Kudos #03

328K 16.9K 8K
                                    

< Kudos Pereseo >

NAKNG...

Tokwa!

Pinakatitigan ko ang green card na natuklap mula sa maingat na pagkakadikit sa back cover ng diary. Pumikit. Dumilat. Pero klarong-klaro ang mga nakasulat.

Sht!

Ilang beses kong kinaltukan ang sarili dahil hindi ko kaagad napansin. Bakit ngayon ko lang nakita?

Minsan talaga 'yung mga hindi mo iniexpect na bagay at mga hinahanap mo... nandiyan lang sa tabi-tabi mo. 'Di mo lang napapansin dahil hindi mo inaasahan na iyon na pala.

Nakng! Saan nanggaling ang hugot na 'yon?

Mabilis kong sinave ang contact sa dating pangalan. My...

Ito na siguro ang number ni AB. Sana naman totoo na 'to. Sana ito na talaga. Sana hindi na siya nagpalit ng SIM. Kasi kapag hindi...

...hindi ko na rin alam ang gagawin.

Pinipigilan ko ang panginginig ng kamay. Kinagat ang labi at ilang beses tinatap ang isang paa sa sahig. Narating ko na yata lahat ng sulok ng kwarto dahil sa palakad-lakad. Namamanhid na rin ang tuktok ng tainga sa kakapisil. Nakng!

Bakit ba tensiyonado ako?

Parang tatawagan ko lang si AB para alamin kung 'yon pa ba ang gamit niyang number. Ang dali-dali lang.

Kaya bakit ako kinakabahan?

Tukmol ka, Kudos! Umayos ka. Sht ka!

Isang miscall lang.

Hindi mo kailangan gumawa ng mga kacornyhang linya para magtext. Tawag lang. Isa lang. Aalamin lang kung valid pa ang number.

Ang dali lang, 'di ba?

'Di ba?

Pinunas ko ang likod ng kamay sa namumuong pawis sa noo. Dinala ang cellphone sa tapat ng tainga at pumikit. Pigil na pigil ang hininga habang hinihintay ang pagbasag ng katahimikan mula sa kabilang linya.

*Ring...

Napatalon ako pagkarinig ng ringtone. Mabilis kong kinancel ang call. Dinadaga ang dibdib. Tila may nagtatambol. May papiesta yata sa loob ng sikmura ko. Tokwa!

Ibinulsa ko ang cellphone at lumabas ng kwarto. 'Di ako p'wedeng tumigil sa loob. Baka tumawag ulit ako o magtext at kung ano pa'ng masabi ko kay AB. O baka hindi ko alam kung ano'ng sabihin kapag sinagot niya ang tawag...

...matatameme ako. Nakakahiya.

Kailangan ko munang mag-isip at kumalma.

Ilang beses akong humugot nang malalalim na hininga. Ihinilamos ang palad para mapunasan ang pawis sa noo't ilong. Bakit ba napakainit sa apartment na 'to? Nakng...

Naririnig ko ang kaguluhan sa ibaba. May mga nag-uusap. May nagtatalo. Tapos may tawanan. May diin ang boses ni Risk. At naririnig ko rin ang boses ni Paris.

Kumunot ang noo kong bumaba kahit 'di pa rin kumakalma ang pakiramdaman. Kailangan ko ng distraction.

Tatlong baitang na lang sa sahig na ako ng sala nang magvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Kinapa ko at tiningnan kung sino ang salarin.

My Property calling...

Nanlaki ang mga mata ko't namali ang hakbang pababa. Dumulas ang pagkakaapak ko't na-out-of-balance hanggang sa mahulog ako pabagsak. Malakas ang kalabog at impact. Unang bumagsak ang puwetan ko, sumunod ang naitukod na kamay. Tumama ang likod sa gilid ng glass table sa sala. Sht!

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon