Chapter 5

1K 19 1
                                    


The next day, nag announce ang president ng student media ng meeting para daw sa opening ng UAAP and for the outreach program.

"I miss youuu!" Salubong ni Ella pag pasok ko sa room kung saan ang meeting. I hugged her tight. "Sama ka sa outreach ha!" Excited nyang sinabi. Tumango ako. Naputol ang usapan nang dumating na ang vice president. He's so boyish with his look. Napatulala si Ella. "Ohmygash! iba din to e oh! Ang fresh ni Vp." pabulong na tili nito. Natawa ako at napailing.

"Okay guys! So sa outreach program ay kasama ang mga varsity players kaya sa mga naka assign sa sports dun kayo isinama sa bus nila." She looked at us. We nodded. "You know your work and I look forward to that! We need good shots and also documentaries. Always take notes. And para sa opening ng UAAP, you need to start doing your work also. You need to show how they prepare, practice, workout and their teamwork! I know we are all busy but I believe in each and every one of you! We can do it guys! And I'll just call for another meeting if there's further announcements. Thankyou for coming!" Kumaway ang president at umalis na ng room. Hindi muna kami umalis dahil ibibigay pa daw ang polo shirt at id namin.

"Ellandria Chua?" Tawag ni Vice Pres. Lumapit si Ella at tinanggap ang kanya. Napansin kong medyo tumagal ang titig nito kay Ella. "And Dainielle Alvarez." Tumayo ako at tinanggap na din ang akin. Laman ng paper bag ang green and white na polo shirt, id at iba pang La Salle merch.

"Girl! tumitig sayo si Vice President!" Kinikilig kong kinuwento kay Ella pag labas namin. Umirap lamang ito pero halata ang pamumula.

"His name is Nathan. Ayoko umasa may girlfriend na ata yun." Bigo nitong sinabi. Parang kanina lang ang taas pa ng energy nito!

"Ata? so hindi pa sure! Tignan natin." Kinuha ko ang hawak nyang phone at sinerch si Nathan.

"Huy baka malike mo! Mag ingat ka sa pag scroll!" Sabi nito at naki tingin na din sa mga pictures nito. Medyo madami na din ang nakita naming picture pero wala naman akong nakita na kasama nyang babae. Kung meron man mga barkada at pamilya nya lang meron.

Ang pinakamatagal nitong picture sa Ig ay naka topless ito sa isang beach. Naexcite kong tinuro ito kay Ella and I accidentally liked the picture.

"OHMYGASHHH! ANONG GINAWA MO??" Madrama nyang tinitigan ang phone nya. Marahan nyang hinila ang buhok ko at kinurot ang tagiliran ko. I laughed at that.

"Sorry! wait unlike mo! hindi yon makikita!" Kinumbinsi ko sya. Ginawa nya naman.

"Pag talaga nakita yon! Nako! Ikaw na Alvarez ka talaga!" Nang gigigil nyang sinabi.

"Well atleast nakita mo naman na walang girlfriend diba?" I laughed.

"I don't know. Baka meron talaga hindi lang nilalabas?" Napa isip sya.

"Uhuh? Hindi nya mahal yon kung ganon." Sabi ko at nagyaya na kumain sa labas.

Nagpatuloy pa ang kwentuhan namin tungkol doon at hindi namalayan ang oras. Medyo na late kami sa practice ng basketball. Pag dating namin ay nag water break muna sila.
I don't have my camera with me so I won't be able to capture some of their practice but I will help Ella to write something para sa practice ngayon. Ang mga advice ng coach, strategies, defense at offense nila ang kailangan namin isulat. Pati na rin ang mga improvements ng player ay kailangan naming matutukan.

After ng water break ay bumalik na sila sa practice.

"Ang hot ni Ricci shet bakit ganon lord?" Tumingin ito sa taas tila nag tatanong.

"Patpatin nga e." Sabi ko at tumingin kay Ricci. I saw his glanced at us.

"Yung totoo? Anong gusto mo mas malaki pa jan?" Umirap sya. Nagkibit balikat ako.

"Sa bagay mas magaan katawan mas mataas tumalon at mag dunk" Sabi ko at tumango naman ito.

Pagkatapos ng mahigit isang oras nilang practice ay bumalik sila sa bench para mag pahinga. Pero si Ricci at Brent ay nag haharutan pa sa court. Ginagaya ni Brent ang dunk ni Ricci pero hindi nito magawa, inaasar at tinatawanan ito ni Ricci.

"Hirap naman bro! Ano bang sikreto mo para pumasok? Appeton?" Humagalpak ng tawa si Brent pati ang iba nilang teammates. Natawa din kami ni Ella. Dahil sa lawak ng nagawa kong research nakita ko ang picture na yon almost a year ago na yun pero hindi na nila nakalimutan at ng ilang fans.

"Fuck you bro!" Tumawa ito at malakas na pinasa ang bola kay Brent.

"Ouchh! Dani oh!" Tumingin ito sakin. Natawa ako. Sa ilang practice na din nila ang nakaraan ay medyo naging close na kami at ng ilang players din. Madami silang kalokohan kaya siguro gustong gusto din sila ng fans. He did the stunt again pero hindi nya nagawa.

"Go Brent!! Kaya mo yan!" I shouted. Napalingon ito at kumindat. He did the stunt again and luckily nagawa nya na ito.

"Yes! Ano bro!?" Pagyayabang nito. Natawa si Ricci at binatukan ito. Pagkatapos ay bumalik na sa bench ang dalawa. Ang ilang players naman ang nag practice shooting. Lumapit sila sa cooler kung nasaan ang inumin at sa kung saan din kami nakaupo. "Thanks Dani! Ikaw ata lucky charm ko cheer mo ko lagi ha!" Nakipag apir ito saakin. Natawa ako dito at tumango.

"Ako din cheer mo. Please." Mapupungay ang mata ni Ricci nang sinabi nya ito. Ngumiti ako at tumango.

"Ang pacute naman nito ni cci." Umirap si Ella. Natawa si Ricci at marahan na kinagat ang labi. "Hayys." Nanghina si Ella. Humagalpak ako ng tawa sa reaksyon nya.

"Buti pa ako natural na cute." Sabi ni Brent kay Ella. Umirap ulit ito at kumuha ng towel sa gilid ko para ihagis kay Brent. Sinalo naman ito ni Brent at nag punas ng pawis. Napansin ko ang paghihintay ni Ricci para sa towel nya pero walang nag bigay kaya naman pumunta ito sa tabi ko at umupo para mag punas ng pawis.

"Uy bagay kayo!" Lumayo ng konti si Ella para tignan kaming dalawa. "Diba Brent?" Tinignan nito si Brent. Seryoso itong tumingin at nanantya bago tumango.

"Pero mas bagay kami." Simpleng sinabi ni Brent. Nakita kong tumaas ang kilay ni Ricci para kay Brent. Humagalpak ng tawa si Brent. "Joke lang bro! Alam ko naman." Sabi nito at nagbigay ng makahulugang ngiti. Lalong lumayo si Ella at tumayo sa gilid ni Brent para tignan kami. Umirap ako.

"Smile!" Nilabas nito ang phone nya at pinicturan kami. I smiled shyly. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Ricci saakin.

Inakbayan ni Brent si Ella habang tinitignan ang picture pero inalis ni Ella ang kamay nito.

"Kadiri pawisan ka!" Reklamo nito. Pero lalo pang inakbayan ni Brent si Ella at wala na itong nagawa. "Wait ulit yung picture! Closer nga!" Masungit na sinabi nito. Umiling ako dahil nahihiya na ako. "Ughh! Dali na friends lang naman kayo ah!" Sabi nito.

"Oo na, friends nga." Sabi ko. Naramdaman ko ang init ng katawan nya sa likod ko, pinatong nya ang mukha nya sa kanang balikat ko at ang kamay nya ay ramdam ko sa kaliwang gilid ko. Naestatwa ako sa ginawa nya.

"Friends huh." He chuckled sexily on my ears.

"Yan! One! Two! Three! Smile!" Sabi ng dalawa. Tipid akong ngumiti. Hirap na hirap akong huminga dahil ngayon lang kami naging ganito kalapit.

"Not just "friends", please?" Ngayon ay nahimigan ko ang lungkot sa kanyang boses. I don't get it, pero bago pa ako makapagtanong ay pumito na ang coach nila at umalis na sya sa tabi ko.

Behind the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon