Paris and Page 19

458K 18.5K 6.3K
                                    


..._..._...

< Kudos Pereseo >

"LOOK AT that girl!" Sinundan ko ng tingin ang tinuturo ng mga mata ni Paris. "Siya 'yong babae na nag-aabot sa 'yo ng mineral water tuwing may praktis kayo. Right? Ang tatalas ng mga titig, eh. Bagong hasa yata. Kelan ka ba kasi maggigirlfriend, Kudos? Nakakastress na 'yong mga babaeng may gusto sa 'yo na pinapatay ako sa tingin, ah."

Nang tumama ang mga mata namin nung babaeng nakalugay ang buhok na hanggang balikat, umiwas siya ng tingin at hinila ang dalawang babae na kasama niya pa. "'Di ko maalala." Sinaid ko ang laman ng buko shake. Inilagay ang plastic bottle sa bench na tinatambayan namin sa lilim ng punong mangga.

"Asonggala! 'Di mo maalala?" Huminto si Paris sa pagsipsip ng melon shake niya. "Halos araw-araw kang inaabutan ng mineral water, tapos 'di mo maalala?"

"Si Train umiinom ng mga 'yon," tukoy ko sa varsity captain namin sa basketball. Tumanaw ako sa mga naglalaro ng baseball sa 'di kalayuan. 'Di masyadong tirik ang araw. Presko ang pang-ala unang hangin na tumatama sa balat ko.

Umiling na lang si Paris. "Ibang klase! 'Di ko tuloy alam kung sino'ng mas magaling magpaiyak sa inyo ni Risk ng mga babae. Magkaiba ang mga paraan. Pero parehas na nakakasakit. I'm a girl, so I know how it feels."

Katatapos lang namin kumain ng lunch. Katulad ni Risk, matalik ko ring kaibigan si Paris. Minsan nga mas naiintindihan niya ako kaysa sa tukmol na 'yon.

Halos magkababata kami ni Paris. Mas matanda siya sa 'kin ng isang taon. Graduating na siya ngayon. BS in Medical Technology .

Lumipat ang pamilya nila sa Antipolo nung nine years old siya. Naging kapitbahay ng mga Pereseo ang mga Demaloco. From time to time, palagi kaming magkasama nina Paris. Solid Pereseo fan. Always present sa mga events kung saan dumadalo kaming magpipinsan. Kulang na nga lang pati sa reunion namin... pumunta siya.

Kaya madalas, nagagawan kami ng issue. Na nililigawan ko si Paris. May gusto sa 'kin si Paris. O kami na ni Paris, inililihim lang namin sa publiko. Ultimo parents ko boto sa kanya. Siguro isang maling salita lang... gagawa na ng nuptial invitation sina master at bossing.

Pero ang hindi alam ng mga tao... hindi lahat ng tsismis, totoo.

Close man kami ni Paris pero wala, zero, blangko ang romantic intimacy namin sa isa't isa. Siguro kaya komportable ako sa kanya kasi alam ko... hinding-hindi siya mahuhulog sa 'kin. Vice-versa.

Paano ako nakakasiguro?

Because she's in love with Risk. 'Yung tukmol kong pinsan na walang pakialam kay Paris.

It's a long story. Kukulangin ang buong araw kung ikukwento ko.

Paris is beautiful. Nagtataka nga ako sa sarili bakit hindi ko man lang siya magustuhan. She has rounded eyes. Na kapag tumitig sa 'yo, alam mo na kung ano'ng nararamdaman niya. Mabilis siyang mabasa dahil dun. That's one of her assets. Her eyes.

Hindi nalalayo ang ganda niya kay Ate Kira. Nagiging magkamukha na nga sila. Close sila, eh. Palaging magkasamang magwork-out. Daming naiinggit sa kanila. Ang hindi alam ng iba, pinaghirapan nila ang kutis at katawang 'yan. Kapag palagi kang nagwowork-out at pinagpapawisan, iwas-pimples at gumaganda ang kutis ng balat mo.

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon