Page 31

402K 15.3K 12.8K
                                    

DD,

MWAHAHAHA. BWAHAHAHAHAHA.

Akala mo siguro, Mylabs... ang saya-saya ko?

Nope... just gratified.

Dahil kasi sa mga kabaliwan at kolokohan ko last year...

Nalaman ko kung sino ang mga totoong kaibigan o kung sino ang nampaplastik lang.

Kung sino ang handang samahan ako kahit sa pinakaworst self ko, hindi 'yung pinakikitunguhan lang ako... dahil too good to be true ang ugali na meron ako.

NYAHAHAHAAHAHAHA.

'Yan lang ang kaya kong sabihin sa kanila. Tawanan. Itawa lang.

Because I realized that...

I don't need a lot of friends. I just need real friends who can support me and understand me during the darkest hours of my life and even I'm in my worst attitude, not just they're good to me because I'm always the "best" friend they want me to be.

Hindi nasusukat ang worth mo bilang isang tao sa dami ng kaibigan mo.

Sometimes, it's better to have a few real friends than to have a platoon of fake friends.

May mga tao talaga na mabuti lang sa 'yo dahil mabait ka, pero konting pagkakamali mo lang... who you ka na.

And that's reality. Again. And. Again.

People wouldn't remember all the good things you've done once you committed a mistake. Kahit kasing liit ng butas ng karayom pa 'yan. 'Yung pagkakamali mo pa rin ang kanilang titingnan.

Bakit kaya, Mylabs, 'no? Hindi ko rin kasi maintindihan.

Akala ko pagsisisihan ko ang ginawa ko dati. Yada!

I considered it as a blessing in disguise.

Kasi marami akong natutunan. Narealize.

Tama nga, sa mga pagkakamali mo lang ikaw matututo.

Paano mo masasabing matapang ka kung hindi ka naging duwag nung una?

Paano mo masasabing malakas ka kung hindi mo naranasan ang maging mahina?

Paano mo masasabing mabait ka kung hindi mo alam kung ano ba talaga ang masama?

People changed. People always change.

P'wedeng sa ikabubuti o sa ikasasama.

Alam mo 'yung masakit, Mylabs?

I just think about it... to be a bad girl. Note: Think. But I never considered. I never did. Then, why? Why did they judge me kahit na wala pa ako sa puntong 'yon?

Are they really my friends?

Alam mo kung bakit nagsusumbong ako sa 'yo ngayon? Because they said painful things behind my back.

"Kaimbyerna si AB! May tinatago pa lang kalandian sa katawan. Bait-baitan lang pala ang disguise ng gaga."

"Oo nga! Impakta. Kabwisit. Nagbreak tuloy sina Ellis at Bless."

"Mismo! Ang arte. Papansin palagi sa CAT."

"Hindi naman sila bagay. Nagpalit lang ng pormahan, akala mo kung sino'ng ubod nang ganda. Ang dami namang peklat sa legs."

Nagtawanan sila.

Palagi ba nilang ginagawa 'to? Palagi nila akong pinag-uusapan 'pag nakatalikod ako?

Okay lang sa 'kin 'yon. Kaya ko pang magtimpi. Mapapalagpas ko. Pero ang hinding-hindi ko makakalimutan?

"Namatayan lang, lumandi na."

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon