Tama nga ako nag sisimula na ang movie nung dumating kami. Lights are off but i still can see how they turned to us. I smiled to them."What took you both so long? Pahingi popcorn!" Kuya Riain said. Dahil na kay Ricci ang popcorn sya na ang pumunta kay Kuya sa unahan na upuan. Pumunta na ako sa upuan ko at niyakap ang unan.
Sumipsip ako ng konti sa aking frappe. Ayoko muna maubos ito kaya titipirin ko. Naamoy ko ang bango ni Ricci at naramdaman kong umupo na sya sa tabi ko pero hindi ako lumingon I want to focus on the movie.
Sumipsip ulit ako sa frappe, fudge hindi ko mapigilan ang sarap talaga. Hindi ko akalain na marunong sya gumawa ng ganito. Akala ko puro basketball at gym lang ang alam netong isang to. Napangiti ako sa iniisip ko. Parang tanga tuloy ako dito hindi masaya yung movie kasi nag aaway away sila pero I'm smiling like an idiot here.
"Masarap ba?" He chuckled on my ears. Sobrang lapit nya na sakin ngayon. We are sitting in this 2-seat reclining sofa it looks huge pag average person ang nandito but now it looks so small because of his massive and huge body.
Tumango ako sa tanong nya. Hinila nya pa lalo ako palapit sakanya pinatong nya ang kanyang baba sa kaliwa kong balikat at niyakap ako mula sa likod. Hindi ako makagalaw sa posisyon namin dahil konti nalang at didikit na ang labi nya saakin.
"You smell so good baby." He sniffed my hair. Nilabas nya ang phone nya at nilagay ito sa front camera. Tinakloban ko ang mata ko gamit ang isang kamay at ngumiti habang kagat ang straw ng aking drink. It's dark pero kita pa din dahil sa ilaw ng projector at malinaw ang phone nya.
Half pa lang ng movie ay hinila na ako ng antok. Nagising nalang ako ng nasa kwarto ko na ako. Nag panic ako at tinignan ang suot ko, ayun pa din naman. Damn it Dani ano bang iniisip mo? and shux 9am na pala? Naligo ako agad at inayos ang ilang damit na dadalhin.
"Dainielleeee!" I heard a sweet familiar voice downstairs. Kaya bumaba na agad ako at sinalubong ang tumawag saakin. It's kuya Nathan! Older brother ni Kyle and Tita Cassy is also here!
"Ohmygosh Kuya! I miss you so much!" I hugged him tight.
"Anong kuya? Hmm?" Maarte nyang sinabi. Tumawa ako. He's gay and he's lucky dahil hindi tutol ang pamilya namin dito lalo na si Tito he's so supportive lalo na tuwing may fashion show si Kuya Nate. He's a fashion designer and a lot of local and international artists ay kilala sya dahil sa mga designs nya.
"Okay sistah!" Maarte ko ding sinabi. Tumawa kami.
"Dans!" Tita called me. Pumunta ako sakanya at niyakap agad sya it's been almost two months na hindi kami nagkita.
"I heard you guys are going back to Manila today?" She said.
"Yes tita, nag stay lang po kami saglit dito and we still have school works to do so we need to go back na din." I explained.
"Oh okay then. Let's have brunch muna before you go." She smiled.
Pumunta kami sa dining table at agad na nagkwentuhan tungkol sa mga activity namin sa school at tungkol pa sa ibang mga bagay. We are complete here in our table at hindi naman na out of place sila Ricci dahil madami ding tanong si Kuya Nathan sakanila.
"Uy gwapo yung isa ha! Kanina ko pa nahuhuling tumitingin sayo." Bulong ni kuya Nate saakin at kinurot ako sa tagiliran. Natawa naman ako. "Mag kwento ka naman! Hindi ka na nagsasabi ha! Pagkatapos nung last na manliligaw mo wala na ba? Or sya na yung bago?" He giggled. "In fairness bagay kayo!" Medyo napalakas nyang sabi. Napatingin ako sa kanila at napatingin din sila saamin ni kuya Nate. Napainom ako ng tubig.
"Uh bagay sila nung isang artist na nag pa design sakin last week!" He explained. Muntik na ko masamid sa sinabi nya. Artist? Sino naman yun? Nilakihan ko sya ng mata pero nag patuloy lang sya sa pagkain nya.
