Dear Diary,
Today is October 19, 2003.
I am already 9 years old. I can now write and speak English. Konti. Peace!
Namiss kita, Diary. Matagal na pala nung huli kitang mahawakan. Nakatago ka lang kasi sa lalagyan ko ng mga damit.
Lumipat na pala kami ng bahay. Sa lugar nila mama. Umalis na kami sa dati dahil nga inaaway kami ng kapatid ni papa.
Pero...
Basta masaya ako ngayon. Alam ko naman na gusto mong malaman kung kumusta kami nina mama at papa. Okay naman po sila. Umuuwi po si papa. Gano'n pa rin po dati. Minsan lang po sa isang buwan. Madalas hindi.
Totoo po. May kabit nga po si papa.
Pero hindi ko po sila nakitang nag-away ni mama.
Hindi ko pa po masyadong naiintindihan ang mga nangyayari. Ang sabi ni mama, 'wag na raw po kami mag-isip ng kung ano-ano. Mag-aral na lang daw po kami nang mabuti.
Masasaya rin kasama ang mga pinsan ko dito. Mas masarap silang kalaro. Madalas kaming umakyat ng punong mangga na mabababa para maghanap ng salagubang. Tapos lalagyan po namin ng sinulid ang leeg at papaliparin. 'Yon po ang laruan namin. Kapag nagsawa... langit, lupa, impyerno. O kaya turumpo at yoyo.
Kahit wala pa sa kalahati ang laki ng bahay namin ngayon sa bahay namin dati, okay lang. Tahimik dito. Walang nambabato ng bubong.
Malapit na rin po ang school. Walking distance pa rin pero mas lumapit kaysa sa dati. Grade 3 na ako po.
Wala naman kakaiba nangyari ulit. Nag-aaral lang kaming magbike magkakapatid. Ang dami ko nga sugat ngayon, eh. Tumambling kasi ako habang nagbabike nung isang linggo. Bumaliktad 'yong bike. Nauna mukha ko.
Ang sakit nga, eh. Umikot ang mundo ko. Okay na ako ngayon. Dami lang galos. Pero hindi ako susuko sa pagbabike.
Sabi nga ni mama, kapag gusto mo ang isang bagay, 'wag mong susukuan. Laban!
PS: May batang lalaki kaming kapitbahay. Mas matanda ako ng isang taon. Close po kami. Pangalan niya Owen Matinik. Sabi niya po... crush niya ako. 'Pag lumaki na raw kami, papakasalan niya ako.
Papayag ba ako po?
Nagmamahal,
Angelica Bianca C. de Makapili
... ... ...AlphabetSenpai's R-23 (Realization at 23)
At 23, I realized that...
I'm not a pedophile.
Hindi ako mahilig sa mas bata sa 'kin.
Pero nung nine years old pa lang ako, narealize ko... crush ko rin pala si Owen. Gosh!
*.*.*
< Kudos Pereseo >
Nakngtokwa!
9 years old ka pa lang, de Makapili! Bakit kasal na ang pinag-uusapan n'yo?!
'Wag na 'wag mong papakasalan si Matinik!
Apelyido pa lang, mukha ng babaero.
Sa inis ko, binuklat ko lahat ng pahina. Baka may nakaipit na calling card o kung ano man na may contact.
Wrong move! Dahil may nabasa ako na mas nagpakulo ng dugo ko.
BINABASA MO ANG
Love at First Read (Pereseo Series #1)
Teen Fiction[ Pereseo Series #1 ] Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae. -- Book cover by @arkiSTEPH