Isa pa lang ang naiinom ko pero ramdam ko na agad ang tama nito sa akin. Pero habang tumatagal ay sumasaya ang pakiramdam ko dahil sa pag sasayaw. Iba't-ibang step ang ginawa namin na lalong nag patawa sa akin. Masaya sila kasama at thankful ako para doon. Mukhang sanay na din sila sa ganitong buhay at wala silang pakialam sa tao sa kanilang mga paligid.Makalipas ang ilang minutong pag sasayaw ay nakaramdam ako ng init ng katawan sa likod ko. I can feel that it's slowly grinding behind me. Medyo lumayo ako at nag patuloy lang sa pag sayaw. Nawala na din sa paningin ko ang dalawa kong kasama.
"You're so hot, what's your name?" Ramdam ko ang pag sunod sa akin ng lalaki. Umiling ako at lumayo muli.
"You like to play game huh?" Ngayon ay nasa unahan ko na sya. Matangkad at mukhang mas matanda sya ng ilang taon sa akin. Lumapit syang muli pero this time tinulak ko na sya. Pero walang nagawa ang lakas ko dahil sa laki ng katawan nya.
Nang hahawakan nya na ako ay bigla syang tumilapon sa sahig dahil sa suntok. Nagising ang diwa ko dahil doon. Narinig ko ang ilang irit mula sa mga katabi namin. Nakita ko ang galit at kadiliman sa mata ni Ricci. Agad namang dumalo ang security at pina alis ang lalaki. Natulala at natakot ako dahil sa lakas na ipinakita ni Ricci.
"Are you okay?" Pumungay ang mga mata nya. Hindi ako naka pag salita dahil sa gulat. Nakita kong nag wawala ang lalaki habang hinihila sya palabas. "I'm sorry, did I scare you?" Lumapit pa lalo ito at marahan na hinawakan ang siko ko. Napa atras ako sa ginawa nya.
"Hey. What happened? Are you okay?" Dumating si Riain at agad akong niyakap. Hindi ako nakasagot imbis ay niyakap nalang sya pabalik. "Sorry dinala pa kita dito. Let's go home." Sabi nya at nag paalam na sa iba.
"Bro salamat buti nandyan ka." Sabi ni Riain kay Ricci. Tumango lamang ito.
"Susunod na din ako pauwi Riain, take care of her." Sabi ni Kyle at hinalikan ako sa noo.
Lumabas na kami ni kuya para makauwi. Hindi ko na nakita ang dalawa kong kaibigan pero maiintindihan naman nila pag narinig ang nangyari.Nang dumating kami sa condo ay medyo tulala pa din ako.
"Mag pahinga ka na." Sabi ni kuya Riain. Tumango lamang ako at dumeretso na sa kwarto.
Natulala ako habang nakababad sa hot tub. Halong pagkamangha at takot ang naramdaman ko kanina. Nakita ko ang sobrang galit sa mga mata nya. Malakas si Ricci yun ang napatunayan ko. Ganoon din kaya sya sa ibang nabastos? Kaya siguro marami talagang humahanga sa kanya dahil hindi lang sya magaling sa basketball kundi mabait at gentleman pa sya.
Mabilis na tapos ang weekend. Nakauwi na din si Kyle sa Laguna. May nakita din akong kumalat na picture sa nangyari last friday. Kung saan sa gilid ang kuha nito. Medyo madilim kaya hindi kuha ng ayos ang mukha noong lalaki pero kita doon ang naka side view na si Ricci at galit na nakatingin sa lalaki. Hindi ko din kita ang sarili ko sa picture dahil natatakloban ako ni Ricci. Pinagusapan yon ng ibang fans pero agad din itong nawala makalipas ang ilang minuto. Nag hanap pa ako ng ibang picture pero nawala lahat.
"Ang hot naman ni Ricci"
"Ang swerte ni ate girlll!!!"
"Kaya love ko si cci e! go bb loves!!"
"Sino naman yung girl?"
