. Nang maka pasok na kami ay nakita ko sa bleachers si kuya Riain nanonood. Agad nya din akong nakita at pinaupo doon.
"Ella dun tayo malapit sa kuya ko." Anyaya ko.
"Nasan?" Hanap nya.
"Doon! nandun sya sa unahan. Yung naka jersey ng football team." Sabi ko sabay turo.
"OHMYG! Kapatid mo yon? Ang gwapo!!" Gigil nito.
"Oo tara na!" Natatawa kong sabi. "OA mo ha! hahaha."
"Gwapo besh! Well maganda ka naman kasi parang model kayo ng kuya mo! Sabi ko na nga ba makakasundo kita!" Tumawa sya. Tumawa na din ako at pumunta na kami kay kuya.
Palapit na kami ng nakita ko na ang nag tatanong na mga mata ni kuya.
"Bro this is Ella! Kasama ko sa photojourn!" Sabi ko at ngumisi sa nahihiyang si Ella.
"Oh! Hi Ella! nice to meet you." Naglahad ito ng kamay at tinanggap naman ni Ella. "And wow congratulations! natanggap kayo sa student media!" Naka ngisi nitong sinabi.
"Yess!! Sa sports!" Sabi ko.
"Really? Football?" He asked. Umiling ako.
"Basketball!" Ella answered happily.
"Oh! Okay." Tumango lamang ito. Mukhang disappointed.
"Pero mukhang mas gusto ko na sa football team nalang ako!" malungkot na bulong ni Ella.
"Baliw ka talaga!" Sabi ko ng natatawa. Natawa na din sya at nanood nalang kami. After 30mns..
"Yo! Hi girls!" Bati ni Brent. I smiled. Nag water break sila saglit. It's almost 6:00pm pagod na ako at gusto ko na umuwi.
"Bro uwi na din kami, pagod sa training. Ingat kayo!" Thank God sakto yung pag aaya umuwi ni kuya.
"Sige bro! Ingat kayo!" Sabi ni Prince at bumalik na sa pag sshooting.
"Bye Dani! and?" Tanong ni Brent.
"Ella!" She smiled.
"Ella!" Brent also smiled. Nag paalam na kami.
Nahagip naman ng tingin ko ang seryosong tingin ni Ricci sa dulo ng court. Nag iwas ako ng tingin, at umalis na kami. Hindi ko maintindihan ang traydor kong damdamin bakit ganito?
