DD,
Today is November 28, 2006.
12 years old na ako. Kaka-12 nung September. Ako nga ang pinakabata sa buong batch ng High School sa 'min ngayon, eh. 11 nag-HS.
Miss na kita, Mylabs.
Sorry kung ngayon lang ulit kita nahawakan. Mas busy pala kapag High School ka na. Ang mga nilalaro namin noong Elementary, hindi ko na nagagawa. Ang mga kaklase ko, dalaga ng tingnan. Ang iba nga nagme-makeup na.
Ang school ko ngayon ang pinakamalaking school at sikat sa buong province namin. Main ang College, pero priority rin ang HS dahil nga Science School.
Yep, Mylabs, sabay kaming nag-exam ni Brent saSHS... kaso hindi siya nakapasa. Kaya parehas sila ng school ni Rury, NHS.
Section 2 ako. Tig-3 sections hanggang 4th year. Natatakot nga ako, Mylabs. Mukhang salang-sala ang mga estudyante rito. Ang tatalino. Ang hirap talaga ng entrance exam. Buti nakapasa ako.
Ang astig pa ng pangalan ng mga sections. Science na science. Section 1, Atom. Kami, Constellations. Ang Section 3, Mercury.
Araw-araw akong gumigising ng 4 AM para lang mag-review. Palagi kasing may quiz. Ako rin ang pinasasaing. Ate Shane kasi tulog mantika. Sa NHS si Ate Shane kaya magkaiba kami ng school. 3rd year na siya.
7:00 AM ang pasok ko araw-araw hanggang 4:00 PM. Fixed. At strict talaga. Bawal ma-late. Daig ko pa sa Japan nag-aral.
'Di ba? Sobrang busy! Pero masaya naman. Maganda ang school. Malawak ang campus. Angas! Maraming gwapong college students. OMG!
Mylabs, ang daming basketball players! Gosh. Tapos nakikita ko pa minsan si Igzo Levi na nagbabasketball din. College na siya, eh.
Ayun! Gusto ko lang na mafamiliarize ka sa bago kong buhay, DD. Ibang-iba pala talaga ang HS sa Elementary. May mga kaclose na rin akong kaklase, pero madalang. Namimili kasi ako ng kakaibiganin, eh. Gusto ko 'yong mga good influence lang at 'di ako mahihila sa kasamaan. Charooot! Hahaha. Ako? Kaya kong i-handle ang sarili ko.
Hindi ako katulad ng ibang mga kabataan na masyadong atat sa experience. Atat tumanda. Atat magkajowa. Tapos 'pag nagkamali sa mga desisyon... magsisisi.
Usapang lovelife? Wala ako niyan! Kahit 'yong mga kaklase ko ang palaging topic about... crushes. Oo, marami. Mahaharot sila, eh. Kung magkwentuhan parang palaging sinusundot sa mga puwet. 'Di yata sila naporga nung mga bata pa. Tapos kapag kinikilig sila, ang lalakas tumili at naghahampasan. Brutal. Uso kasi ngayon ang confessions, palitan ng number at textmates. Palibhasa may mga cellphones na.
Pero ang babata pa nila. Okay. Namin. Uso naman magkacrush. Pero talaga ba? 12 pa lang may boyfriend na? Kumusta kaya grades nila? Legal ba sa mga parents nila?
Tapos ang ibang HS, College na ang mga syota. Gano'n ba talaga kapag nag-HS ka na? Nung elementary kasi ako... namomroblema lang ako sa mga nilalaro namin at kung ano'ng mga sagot sa assignments. Problema ko lang madalas kung paano baklasin 'yong pagkakabuhol-buhol ng mga braso't binti ng mga kalaro ko sa Doctor Kwak-kwak. Nagkakacrush, pero 'di nagtatagal. Wala na nga akong crush ngayon.
A, mayroon! Para lang matawag na "normal na babae", crush ko na ang isang lalaki sa Section 3. Ang ganda kasi ng mata. Kapag tumitig, nakalulusaw. Matapang! Ang sarap titigan.
Bumili pala ako ng notebook, Mylabs. GREEN. Tinanggal ko ang pages na may sulat sa binigay na yellow notebook ni Ate Princess dati at dinikit sa bago.
Ngayon lang kita nahawakan kasi katatapos lang ng ACQUAINTANCE PARTY.
Ang gandang panoorin ng battle of the bands. Gusto ko sanang sumali sa dance competition, pero by group kasi. Kahiyang umepal sa mga kaklase. Magkaklase sila noong Elementary, e. Kaya feeling ko... OUTCAST ako. Kaya hindi na ako sumali.
BINABASA MO ANG
Love at First Read (Pereseo Series #1)
Novela Juvenil[ Pereseo Series #1 ] Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae. -- Book cover by @arkiSTEPH