"Woah! swerte ng magiging girlfriend ni cci for sure!!"Ilan yan sa mga nabasa kong tweet ng fans at mga nakikicomment sa picture.
Nawala ang iniisip ko sa nangyari noong nakaraang linggo ng dumating ang prof. namin. Polsci ang class ko ngayon pero wala pa si Ricci. Our professor started to call our names for attendance.
"Rivero?" Tawag ni prof. Pero nang walang sumagot ay nag taas ito ng tingin sa amin. Walang sumagot pero tumingin ito sa pintuan sa likod. "Oh there!" sabi nito at bumalik ang mata sa attendance sheet at nag patuloy sa pag tatawag.
Naamoy ko agad ang panlalaki nitong pabango ng umupo sa gilid ko. Narinig ko ang ilang singhap ng babae sa likod.
"Ang papi ni talaga ni cci!" Bulong ni Sophia sa kanan ko. Nag shuffle ng upuan last last week pero by group ito kaya katabi ko sila.
Mukhang narinig ni Ricci ang sinabi nito kaya napa lingon ito saamin at umangat ang gilid ng labi.
Naagaw din ang atensyon namin nang nag salita si Sir at nag announce na may magaganap na outreach program para sa mga nasalanta ng bagyo. Mag bibigay daw ng donation ang school at inaanyayahan ang mga estudyante na tumulong sa programang ito. Sinabi din nito na mag bibigay sya ng bonus points sa mga sasama.
"Ang pupuntahan natin ay malapit sa paanan ng bundok at medyo mahirap ang daan kaya you need to be ready." Paalala nito. "And it will be kinda long trip kasi ang sabi ng head ay sa Los Baños daw iyon sa Laguna. Lastly, this friday na yon so mag paalam na kayo." Pahabol nito. Naging maingay ang klase namin dahil doon.
"Sasama ka?" Tanong ni Sophia. "Hindi ako fit kaya feeling ko hindi ko kakayanin umakyat ng bundok." Malungkot na sinabi nito.
"Sasama ako! Malapit din yon kila tita so I'll take the chance to visit them. Sama ka na!" I smiled.
"Okay! I'll try." She laughed.
"You goin'? I'll go." Sabat ni Ricci.
"I'll go too!" Excited na sabi ni Anton.
"Oh buong group dapat tayo! Sasama na yan!!" Pag pilit ko kay Sophia.
"Oo nga! sama ka na!" Anton blushed a bit.
"Sige na nga!" Tumawa si Sophia.
Mabilis din natapos ang klase namin. May mga pinauwi ding masakit sa ulo na case digests. And we're told to memorize some articles in the Constitution.
Bago maka labas ay gusto ko sana mag pasalamat kay Ricci sa nangyari noong nakaraan pero agad din itong lumabas ng room.
"Ricci!" Hinihingal kong tawag dito. Lumingon ito at seryoso ang mga mata.
"Yes?" Tamad nitong tanong. Lumapit ako para makausap sya. Nakita ko ang gulat sa mga mata nya. Malapit na kami sa parking kaya hinila ko na sya doon, may mga tumitingin ding ibang estudyante kaya nahiya ako.
"Uh thankyou nga pala sa pag-" Sabi ko nang nakarating kami sa parking lot.
"No problem. Mag ingat ka nalang sa sunod. Madalas talaga may mga bastos." Nag iwas ito ng tingin. "And don't wear those kind of clothes." Binalik nito ang tingin sa akin. Umiwas ako ng tingin. "Masyadong maikli." Ramdam ko pa din ang titig nito. Tumungo ako at marahang tumango.
"Good. I'll see you around then? I have to go." Inangat nito ang baba ko para makatingin sakanya. Tumango ako at ngumiti.
Pinanood kong umalis ang sasakyan nya.
"Heck, why are you smiling like an idiot?" Binaba ni Riain ang bintana ng sasakyan nya sa di kalayuan. Fudge nakakahiya! Mabilis akong pumasok sa sasakyan para makauwi na din. "My baby sis is inlove." He chuckled.
Damn!