Hazel and Page 24

399K 18K 7.9K
                                    

< Kudos Pereseo >

TUMIGIL AKO sa pagtakbo nang humarang si Hazel sa hallway. Gusto ko siyang hawiin, but that would be rude.

Salubong ang kilay niyang tumitig sa 'kin saka sa dalawang taong sinusundan ko. "Where are you going, Kuen? Nagsisimula na klase n'yo."

"Later, Haze. I just need to..." Tumingin ako sa unahin pero kahit anino nung lalaki, 'di ko na makita. Sht!

"Wait..." Hinawakan niya ang braso ko nang lagpasan ko siya. "Do you know them? Or that guy, Gelo, has anything to do with you?" Umiling ako. "So... Eivee, then?"

Nagsalubong ang mga kilay kong napatitig sa kanya. "Ha?"

"Do you know Eivee?"

"AB? That's her name? As in capital A and B?"

Kumunot ang noo niya. Tapos umiling. "E-I-V-E-E," she spelled it out. "She's my classmate. A transfer student, last year, together with her boyfriend, that guy... Gelo. Why were you following them? Is there anything you want to tell Eivee? I can help you."

Napahawak ako sa tainga. Sandaling napapisil at dinala ang palad sa batok. Huminga nang malalim. Umiling.

Nakng! Napaparanoid na yata ako.

Pati dinig ng pangalan... namamali ako.

Tokwa. Parang gago. Asar!

Sarap bigwasan ang sarili.

"Are you sure?" Tinanguan ko na lang si Hazel kasi lalong naniningkit ang singkit niyang mga mata. She's curious. "But you look..."

Pinisil ko ang ilong niya gamit ang hintuturo at gitnang daliri para tumigil siya. "Wala nga."

Pinalo niya ang kamay ko saka umatras. "D-Don't do that anymore..." Kitang-kita ko kung gaano kabilis namula ang pisngi niya hanggang tainga.

Maputi siya. Makinis. May dugong Chinese. 'Yon lang ang gusto kong isipin. Pero tinataga ako ng eksena two months ago. Pilit pinapaalala sa utak ko. Lalo na't nakikita ko ulit kung paano niya ako titigan nung araw na 'yon.

Those muffled eyes. Those painful tears. Those poignant words. Ayoko nang makita at marinig ulit. 'Yung pagkabasag ng boses n'ya, 'yung tunog ng hagulhol niya, 'yung panginginig ng katawan at labi niya... ramdam na ramdam ko 'yung sakit na nararamdaman niya. Nanunuot sa 'kin. Tumatagos. Para rin akong binabasag.

And... I hate it.

Sa lahat ng nagconfess sa 'kin, Hazel's confession, words, and tears bothered me all night. Kahit ngayon... naaapektuhan pa rin ako.

She's my friend.

I want it that way. I want us to remain friends. Just friends.

Nothing more, nothing less.

Nung oras na 'yon... naistatwa lang ako sa harapan niya, 'di alam ang gagawin. I didn't expect it. Her confession. Her feelings.

Kelan pa? Matagal na? Gano'n ba ako kamanhid? O tama sila na paasa nga ako?

Ni hindi ko alam kung paano ko siya patatahanin. Ni hindi ko siya magawang hawakan. I felt that she'd breakdown for real if I touched her. I just said... sorry. Hindi ko mabilang kung ilang beses. Nakakaspeechless.

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon