Inserted Page

635K 27K 16.8K
                                    

*.*.*


Iniibig kong Kabiyak,

Bago mo simulang basahin ang mga nangyari sa buhay ko... insert ko lang 'to, ha? Wala naman din 'to k'wenta. Mga katangian lang sa lalaki na hinahanap ko. (Noon) Isinulat ko 'to nung High School ako.

P'wedeng ikaw 'to dahil ikaw ang napangasawa ko. O p'wedeng ikaw ang nagbago ng mga qualities na gusto ko.

25 Qualities I'm Looking For a Guy:

1. God's Lover.
- I am a born-again Christian. Ito 'yong katangian na unang hinahanap ko. What's the point of loving me if he doesn't have faith in God?

2. Mahal ang pamilya.
- Sino ba'ng may gusto na hahamakin ang pamilya makasama ka lang niya? Pamilya niya muna bago ako. I'm not selfish. Actually, it will make me happy.

3. Tanggap ang kabaliwan ko.
- Baliwag ako. Obvious 'yon. May saltik. May toleleng. Maluwag ang tornilyo. I won't ever change that for someone. If he can't accept me for who I am, then I can't be with him.

4. Matangkad.
- Ang tangkad ko. Ang pangit naman siguro kung mas matangkad ako. Ano? Yaya ako ng boyfriend ko?

Masarap kaya 'yung hanggang baba niya lang ang ulo ko. O hanggang dibdib lang. Para katapat ng tainga ko ang puso niya. Maririnig ko ang malakas at mabilis na tibok nito. Tapos titingkayad ako para mahalikan siya. Saka ipupulupot ko ang mga braso sa batok niya. Iniisip ko pa lang, kinikilig na ako, Dre!

Eh, kung mas matangkad ako. Siya titingkayad? Sad! :(

5. Virgin.
- Para fair. Karamihan ng lalaki, ang gusto virgin na babae. Tapos kaming mga babae, 'di p'wedeng gano'n din? Hustisya naman para sa sampaguita ko.

6. Pogi.
- Presence of God Inside
- Person of God's Image

7. Sports lover.
- I love sports. Masarap sa feeling na sabay kayong manunuod at pag-uusapan ang mga iniidolo n'yong athletes.

8. Hindi naninigarilyo.
- Allergic ako sa usok ng sigarilyo. Sumasakit tiyan ko kapag nakakaamoy ako. Matatanggap ko pa ang umiinom. Pero yosi? No!

9. Magaling magluto.
- Sobrang takaw ko. As in! Suki ako ng mga eat-all-you-can at unlimited rice. Kaya sobrang turn-on sa 'kin 'to. Kung p'wede nga lang mag-asawa ng chef, eh. Saka kasi... hindi ako marunong magluto.

10. Rounded eyes.
- Singkit ako, kaya ayoko ng chinito. Mas trip ko 'yung bilugan ang mga mata. 'Yong matapang kung tumitig. 'Yong nakakatunaw. 'Yong nakakaintimidate. Lalaking-lalaki 'yon para sa 'kin.

Pero may exemption. Kung 'yung chinito... mala-Ji Chang Wook ang itsura, wala ng tanong-tanong pa... hubad-panty na.

11. Hindi ako ituturing na baldado.
- In short, ayokong pinagbabawalan ako. Babae ako pero kaya ko rin makipagsabayan sa mga lalaki. Gusto mong mag-boxing? Sige, sparring tayo. Gusto mong mag-adventure, sige saan ba ang trip mo? Gusto mong makipagrace gamit motor? Sige, one-on-one tayo.

12. Dancer.
- Sabi kasi nila, magaling daw sa kama ang mga dancers. Charooot! Basta. Okay lang kahit 'pag kinantahan mo ako tapos sintunado ka. Pero iba ang dating sa 'kin ng dancer. Lakas makapakilig!

13. Basketball player.
- No need to explain why. Just because...

14. Kayang makipagsabayan sa addiction ko sa Wattpad, KDrama at Anime.
- Tanggap ang pagfafangirl ko. Okay lang sa kanya kahit marami akong asawa. Because at the end of the day, siya pa rin talaga.

15. Otaku.
- 'Yung sasabayan ako sa panunuod ng One Piece. Hindi ko matatapos 'to kung babanggitin ko lahat ng anime na gusto ko. Basta. 'Yung lalaking sabay naming aabangan ang bagong release na episode gano'n din sa manga. 'Yung sabay kaming mag-aaral ng Nihongo. At susuportahan ako 'pag nag-cosplay ako.

16. Mahilig sa bata.
- I love kids. Pero kung siya, ayaw sa mga bata... ano'ng silbi? Saka masarap magmahal at pangaraping bumuo ng pamilya ang gano'ng lalaki.

17. Masungit na prangka
- Pero tiklop pagdating sa 'kin. In short, masungit sa ibang babae pero malambing sa 'kin. At gusto ko sinasabi kung ano'ng mga ayaw niya. Hindi nagsisikreto.

18. Moreno
- I don't like tisoy. Nagmumukhang bading. Lol. Mas manly at naaattract ako sa mga moreno.

19. Music lover
- Mahilig sa mga instruments. Hindi man magaling kumanta basta mahilig sa musika.

20. MMMM (Hindi Matandang Mayamang Madaling Mamatay) My version is... Mabait, Magalang, Mapagpakumbaba, at Marespeto.

21. Simple lang.
- Gamer ka man basta hindi player. Basketball player ka man basta 'di two-timer. Bandang huli, sa simpleng tao pa rin ako nahuhulog. 'Yung walang kayabangan sa katawan. Simpleng manyak pero maginoo naman.

22. Hindi trip 'yung mga babaeng nagmamake-up at kikay.
- Hindi ako nagmamake-up, eh. Ni lagyan nga ng eyeliner, naiiyak na ako. Ayoko rin ng heels. Masakit kapag nagkapaltos. Hindi rin ako sexy manamit. Mas gusto ko t-shirts. 'Yung mga damit panglalaki. Doon ako komportable, eh. Simpleng lalaki lang gusto ko. So, sana tanggap niya kahit simpleng boyish lang ako.

23. Stick to one.
- Kapag nagmahal kasi ako... sagad! Wagas. Siya lang talaga. Isa lang. Marami man akong crush na anime at fictional characters, alam ko... kanyang-kanya lang ako.

Masama ba'ng pangarapin na sana ako lang din?

24. Hindi nang-iiwan.
- Hindi ako takot magmahal, pero natatakot akong maiwanan. Hindi ako takot masaktan, pero ayoko talaga nang iniiwan.

Siguro ito rin ang rason kung bakit hanggang ngayon single pa rin ako.

I know how to love, but I'm not really sure if he's.. the one.

25. Mahal ko at mahal ako.
- I don't care if you don't have the qualities I'm looking for. The fact that you love me and I love you is more than enough. You don't have to change your character for me.

You just have to make my heart frantically throbbed for you. Only you.

Your ABnormal Wife,
AB / Angelica Bianca

*.*.*

< Kudos Pereseo >

Natigilan ako.

Matagal na nakatitig lang sa diary na hawak ko. Bawat salitang nakasulat, tila mga dart arrows na tinatapon sa direksiyon ko.

I can be that guy.

Apart from one thing; we're exactly the same.

She has trust issues with men. While me, I distrust women.

Karamihan ng babae, tingin sa mga lalaki... manloloko. No, they're wrong. There are ladies who cheated, too. Hoaxers!

Karamihan ng babae, tumitingin sa itsura. Kapag sikat ka, mahal ka na nila. Kapag g'wapo ka, instant crush ka na.

Women are captious. They tend to judge men before knowing us first. They believe that we will just betray them in the end. How can we prove our love and that we're serious, if they don't trust us in the first place?

But now? I think, there are still women who can be trusted.

Matapos kong mabasa ang sulat ni AB. 'Di ko sure kung matutuwa ako o maiinis sa sarili.

Sorry, Ms. de Makapili, I read your diary.

But I'm not sorry at all 'coz I can't stop myself now. I don't want to stop. I want to know you.

I really want to know you more.

I simpered. Just call LTFRB if you have any complaints... when we meet.

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon