Page 26

391K 15K 7.2K
                                    

DD,

I think, I'm in big trouble.

I'm starting to like Toni. Help me!

Ano'ng gagawin ko, Mylabs?

Itetext ko pa ba siya o lalayuan na?

Pero kasi... hindi ko kaya.

Ang daming what ifs na umiikot sa utak ko ngayon. Gulong-gulo ako. Feeling ko mababaliw ako.

Hindi naman 'to ang priority ko, eh. Pero bakit 'di ko kayang huminto? Bakit 'di ko kayang lumayo?

Ang bata-bata ko pa. Studies muna.

Pero masaya ako kapag nakakatext ko siya.

Kahit sobrang hirap ng signal sa lugar namin, pumupunta pa ako sa may tulay, sa ilog, o umaakyat ng mangga para lang makapagreply ako sa kanya.

Effort kung effort ako.

Hindi naman ako ganito. Minsan ko lang hawakan ang cellphone ko. Hindi ako mahilig sa textmate. Hindi ako madalas mag-isip ng tungkol sa lalaki. Hindi ako nagcoconsider ng pwede na kaya akong pumasok sa isang relationship?

Pero bakit pagdating sa kanya... nababasag lahat ng 'yon? Nasisira ko 'yung sinet kong tamang panahon para sa sarili ko?

Ang gusto ko... 20 ako magboboyfriend.

26 or 27 ako mag-aasawa.

Higit sa lahat, I want my first boyfriend to be my last. Siya na dapat 'yung mapangasawa ko. Oo, corny. Pero hindi ba p'wedeng mangarap nang gano'n? Babae ako, eh.

Pero mag-14 pa lang ako. Masyadong malayo pa 'yung right time. Kung magiging kami ba... tatagal kaya kami? Aabot kaya kami sa sinet kong age? Posible. Pero mas malaki 'yung porsyento ng imposible.

Malabo kami. Kaya bakit ako nagkakaganito?

Gusto ko na ba talaga siya?

Pero kahit gusto ko nang mas matanda sa 'kin. 'Yung mas matured sa 'kin. 'Yung mas maraming alam sa 'kin... 'di kami bagay, eh.

Kasi sa tuwing nakikita ko siya kapag dumadaan kami sa hallway ng college, sa quadrangle, sa tambayan nila, sa kainan sa labas, sa canteen, sa bilyaran, sa computer shop, sa kung saan-saan... maraming taong nakapaligid sa kanya, mga barkada. Halo-halo. May mga babae. Magaganda. Feeling ko mas bagay 'yong mga gano'n sa kanya.

So why me, Toni?

Nakakainis siya, Mylabs!

Bakit ba palagi ko siya nakikita nitong nakaraang mga linggo? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?

Saka bakit ba gano'n siya?

Last last week, inambush niya kami paglabas namin ng gate nina Cristine at ng buong barkada. Kilala na siya ng mga barkada, eh. Dahil doon sa tinakbuhan ko siya nung nakaraan. Saka nagkakatext din sila ni Cristine.

Binibenta ako nung bruha. Ugh!

Wala naman ginawa. Inabutan lang ako ng malaking balot ng Cracklings at butong pakwan. Gosh! Paborito ko kasi 'yon. Nabanggit ko yata sa text.

Tapos sumibat na siya. Wala nang sinabi pero nabingi ako sa tili ng mga kaibigan ko at nagkapasa ako sa braso dahil sa lakas ng hampas at kurot nila. Kinagat pa ako ni Cristine sa ibaba ng balikat.

Mga walang hiya!

Sarap ipakagat sa mga hantik ang kanilang mga singit.

Last week, bumuka ang black shoes ko. Tapos hirap na hirap akong maglakad sa hallway. Hinihila ko ang paa. Hanggang sa mapigtal nang tuluyan. Kaya naglakad ako nang nakamedyas. Tawang-tawa pa 'yung buang na si Cristine.

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon