Nakalipas ang halos dalawang buwan at ganun parin kami sa isa't isa. Sabay kumakain pag Lunch at kung wala naman siyang training sa gabi ay sabay kami nag di-dinner. Naging busy din kami dahil ngayong buwan nag simula ang UAAP. Maraming documentation na pinapagawa saamin at busy din sa studies but he will always find a way para mag kasama kaming dalawa."Goodnight." Napapaos ang kanyang boses.
Hinatid niya ako dito sa condo galing school. Galing siya sa training niya at ako naman ay sa isang group meeting. Minsan katulad ng ganitong sitwasyon ay hindi na ako nakakadalaw sa training nila. Gabi na at ayoko niya na akong ihatid ako dahil halatang pagod na siya pero dahil delikado at gusto nya talaga ay pinayagan ko na. Hindi ako nagdala ng sasakyan dahil sa sobrang traffic kanina.
"Goodnight, thankyou." I smiled. Ngumuso naman sya.
"Goodnight at thankyou lang? Walang kiss?" Pinataas baba nya ang kilay niya at ngumisi. Marahan kong hinampas ang dibdib nito bago umiling.
"Ouch!" Madrama nitong hawak sa dibdib nya bago humalakhak.
"Ang arte mo. Pasok na ko sa loob." Sabi ko at inalis ang kamay niyang nakatuon sa hamba ng pintuan.
"Pwede din ba ako pumasok? Gutom na ako e." Hinawakan nya ang kanyang tiyan.
It's already 8:30pm at hindi pa din ako nakain! Dahil sa dami naming ginawa ay nakalimutan ko na kumain.
Pero bago ko pa siya masagot ay bumukas na ang pintuan sa likod ko. Sabay kaming napatingin ni Ricci doon.
"Dani!" Tita Cassandra hugged me.
"Tita! I miss you po!" I said. Humiwalay na siya sa yakap niya. Nanatili ang tingin niya kay Ricci.
"Good evening po." Nag mano si Ricci sakanya.
"Good evening din Hijo." Tita smiled at him.
"Pauwi na po ba kayo tita?" I asked dahil dala na nito ang bag niya.
"No. I'll just have a quick meeting with the owner of this condominium. I'll be back honey." She smiled.
"Okay tita goodluck!" I smiled. I feel like it's a big offer for her. She's known for being a great hotelier, business woman and engineer.
"Kumain na ba kayo? I brought you guys foods and your sistah is here." Na excite ako doon at paalam na kay tita bago pumasok sa loob.
Mabilis kong pinuntahan si kuya Nathan sa kusina at agad naman akong niyakap nito.
"I missed you sistahhh!" He giggled.
"I missed you too!!" Tinapatan ko ang mataas niyang energy at nagtawanan kami.
He's holding a pizza at agad ko itong inagaw at kinain.
"Ohgosh! You never changed! That's mine e!" Umirap siya at natawa nalang. I laughed at his reaction.
Ngumuso ito at nagpipigil ng ngiti ng papalapit na sa amin si Ricci. Kumuha ito ng Pizza at agad kinagatan.
"Uy hi Ricci! You want some?" Malandi nitong inalok si Ricci. Napanganga ako sa ginawa nito.
Kukunin na ni Ricci ang may kagat na Pizza ni kuya Nathan pero agad kong inagaw ito.
"Sorry gutom ako e. You can get a new one Cci." I smirked. Tumango naman ito at dumeretso na sa lamesa.
Agad akong kinurot sa tagiliran ni kuya Nathan.
"Ano ba kuya?" Natatawa kong tanong at lumayo sakanya pero lumapit ulit ito.
"Anong kuya!?" Umirap ulit ito. Humagalpak ako ng tawa.
"Wala lang pinapaalala ko lang sayo." I laughed.