Page 32

352K 13.7K 7K
                                    

< Kudos Pereseo >

NANG RUMEHISTRO sa utak ang nasabi, gusto kong ilubog ang sarili sa dagat at hayaang lamunin ng alon pailalim.

Bakit kumawala nang kusa ang mga salitang dapat sa utak ko lang?

Nakngtokwa, Kudos! Tukmol ka.

You always think first before you talk, even think twice or thrice if necessary. Then, why can't you do it now?

You just committed suicide.

You pulled the trigger by yourself.

You shoveled your own grave.

Nanunusok ang mga titig ng tukmol. Parang gustong itanong ang... "Ibinuko mo ba ang sarili mo, Boy?"

Natigil lahat sila sa pagsubo, pagnguya... na tipong nasa isang pelikula kami at nakapause. Kaso, hindi. Dahil kahit nakaupo ako, nanginginig ang mga tuhod ko. Nahagip din ng mata ang pagtalsik ng ilang butil ng kanin sa bibig ni Magnet.

Kung de-remote lang ang tibok ng puso, kanina ko pa in-off or muted it. Kaso nawalan yata ng baterya. Nagmalfunction. Ayaw magpakontrol. Nakakabadtrip. Nakakapikon. Dahil sa bilis at lakas ng kabog nito... siguradong naririnig nina Paris at Angelito.

Kung sana may rewind, undo, ma-edit o delete... o kahit i-censored na lang 'yung sinabi ko... para *toot* lang ang narinig nila. Pero kahit ano'ng pagdedebate ko ngayon sa utak... nasabi ko na.

Tokwa!

Pigil-pigil na magulo ang buhok o maitaob ang kawayang mesa. O p'wede rin... para maidivert ang atensiyon nila. O 'di kaya iliko ang usapan? Kaso hindi ako expert sa gano'ng larangan... mas lalo ko lang ibabaon ang sarili.

Kaya kahit ramdam ko ang pagdaloy ng dugo sa mukha, ang pag-init ng tuktok ng tainga... at ang panlalamig ng mga paa, nanatiling nakakonekta ang mga mata ko kay AB. Hindi rin niya binabawi ang tingin... na tipong may binabasa siya sa 'kin. Walang kangiti-ngiti. Hindi kumukurap.

At this point, alam ko... nahuli na ako. Nabuko.

But I don't want to avert my gaze. Kapag ginawa ko, ako 'yung talo.

I can't retreat. I don't want to.

I want her to know that I'm serious.

Na kapag tinangka niyang umalis, pipigilan ko siya. Na kapag tumakbo siya, hahabulin ko siya. Mapatunayan ko lang na seryoso ako. Seryoso ako sa kanya.

I'm battling with myself. 99% of me articulates that I should take it easy... slow down. May nambabantang malaking "warning" at "danger zone" signs. Dahil nakaaksidente ang over speeding. Nakamamatay. But that remaining 1% pushes me to take the risk. I should endure... kahit ano pa ang consequences.

"Why, Kudos?" she asked, but her eyes were blank. Stony. Empty.

Napakurap ako. Sa isang iglap lang, biglang nagbago. Parang hindi si AB ang tinititigan ko... ibang tao.

Naramdaman ko ang paghawak ni Paris sa nanginginig kong tuhod. Saka bumulong... "Stop overthinking."

"May kilala ka bang lalaking ma-effort at gagawin lahat para sa 'kin? Lalaking hindi ako sasaktan at lolokohin? Lalaking ako lang ang mamahalin hanggang dulo? Meron ba? Ipapakilala mo?" dagdag niya sa tanong... and I got tongue-tied.

Hindi ako makaimik... lalo at marahan akong sinisiko ni Angelito, tipong binabantaan ako. "Sasagutin ko pa ba ang tanong mo?"

"N-No..." Umiling ako. "It was a random question. T-Theoretical. What if. You don't need to answer. Sorry. K-Kalimutan mo na lang..." Ni hindi ko gaano'ng narinig o nabosesan ang sariling tinig. I cleared my throat.

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon