Page 9

397K 22K 3.6K
                                    


Dear Diary,

Umiiyak po si mama ngayon.

Pinagbabato kasi ng tito ko, kuya ni papa, ang bubong ng bahay po namin. Lasing si tito. Nagwawala. Nagmumura.

'Di ba siya marunong magmahal?

'Di ko alam kung bakit galit na galit siya sa 'min. Gusto kaming palayasin.

Eh, lupa naman ni papa 'yong tinitirahan namin. Bunso si papa pero lahat naman silang magkakapatid may lupa. Saka 'di pa tapos ang bahay namin. Tapos palalayasin na kami?

Hindi po nakauwi si papa. Sabi ni mama busy daw sa trabaho niya.

Umiiyak din pala si Ate Shane. Sabi niya sa 'min ni Dale totoo raw na may kabit si papa.

Umiiyak ba sila ni mama dahil sa pagpapalayas sa 'min ni tito o dahil may kabit si papa?

PS: Ano po ba 'yong kabit?

Walang maintindihan,
Angelica Bianca C. de Makapili


... ... ...

AlphabetSenpai's WL (Wish List)

I wish...

To turn back the time. To go back to the past... to where I was still a kid. Just to say and show to my parents how much I love them. To correct my mistakes I never thought I committed. Accidentally. Unintentionally. So, I can change what've happened; and to strengthen our family's love, trust, foundation, connection, and affection.

Maybe there will be no "mistress" that can ruin our happy home.

*.*.*

< Kudos Pereseo >

Totoo nga? May kabit?

Hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksiyon ko.

Kung maaaliw sa mga kalokohan niya kahit bata pa o mapapabilib sa katatagan niya kahit na may pinagdadaanan siya.

I want to hug her right now.

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon