Page 23

457K 17.4K 11.9K
                                    

Mylabs,

Inabala ko ang sarili ko, lately.

Kung ano-ano ang pinagkakaabalahan. Kung iisipin ko kasi palagi ang mga napagdaanan, paano ako mabubuhay sa araw-araw? Paano ako uusad?

People are weak. Maraming kahinaan. Curious. Mahina sa temptasyon. Mabilis madala sa bugso ng damdamin. Natutukso. Nababasag. Nasasaktan. Lahat ng tao may kakayahang gumawa ng kasalanan at kasamaan. Nobody's perfect.

Therefore, Jake's not perfect.

Ngunit hindi porke may kakayahan na tayong gumawa ng masama... dapat na tayong magkasala. It's still our choice. That's why God gave us the freewill to make our own decisions. The question is, would you be a good person or a wicked one?

Pero dahil marupok ang tao, maraming maling desisyon ang nagagawa natin. Na syempre pagsisisihan natin.

Katulad ng ginawa nina Jake sa 'kin.

Darating ang panahon na mapapatawad ko rin sila. Pero ngayon? Hindi pa! Nasaktan at na-trauma pa rin ako sa ginawa nila. Sariwa pa ang mga sugat.

Ngayon, balik sa dating gawi ang buhay ko. School, bahay, at church.

Palagi kaming may activities sa church. 13 na kami ni Rury, kaya kabilang na kami sa Youth organization. 'Di na kami cadets. Makakasama na kami sa Youth Festival tuwing December at Youth Camp tuwing April or May. Yes!

Kaya tuwing Saturday at Sunday, nasa church kami palagi. Nagpapaturo kasi kami nina Rury, Brent, Owen, Ate Shane, Dale at ibang pinsan ko pa sa mga instruments. Sina Brent, Owen at Dale sa drums. Nagtry ako nung isang araw, pero ang hirap pala. Jusko! Sumasabay ang pitik at bagsak ng mga kamay sa paa ko. Kaya kami nina Rury, Ate Shane at ibang pinsan ko... gitara na lang ang inatupag.

Tinuturuan din kaming mga babae sa tambourine. Para makasali na kami sa tambourine competition sa Youth Festival.

New goal: Matuto maggitara at mamaster ang lahat ng steps sa tambourine.

Madali lang ang tambourine, eh. Pero ang gitara? Ang hirap pala. May kalyo tuloy ang mga daliri ko ngayon. Ang sakit. Bumabaon ang mga strings. Pero masaya naman. Alam na namin ni Rury tugtugin ang mga basic chords, from A to G. Una naming natutunang tugtugin nang buo ang kanta na... Haway Kamay by Yeng Constantino.

Sa school? Masaya rin. Kahit pinatawag ako ng Principal namin sa office niya.

Hindi naman ako nambubully ng kaklase, ah. Wala akong pinatid. Wala akong sinabuyan ng tubig. Wala akong tinulak sa hagdan. Wala akong dinikit na bubblegum sa upoan o buhok ng kaklase. Wala akong ninakaw na libro. Hindi ako nagpapalibre sa canteen. Hindi ako nagpapagawa ng assignments. Hindi rin ako nangongodigo. Kaya bakit? Ano'ng kasalanan ko?

"Ms. de Makapili..." Bungad sa 'kin ni Ma'am Malupetan pagkatapos kong umupo sa harapan ng table niya. Inaayos pa niya 'yong suot na eyeglasses.

"P-Po?" Nanginginig mga kamay ko nun. Pati boses.

"Ano 'tong nabalitaan ko?" Diyan pa lang... namumutla na ako. "Bakit sa section 3 ka pumapasok? Nasa section 1 ang pangalan mo. Four months ka nang pumapasok sa section 3. Gusto mo bang ilipat kita sa section 1? Doon ka dapat—"

"Ma'am, 'wag po."

Todo paliwanag talaga ako. Ayokong malipat sa section 1. Dati, hindi ko alam kung bakit gusto ko sa section 3.

Siguro dahil nandoon ang crush ko? Siguro 'yon nga.

Pero ngayong matagal na ako sa section 3, alam ko na kung bakit sa section nila ako pumasok.

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon