Hinila niya ako papunta sa kotse nya at nag patinaod nalang ako sakanya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at tahimik akong pumasok doon. Madaming tanong sa isip ko pero hindi ko magawang mag salita. Parang may bara ang aking lalamunan kaya kay hirap mag salita. I'm mad pero mas galit siya.Akala ko sa kotse lang kami mag uusap pero nagulat ako ng pinaandar niya iyon at dinala ako sa isang coffee shop sa BGC. Umakyat kami sa 2nd floor kung saan walang tao. Nilibot ng mga mata ko ang lugar it's a rustic garden themed coffee shop. Sobrang chill ng ambiance. Glass ang wall at solid wood ang mga lamesa. There are also a lot of flowers hanging and on pot.
Isa lang ang upuan namin it's like a sofa bed made of rattan and it has foam in it kaya komportable. Sa dulo kami pumwesto kung saan tanaw ang mga building at ang kalakhan ng BGC.
Dumating agad ang pagkain namin and I got excited when I saw my frappe.
"Anything else, Sir?" Tanong ng waiter. Umiling si Ricci at nag Thank you bago umalis ang waiter. Kami nalang ang nandito.
Binigay niya saakin ang frappe ko.
"Thankyou." I said without looking at him and I can feel his serious eyes on me.
"Uh anong pag uusapan natin?" Tanong ko at medyo lumayo sakanya. He sighed.
"Bakit ka lumalayo. Come here, closer." Hindi niya pinansin ang tanong ko at hinila niya ako palapit sakanya.
Don't let him touch you Dani! Malulusaw yung galit mo!
"I don't want. Don't touch me." Inalis ko ang kamay niya na nasa bewang ko at lumayo ulit. He's shocked with my sudden move I can see it in his eyes. Napakurapkurap siya at hinayaan ako.
"What do you want? Akala ko mag uusap tayo?" I sound like a woman there but he just pouted his lips. Nag iwas ako ng tingin. Good Dani wag ka mag papadala!
"I miss you." He whispered. Lumapit ito saakin at niyakap ako bigla. Sa gulat ko ay muntik na matapon sakanya ang hawak kong frappe mabuti nalang at inalalayan ng isang kamay niya iyon at pinatong sa lamesa.
"Mygash Ricci we can't talk properly if you're too clingy!" I said. He sighed.
"But I miss you so bad. You're not answering my texts and calls." Kumalas siya sa yakap at mas seryoso na ngayon.
Kinuha ko ang phone ko at nakita doon na may mga tawag nga siya!
"Uh sorry may class ako kanina e." Palusot ko pero totoo naman!
"What about my texts?" He's really serious now. Nagiwas ako ng tingin at naalala nanaman ang nakita sa ig story. "C'mon baby. What's wrong? Do we have a problem?" Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon.
Wala akong sinagot at nanatili lang ang titig ko sa cellphone ko. Napatingin ako sa kamay niyang mabilis kinuha ang phone ko at iniwas saakin!
"Give it to me! Ricci!!" Sabi ko habang kinukuha ko ang phone ko sakanya pero wala akong magawa dahil sa haba ng kamay niya ay talo talaga ako. I can't stand because his other arm is locking my legs.
Mabilis niyang tinignan ang recently visited apps ko. I stalk him a lot and that girl last night! He visited Andrea's feed at nung wala siyang makita ay binuksan niya naman ang story nito. And there you go.
Bumalik ang tingin niya sa akin at kunot noo niyang nilahad ang phone ko bago ko ito mabilis na kinuha. Napairap ako at naluluha. Kinuha niyang muli ang kamay ko at pinaglaruan iyon. Napatingin ako doon.
"Hey. It's not what you think, okay? We're just friends." He said.
"Friends!? Ganon kadikit pag friends!? You liar!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at paulit ulit siyang pinalo sa dibdib. Pero mabilis niya din nahuli ang kamay ko at sa higpit ng hawak niya ay hindi na ako makawala. Nanghina ako.