Page 4

538K 24.9K 6.8K
                                    

Dear Diary po,

Happy birthday to me po. Seven years old na ako po.

Bumisita sa bahay namin 'yung tutor ko po. Si Ate Princess po. Tinuturuan niya akong magbasa at magsulat po. Marunong na kaya ako po. Kaso ang pangit ng sulat ko po.

Aksidente kong nakita 'yung notebook sa bag niya po. May sulat po. Eh, gusto ko magbasa kaya binasa ko po. Kaso wala akong maintindihan po. Dear Diary nakalagay sa unahan po.

Sino po kaya si Diary... ano po?

Papadalhan niya kaya ng sulat si Diary po?

Tinanong ko si Ate Princess po. Sabi niya sinusulat niya 'yung mga nangyari sa buhay niya po. Pangpawala stress daw po. Sabi ko sa kanya po, gusto ko rin subukan po.

Binigyan niya ako notebook po. Color yellow po. 'Yun daw gamitin ko po. P'wede ko raw isulat lahat dito po. Kahit ano po. Tapos kapag nagka-crush na rin daw ako po. Sulat ko kay Diary po.

Crush po? Juice 'yun, 'di ba po? Malamig na juice na may yelo po?

Kaya ito po. Nagpadala rin ako ng sulat sa 'yo Diary po.

Kaso ano ba magandang nangyari ngayon po? Wala naman po. Ah, umuwi si papa ngayon po. Birthday ko kasi po.

September 11, 2001 po.

May mga palaro sa mga bata po. 'Yung may mga nakalagay na pagkain sa hinihila pataas po. Nagpaagaw din si papa ng mga barya po. Nag-stop dance at trip to Jerusalem din kami po. Saka palo-palayok habang nakablindfold po.

Nabanggit pala ni papa kanina kay mama ang news po. Inatake raw ng mga terorista ang United States po. May mga eroplanong sumalpok sa dalawang kambal na tower sa World Trade Center at pati sa Pentagon po. Kawawa naman si Presidente George W. Bush po.

Wala lang diary po. Mukha kasing importante kaya sinulat ko po.

PS: Nung tinanong ako ni mama kung ano gusto ko paglaki ko po? Ngayon may sagot na ako po. Sasabihin ko po sa kanya... mama, gusto ko po maging terorista.

Joke lang diary po. Gusto ko maging reporter po. Iinterviewin ko si George W. Bush kung ano'ng nararamdaman niya po at saka 'yung pinuno nung mga terorista kung ano'ng pinaglalaban niya po.

Nagmamahal po,
Angelica Bianca C. de Makapili po

*.*.*

< Kudos Pereseo >

Gustong maging terorista? Nakngtokwa!

Napailing ako. Kung gaano kabaliw si AB sa simula, gano'n naman kainosente dito. Batang-bata.

Magulo ang sulat. Maraming bura. Binura 'yung ibang mga "po" gamit ang green na tinta. Overused talaga ang po. Nakakatawa.

Itim din ang original na tinta nung ballpen na pinatungan ng green. Mukhang kakaayos lang. At pinunit ang papel. Halatang idinikit lang dito sa kulay green na notebook para pagsama-samahin.

Mukhang sobrang tagal na nga nito. Iniingatan masyado.

Ano kaya ang nararamdaman ni AB ngayong nawala niya ang kanyang diary?

You don't have to worry. Your secrets are safe with me.

Masaya ako... dahil ako ang nakapulot nito.

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon