DD,
Hi, Mylabs! How are you? I miss you na! Sana namiss mo rin ako. Mwa mwa. Tsup tsup.
Ang bilis ng panahon. Gagraduate na ako ng Grade 6!
First Honorable Mention pala ako. Ang ibang awards ko ay Best in Math, Best in Science, at Best in History. Marami pang special awards. Mataas ako sa extracurricular activities. I'm proactive bagets daw po kasi.
If there are things that caught my interest or I'm curious to know how to do it or how it works... I won't stop hanggang sa hindi ko po nakukuha o natututunan. Unless I get bored po.
But I rarely get bored, Mylabs.
Siguro nga po tama sila... I'm such a pasaway and nosy kiddo.
Kaya nga po I always challenge myself. Mahilig po yata talaga ako sa adventure.
Pinagsikapan ko rin na mataas ang grades ko at ang awards na 'yon para matuwa si Mama at umuwi si Papa sa graduation ko. Excited na ako!
Inaasikaso na po namin ang graduation at 'yong presentations. Sasayaw pa nga po kami.
Nakakapagod, DD. May special number pa kaming Top 5. Kakantahin namin 'yong kantang My Love. "An empty street, an empty house... bla bla bla."
Nagpapapirma pa kami ng clearance. Ang teachers namin, ang daming kaek-ekan. Pinadadala kami ng kung ano-ano para lang pumirma. Basahan, bato, at poste ng kahoy na gagamitin sa landscape sa school, o kaya tae ng baka o kalabaw para abuno sa tanim. Mga tinanim namin sa TLE na bulaklak, mga gulay, at kung ano-ano pa.
Kainis! Para lang mapirmahan ang clearance, kailangan magpulot ng mahiwagang tae. Kaya magkasama kami nina Rury, Brent, at Jake.
May natutunan ako habang nagpupulot. Huwag magsusuot ng kulay pula, hahabulin ka ng mga baka.
Para hindi kami ma-bore, hinahabol namin ang mga puting ibon na pumapatong sa ibabaw ng mga kalabaw. At nang dumaan si Mang Kanor na may dalang kalabaw, nagpasakay ako sa kalabaw niya. Wala lang, for experience. Ang saya kaya!
Ngayon lang ako hindi masyadong busy. Nasa Manila si Mama, e. Bumili ng damit ko at balitaan si Papa sa awards at graduation ko. Sana umuwi si Papa.
Dito muna kami kay na Mama Mercy. Kapatid ni mama. Dito kami palagi nina Ate Shane at Dale kapag lumuluwas si mama para mamili ng mga panindang damit sa Baclaran at Divisoria.
Kaya naisingit ko ang pagsusulat ngayon kasi katatapos lang namin manuod ng TV. Naglaro pa nga kami, eh. Paunahan sa paghula ng mga lumalabas na commercial. Eh, hindi naman ako nananalo. Ang gagaling ng mga pinsan ko. Babad sa TV madalas, eh. Ang palagi ko lang nahuhulaan 'yong commercial ng McDo at Tide.
Matutulog na ako, DD. Tutulong pa kasi kaming magpipinsan bukas sa kuprahan.
Ang saya kasi tumulong sa kuprahan. Lalo na kapag binibiyak pa lang 'yong mga niyog. Nagpapaunahan kami doon sa bilog sa loob. (Nakalimutan ko ang tawag. Haha.) Tapos kapag naluto na ang niyog, masayang magtanggal sa bao at maghati-hati gamit ang itak. Kumakagat pa nga kami minsan kasi masarap.
Sige na, DD. Papatayin na ni Mama Mercy ang ilaw. Marami na naman kasing gamo-gamo na lumilipad sa fluorescent. Pahirapan na naman tuloy kaming kumain ng hapunan kanina.
PS: Hindi ko pa pala nalalaman kung sino nagbibigay sa 'kin ng mga love letters. Tatlo na ang natanggap ko simula nung naging Grade 6 ako. Feeling ko isang tao lang siya kasi parehas ng penmanship. Sino na naman kaya nantitrip sa 'kin?
Excited sa High School life,
Angelica Bianca C. de Makapili... ... ...
AlphabetSenpai's LLS
I've learned that...
Life has stages; different kinds of levels you need to overcome as you grow up. It doesn't stop when you graduated from elementary or you completed puberty.
As you surpassed one level, you need to advance to face the next challenge. Secondary level, high school, wherein you'll encounter different types of people and more bewildering trials of life.
In this stage, you'll start to question things and get more curious about everything. You'll feel confused, get tempted, and you'll slowly change; your appearance, your behavior, your way of thinking, your understanding and... your feelings.
Yes, you're taking baby steps to the door of "maturity."
You'll understand not just the significance of life and family but also the importance of friendship, relationship... and love.
Oo, maiinlove ka.
Kahit pigilan mo, maiinlove ka!
Ibig sabihin, masasaktan ka.
But...
As life goes on, you need to go forward, too.
Kahit masaktan ka. Kahit sobrang masasaktan ka.
*.*.*
< Kudos Pereseo >
Hindi na nakapagbigay ng komento ang utak ko nang biglang sumulpot sa harapan ko si Paris. Mabilis kong naipasok sa bag ang diary. Nakakunot pa ang noo niya, pero 'di naman pinansin kung ano ang green na notebook na 'yon.
Nakatulugan ko kasi ang pagbabasa kagabi. Mabuti mas nauna akong magising kay Risk.
Ngayon lang ulit nagka-time na magbasa sa school. Wala naman magawa kasi February na at patapos na ang school year. Puro activities na lang. Wala na rin kami praktis sa basketball dahil katatapos lang ng Intercollegiate.
Niyaya akong kumain ni Paris. Dahil wala namang pasok si Risk ngayon... at mag-isa lang ako, sumama na ako.
BINABASA MO ANG
Love at First Read (Pereseo Series #1)
Teen Fiction[ Pereseo Series #1 ] Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae. -- Book cover by @arkiSTEPH