Alas nuebe na ako nagising at natulala saglit ng maalala ang nangyari kagabi. Sumakit din ang mata ko dahil siguro sa pag iyak at napatunayan ko iyon ng makita ang sarili sa salamin. I look like a zombie! I look so pale. Napailing ako sa sarili at dumeretso na sa bathroom para makaligo.
"Dani? Gising na let's have our breakfast." Rinig kong tawag ni kuya pag labas ko sa bathroom.
"Ok kuys susunod na ko." Sigaw ko pabalik para marinig ako. Mabilis ako nag ayos ng sarili at nag lagay ng konting concealer para hindi mahalata ang pamamaga ng mata. At kanina habang naliligo napagdesisyunan ko pumunta muna sa mall bago pumasok. Gusto ko muna aliwin ang sarili ko at mag tingin ng make up! Kailangan ko ata mag ayos ng sarili para mapansin ulit ni Ricci? Mag pa salon kaya ako? Ano ba Dani! Hayaan mo na sya kung anong gusto nya! Napairap ako sa aking iniisip.
Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa dining table. Pinasadahan ni kuya ng tingin ang suot kong damit. I'm wearing gray body con dress and it's shorter than my usual knee-length dresses, a Fila dad shoes and a small sling bag.
"Aba aba may date ka?" Nagtaas ng kilay ito at natatawa.
"Tss wala." Inirapan ko siya at nagsimula na kumain. 1pm pa naman ang start ng class ko kaya may oras pa ako gumala.
"Imposibleng wala. Ricci?" Nagpigil sya ng tawa. Hindi ko mapigilan ang pagirap ko dahil sa naalala kagabi. At bakit ba tawa ng tawa tong isang to? Ano bang nakakatawa?
"Uyy may date nga! Dalaga na baby ko!" Humagalpak sya ng tawa.
"Kainis ka! Wala nga sabi! May iba nang ka date yon!!" Pagalit kong sabi at nabilaukan naman sya.
"Ha? Anong may iba?" Kunot noo nyang tanong.
"May iba na! Nakita ko kagabi. Siraulo pala yang kaibigan mo kuya. Pakisabi napaka sinungaling nya." Sabi ko at may nag babadyang luha nanaman sa mata ko. Nag iwas ako ng tingin hindi na tinapos ang pagkain at dumeretso na palabas ng aming unit.
"Wait. What? What the heck is happening-" Hindi ko na pinatapos si kuya at sinarado ko na agad ang pinto. Dumeretso ako sa parking lot at pinatunog na ang aking sasakyan.
"Ang galing din kasi talaga e noh? Napakabait at sweet nung nasa Laguna bakit ngayon pag balik ng Manila iba na ulit? Gago na pag nasa Manila ganun ba yon? Ughhh!" Binuhos ko ang frustration ko sa loob ng sasakyan habang traffic.
Natigil ang pag iisip ko ng may tumawag saakin. It's Riain.
"Yes kuys?" Kinalma ko ang sarili ko.
"What the fuck Dani? Nasan ka? Hinabol kita kanina ang bilis mo mag patakbo!" Sigaw nya sa kabilang linya.
"Chill bro. Malapit na ko sa mall." Napairap ako.
"Sasamahan kita. Wait for me sa parking." Sabi nya at rinig ko ang busina ng mga sasakyan sa linya nya.
"Oks. Bye." Tamad kong binaba ang aking phone. I sigh when I finally parked my car, para akong bata na sinusundan parin ng kuya ko but I'm thankful to have a kuya like him he's sweet and caring all the time.
Tumawag ulit si kuya kaya sinagot ko iyon.
"I'm here sa entrance. Where you at?" He asked. Wow naunahan pa ako.
"I'm on my way." I said. Pero natigilan ako ng makita ang isang pamilyar na sasakyan at bumaba doon si Ricci. Agad akong nag tago sa poste. "Oh shit!" Bulong ko sa sarili ko.
"What? Are you okay?" Tanong ni kuya sa kabilang linya. Napapikit ako sa frustration. I'm not ready na makita siya! Baka mawala lahat ng galit ko pag nakausap ko na sya.