So that's what we did. We went to the nearest falls then we ate lunch at the farm, they even tried to ride a horse. We chill a bit in the kubo then they tried to catch some fresh mangoes!We went to the training camp after but sadly we aren't allowed to join the training. We just tried the shooting range beside the camp. Tinuruan sila mag assemble ng baril bago mag start at sinabihan ng ilang paalala.
"Woah! Ang cool mo!" Sabi ni Brent habang nanonood sa pag assemble ko ng aking baril. Simula bata ay tinuruan na kami ni tito ng mga basic sa gun at shooting. He even taught us the Constitution and memorize it every summer.
"Yoko na dito dude. Uwi na tayo!" Sabi ni Prince nang narinig ang putok galing sa iba na nasa range din.
"Nako bading! Ang laki laki mo!" Humagalpak ng tawa si Kib. Natawa kaming lahat.
"Hindi no!" Bawi ni Prince at kinuha ang hawak kong baril. "Kuya try ko na po!" Sabi nya sa nag aassist saamin. Tinulungan naman ito.
He hit like 7 out of 10 not bad for a beginner actually.
"Yes? Ano ulit yon? Bading ako? Dude look 7 is not bad!" Pagmamayabang nito.
"Uhuh? Let me try." Sabi ni Ricci.
"Pasikat." Pabirong bulong ni Prince pero hindi na narinig ni Ricci dahil sa takip sa tainga.
"Let's see." I smirked. He smirked too.
And whoa! He hit 9 out of 10!
"EyyyYYyyyyYy! Magaling ka talaga sumipat!" Sabi ni Brent.
Brent, Ella and I also tried, Brent and I both got 9 out of 10 and Ella got 6. She was so scared to hold a gun but she did it anyway.
Umupo at nagpahinga muna kami sa mga available na tables sa gilid kung saan pwede mag pahangin at kumain. Naupo kami ni Ella doon at nag pahinga. She can't stop talking about how scared she was sa pag hawak ng baril at nag kwento pa sya nung bata sya natamaan daw sya sa mata ng water gun kaya ayaw nya ng baril. Nag kwento sya with matching action kaya tawang tawa ako.
"Ohmygosh! sobrang sakit talaga sa mata non! Walangya yung pinsan ko talaga!" Nastress sya sa pag kwento pero natawa din.
Sinundan naman namin ng tingin ang parating na si Ricci at Brent na may hawak na drinks.
Hinila ni Ricci ang katabi kong upuan at doon umupo bago binigay ang inumin ko.
"Thankyou." I smiled sweetly at him. He smirked. Kumunot ang noo ko. "What?" Nanliit ang mga mata ko. Lumapit sya sa akin at naramdaman ko ang maliliit na balhibo nya sa binti. Nilapit nya pa lalo ang mukha nya saakin at hindi na ako nakagalaw. Nakakahilo ang distansya naming dalawa.
"Hmmm I think i'm melting, you're so hot when you hold a gun." He whispered and I can feel his smile when saying it. Pakiramdam ko ay sobrang pula ko na ngayon. Nakahinga ako ng malalim nung lumayo sya ng bahagya saakin. Napainom nalang ako ng juice at hindi na sya malingon. Napalingon ako ng may lumapit saamin.
"Hi Sir! Eto po pala yung sukli nyo kanina." Malambing na sabi nung babae at namula pa ito nung sadyang pinagtama ang kamay nila ni Ricci. Nasamid ako.
"Are you okay?" Mabilis na tanong ni Ricci. Tumango lamang ako at tinignan ang babae. Napairap ito at may sinabi na "pabebe" at tumingin sakin pero mabilis din umalis nung nakita kung sino ako.
"What's her name?" Tanong ko sa isang lalaki na nakatayo na nag tatrabaho dito at sinundan ko ng tingin yung babae.
"What? I don't know." Litong sabi ni Ricci. Lumapit ang lalaki sakin at binulong ang pangalan nung babae. Napatikhim si Ricci at ramdam ko ang seryoso na nitong tingin sakin.
"Yes thankyou." Sabi ko sa lalaki. Yna pala ha.
"Welcome ma'am." Sabi nito at mabilis na umalis din.
"Danielle." Seryosong tawag ni Ricci. Natigilan ako pero mas nangingibabaw ang inis ko dun sa babae. Umirap ulit ako. Bumuntong hininga sya. "Baby.." Malambing na tawag nito at inabot ang kamay ko.
"Why? I'm just asking her name." I said.
"Dani what's happening here?" Dumating si Kyle.
"Nothing." I said. Nagtaas ito ng kilay.
"Okayyy.." Sabi nito. Tumayo ako at nilagpasan na sya.
I was thinking na bumalik kung nasaan kami kaninang umaga pero i was too tired to do that kaya napag desisyonan kong sa bahay nalang pumunta. I want to be alone and thank God walang tao sa pool ngayon. Dumeretso agad ako doon and I let my self swim back and forth para maalis ang frustration ko. It's almost dark nung naramdaman ko ang pagod at okay na ako.
I'm almost at the last step ng hagdan sa pool ng narinig ko ang pag bukas ng sliding door mula sa dining kung saan papunta dito sa pool.
"No!! Stop!! Dyan ka lang!!" I shouted at tumalikod. Fuck! Bat ko ba kasi naisipan mag two piece!! I'm confident to wear this kind of clothes when I'm alone pero hindi pag may ibang tao!!
"Okay okay. Chill. Dito lang ako." Mahinahon na sambit nito.
"Talikod ka!" Tinuro ko ito pero hindi ko sya hinarap.
"Okay eto na." Ramdam kong tumalikod sya dahil rinig kong tumama ang katawan nya sa door.
Agad akong nag punta sa table pero wala doon yung towel ko! Ughhh!!
"Ateeeee!" Sumigaw ako, halos patili.
"What? why? wala akong ginagawang masama!" Ricci panicked. Napatingin ako sakanya at napatingin din sya sakin. Tumili ako agad at tumalikod naman sya ulit.
"Get my robe! Plss!" I shouted. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hangin.
"Sige. wait lang." He said at umalis naman ito agad.
"Sir eto na po." Rinig kong sabi ng kasambahay.
"Ate kayo na po mag bigay baka hindi ako makalabas ng buhay dito." Maliit na boses ang narinig ko habang nag uusap sila.
"Naku sir! baka ako din po. Kayo nalang po." Mas lumiit ang boses nito hanggang sa nawala na.
Ang tagal nila! na upo muna ako sa tabi ng pool at niyakap ang tuhod para maibsan ang lamig pero walang nagagawa ito.
Bigla kong naramdaman ang init ng katawan na yumakap sakin mula sa likod. The warm that I want and the warm that I need. Binalot nya ako ng towel at umupo sa likod ko. Mabilis nyang ipinulupot ulit ang braso sa maliit kong katawan. I can feel his legs beside my body. Marahan nyang nilagay ang buhok ko sa right side at pinatong ang kanyang ulo sa left shoulder ko. His touch was so soft, I can imagine how beast and rough he is during games and now he's behind me showing so much care and gentleness.
"Sorry..." He said huskily and hugged me tighter.
