Nagsimula nang pumatak ang tubig ulan ng malapit na kami sa ilog at ang kaninang hanggang tuhod lang na tubig ay tumaas na hanggang bewang.Nauna ako sa pagtawid sa ilog para hindi na abutan pa ng mas malakas na ulan pero natigilan ako ng may humawak sa aking bewang.
"You need support. Baka madala ka sa ilog." He chuckled. Tumango lamang ako at hindi na makatingin sakanya.
"Dani are you sure you can do it? Pwede naman patilain muna natin yung ulan." Sabi ng isang football player. I forgot his name. He talked to me one time noong may practice sila kuya.
"Uh yeah. Baka lalong lumakas pa kasi yung ulan mamaya. Sabay ka na samin." I smiled. I saw some students na nauna na saamin at mukhang nahihirapan sila. Mabagal at magkakahawak kamay silang tumawid sa ilog.
"Okay." He smiled back. Narinig ko ang singhap ng nasa likod ko. Kunot noo ko syang tinignan pero iniwas lamang nito ang tingin.
Nahirapan kami nang nasa bandang gitna na dahil sa agos at dulas ng inaapakan namin pero dahil matangkad at malaki ang pangangatawan ng mga kasama ko ay nakakausad naman kami.
Tinaas ko ang aking camera bag para hindi mabasa o mahulog ito sa ilog. Ang aking kaliwang kamay ay nakahawak sa braso ni Ricci bilang suporta.
"Let me." Sabi ng football player at kinuha nito ang bag ko. Hinayaan ko ito dahil mas maiitaas nya ito at maiiwas sa ilog. Bahagyang ambon palang naman kaya hindi ito masyadong mababasa.
Malapit na kami sa dulo nang bumuhos ang ulan. Mabilis na hinatak ni Ricci ang aking bewang at ang isang kamay ay nasa aking ulo. Sumubsob ako sa kanyang katawan at agad inatake ang ilong ko ng panlalaking amoy.
"You can smell me later baby, we should walk faster now." Sabi nito at binilisan ang lakad nagpatinaod ako sakanya. Ramdam kong sobrang pula ko na ngayon!
"Wait for me." Sabi ng football player dahil medyo nauuna na kami. He's nice tho and feeling ko mabait sya. Natigil ako at nilingon ito bago inabot ko ang aking kamay para mahawakan nya at mabilis makalapit. Pero bago ko pa magawa ay naunahan na ako ni Ricci. His right hand left my waist at inabot nito ang kamay nya para sa lalaki.
"Thanks dude." Sabi ng football player.
"No prob. Let's go." Sabi nito at nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang narating na ang dulo nito.
Sumilong kami sa isang malaking puno pero walang nagawa ang punong iyong sa lakas ng ulan. Wala pa ang bus namin ang sabi ng isang prof. nasa terminal daw ang mga iyon dahil hindi naman sila pwedeng pumarada dito sa paanan ng bundok. I tried to call kuya Riain but he's not answering my call! I also tried to call Brent and Prince pero wala din. Tinignan ko ang signal bar at fudge! Mahina nga pala ang signal dito.
"Riain messaged me, malapit na daw sila." Biglang sinabi ni Ricci. Nahalata ata ang problema ko. Tumango ako dito.
"Do you have signal?" I asked. Syempre meron! Stupid Dani!
"Yeah. pero mahina din." He answered.
Tinaas ko ang phone ko para makahanap ng signal pero wala pa din. I tried to walk kung saan saan pero wala pa din pero thank God naimbento ang waterproof na phone.
"They will be here soon." Sabi nito na sinusundan ako sa paghahanap ko ng signal. Ang ibang estudyante ay may nasilungan na maliliit na kubo pero puno na iyon kaya hindi na kami sumiksik pa. At basa na din naman kami kaya okay lang.
Napalingon kami ng may dumating na puting van na familiar saakin. Lumabas si Riain galing doon na may dalang payong.
"Are you good?" Tanong nito ng nakalapit na. Nilapitan nya si Ricci and did some handshake. "Let's go. Nakapagpaalam na ako sa prof. at staff kanina they know we'll go home tonight." Sabi nito at binati ang isa pa naming kasama. "Vince! Tara?" Ohhhh Vince! Oo nga!
"No thankyou pre! Mom expecting me to be home also tonight." Sabi nito at binigay saakin ang aking bag.
"Thankyou." I smiled at him.
Hinintay namin syang makalapit sa mga kubo. Nakita ko ang mga mapanuring mata ng ibang estudyante. Nang nakalapit na sya ay umalis na ang Van namin.
"Wait nasan si Ella??" Nataranta kong tanong. Nakalimutan ko ang kaibigan ko! Hindi kami sabay bumaba ng bundok kanina! Hindi din ito nag paalam!
"Chill. Nasa bahay sya kasama ang team." Sabi ni Riain na nasa front seat.
"Huh?" Medyo naguluhan ako.
"Nauna na kami bumaba kanina, you're too busy talking to the kids and to Ricci kaya hindi na kita inistorbo. And I'm calling! Hindi mo sinasagot!" Nagalit ito sa huling sinabi.
"Walang signal! Tinatawagan din kita kanina!" Paliwanag ko. Wala na syang sinabi.
Nilingon ko ang katabi ko at busy sya sa phone nya. Lumingon sya saakin at napatingin sa phone ko kaya tumingin din ako.
"Open it. Walang kwenta phone mo if my number wasn't there." He said cockily. Tumaas ang kilay ko. Binuksan ko iyon at binigay sakanya. He typed his number and named it 'baby' with a cute heart and saved it. Nanlaki ang mata ko.
"Anong baby? Delete mo!" Inagaw ko sakanya ang phone ko. He's not yet done may pinipindot pa syang kung ano sa phone ko.
"Are you sure you can delete it?" Tumaas ang kilay nya. Naghahamon.
"Of course!" not "Give me my phone!" I pouted.
"Damn it." He said at binigay saakin ang phone ko. I don't think I can do it in front of him but I will do it. Mapapalitan ko naman to mamaya. He watched me doing it I simply put 'Ricci Rivero'.
"See?" Matapang kong pinakita. He sighed.
May kinuha syang damit sa bag na nasa tabi nya at nag palit sya sa harap ko. Mabilis kong tinakpan ang mga mata ko. I've seen pictures of him topless pero hindi ko ata kakayanin pag ganito kalapit.
"Tsk. Open your eyes I'm done. You should change too. Baka magkasakit ka." At binigay saakin ang isang white shirt. Parang may mainit na kamay na humawak sa puso ko. I stared at him for awhile. "What?" Pagtataka nya. "Okay hindi ako titingin!" Sabi nito at tumalikod na para makapag bihis ako.