Page 17

431K 18.8K 6.2K
                                    

DD,

Bakasyon na naman. Kapag bakasyon, ibig sabihin... malapit na ang Piesta sa barangay namin. At isa lang ang ibig sabihin nun, may mga palaro na naman si Kapitan. Paliga sa basketball, volleyball girls and boys, baseball, sabong at peryahan.

Active na active na naman si Lolo Matikas sa sabongan. Pati sina Tito Polo. May sarili nga silang alagang manok na sinali sa sabong, eh. Nanunuod lang ako. Sa pula, sa puti. Pero hindi naman pula ang manok, kulay itim na may orange.

Nagtitinda rin ulit kami ni Lola Marikit. Tinutulungan ko si lola, mga tinda rin kasi 'yon ni mama na tinubuan lang ni lola. Mabenta ang mga ice tubig, ice candy, yosi, malalaking chichirya, chicharon at mani, softdrinks, beer at red horse. May malaking cooler na maraming yelo, doon nakalagay ang mga bote.

Kapag nauubos nga ang tinda namin, inuutusan ako ni lola na magbike pauwi sa bahay, dala-dala ang basket para kumuha ulit ng tinda. Galing-galing ko na kaya magbike. Grade 6 na ako sa pasukan, eh.

Hindi ko na sinulat ang mga nangyari noong Grade 5 ako, Mylabs. Wala namang kakaiba. Siguro ang achievement ko lang, nang sumali ako sa Quiz Bee sa Math, 2nd place ako overall sa division namin. Sa Sports Olympics, 3rd place kami sa volleyball girls, 2nd ako sa badminton, at champion sa table tennis. I really love sports, Mylabs!

Speaking of sports, ito... hirap na hirap akong magbitbit ng basket laman ang mga paninda habang nagba-bike. Hinahabol ko kasi ang oras dahil may laban ng basketball si Igso Levi—-ang crush kong inaanak ni Mama. Seven years yata tanda sa akin or eight. Dumarami ang mga crush ko lately. Crush is paghanga lang naman daw kasi. Sulitin na. Libre lang naman magka-crush, e.

Kapitbahay namin siya at palagi kong nakakalaban sa table tennis. Natatalo ko nga, e. Kaso ang galing niyang mag-basketball pati ang dalawang kuya niya.

Dahil din sa kanila... minahal ko ang basketball. Pinangarap kong makapag-asawa ng basketball player. Kahit naglalaro ako ng ibang sports, basketball ang number 1 sa puso ko. Ang lakas lang makaimpluwensiya ng mga Seriozo. Ang ganda siguro kapag ang apelyidong 'yon ang dinugtong sa pangalan ko.

Angelica Bianca de Makapili Seriozo. Ang bongga!

*.*.*

< Kudos Pereseo >

Napahinto ako sa pagbabasa. Nanlalaki ang mga mata. Nakng! Seryoso? Seriozo ang apelyido?

That's my middle name, AB!

Muntik pa akong matisod ng sariling paa nang bumaba sa double-deck kamamadali. Mabuti 'di ko nagising si Risk na mahinang humihilik. Hinintay ko lang talaga makatulog ang tukmol bago magbasa ulit. Kanina pa niya ako kinukulit kung sino si AB, pero 'di ko sinasagot. Bahala siya.

Paano ko ipapakilala ang taong 'di ko pa nakikita?

Binunot ko sa charger ang itim na cellphone na second hand din katulad ng laptop ko. Pinagsawaan din 'to ni Risk at ako ang sumalo, iPhone 6. Sayang naman. Balak nang itapon ng tukmol, eh. Punong-puno pa nga 'to ng porn nang ibigay sa 'kin.

2:03 AM na sabi ng screen ng phone.

Napapindot ako sa tuktok ng tainga. Paano ko tatawagan si Master nang ganitong oras para lang tanungin kung saan ang probinsiya niya?

Ang mga kamag-anak ni Master ay taga-probinsiya. Pero dito sa Lungsod si master ipinanganak at lumaki. Kaya hindi niya rin nababanggit sa 'min madalas ang province nila.

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon