Chapter 21

550 7 0
                                    

2 gun shots, yun ang sabi saakin ni Riain nang makasakay kami ng eroplano papuntang LA. Natulala ako at hindi maintindihan ang mga nangyari.

Nanatili kami dito sa America for almost 3 years. Sa unang taon ay tumira kami sa isang condo na pag mamay ari nila Tita Cassandra. At noon din ibinalita saamin ni Kyle na nandito din daw sa LA ang aming Ama.

"Fuck it! hindi man lang magawang mag pakita saatin!?" Galit na sinabi ni Riain pag katapos ng video call samin ni Kyle.

"Calm down kuys baka may dahilan. Pakinggan nalang muna natin." I said slowly. I'm mad too pero iniwasan kong hindi magalit sa mga nagdaang taon. Si kuya ang hindi pa din makatanggap.

"How can I calm down? For all these fcking years hindi man lang tayo kinamusta! Kahit mag pakita lang para maramdaman ko naman na may ama tayo. Na may magulang tayo na mag aalala saatin. Magulang na mag aalaga at susuportahan tayo. Pero wala sila, wala. " He's crying silently now. I cried too. Gusto ko nalang ay makita ang aking ama.

Hindi agad namin nahanap ang bahay ng aming Ama dahil hindi din alam ni Kyle kung saan ang exact address nito. Nagpunta kami sa government at nagtanong kung saan nakatira si Lorenzo Alvarez. May nag match na 6 na tao dito. Pinuntahan namin ang pinakamalapit pero wala na daw nakatirang Lorenzo Alvarez doon.

Ang pang apat namin napuntahan ay malapit sa beach ang bahay. Kulay puti ang malaking dalawang palapag na bahay. May sumalubong saamin na kasambahay na Pilipino.

"Good afternoon ma'am, sir." She greeted. I smiled.

Pinaupo kami nito sa living room. Tahimik at malaki ang bahay. Chill at comfy ang ambiance. Maraming halaman at wood decors. Tanaw din dito ang dagat.

"Ma'am, sir pinapaakyat po kayo sa taas." Ginuide kami nung sumalubong saamin kanina na kasambahay.

Sinalubong ng malakas na hangin ang aking mukha ng makarating sa terrace ng bahay. Maganda ang tanawin at rinig ang alon ng dagat mula rito.

Mayroong long wooden table sa gitna nito at sa dulo ay doon ko nakita ang matandang lalaki na nakaupo.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng makita ko sya. He looks exactly like my kuya and tito Alejandro. Dahan dahan akong hinila ni kuya palapit doon. Nakangiti ngunit malungkot ang mata ng aming Ama.

Nang makalapit ay hinawakan nito ang kamay ko at unti unting yumakap saakin. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naghahalong tuwa, sakit at kaba ang nararamdaman ko. Ilang segundo lang ay tumulo na ang luha ko. Mahigpit akong niyakap ng aking ama. Sobrang higpit, ang hirap huminga.

"Anak, i'm sorry." My dad cried so hard also. And I can hear my kuya's cry too. He joined us and hugged our dad too.

"I'm sorry Riain, sorry. Sorry Dani." Pilit na sinasabi ng aming ama sa gitna ng pag iyak. Pagtango at pag iyak nalang ang nagawa ko. Hindi ko din narinig na sumagot si Riain.

We stayed like that for a while at nang mahimasmasan ay dun na nag kwento ang aming ama. Tahimik lang kaming nakinig ni kuya.

Riain was about to turn two years old and i was one month old when they moved here in LA. Umalis sila ng bansa para mag trabaho. Pero hindi din naging madali ang pamumuhay nila dito. Madalas daw sila nag aaway ni Mommy dahil sa pera. At dahil don sila Tita Cassandra at Tito Alejandro na ang nag susuporta saamin financially. Mom and Dad broke up when Dylan was 6 years old. Dylan is my younger brother, he's now 19 years old.

"I was so broke that time, I was always in bars at night at subsob sa trabaho sa umaga. Dun din ako natuto gumamit ng drugs at nakulong for 5 years. Your mom paid for my fine for almost $10,000. After that hindi ko na ulit sya nakita. Binalik nya din saakin si Dylan that time." He stopped for a while. Kita sa kanyang mga mata ang sakit ng pinagdaanan.

"After a month nalaman ko nalang na may iba na siyang kinakasama. Isang business man, na tinulungan syang mag invest at mag tayo ng sariling business." Daddy smiled again. Me and kuya stayed quite and processing all of it.

"After two years nalaman ko nalang na wala na siya. Car accident. I always wanted to talk to her pero lagi syang busy at hindi pumapayag ang kinakasama nya. We never had the chance to talk after the break up."

"Lahat ng inenvest at business nya ay nilipat sa pangalan nyo. I handled it for 8 years at ngayon si Dylan na ang nag aasikaso nito." Napatingin sa dagat ang aming ama. Pinagmasdan ko ito.

Kayumanggi ang kanyang balat, makapal na kilay, malalim at brown ang mga mata, makapal na pilik mata, matangos na ilong at katamtamang laki ng labi. Sobrang hawig ng aking kuya.

"I was about to visit you in the Philippines pero nabalitaan ko ang nangyari kay Cassandra. Nang hina at nawalan ako ng lakas ng loob magpakita sainyo. Pero salamat na lang at nandito na kayo ngayon." Naluluhang sabi ni Daddy.

Daddy. Napangiti ako sa naisip. May tatawagin na akong Daddy after so many years.

Behind the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon