Page 25

442K 18K 21.9K
                                    

DD,

Hindi pala kita kayang tiisin, Mylabs.

Para kang pera, 'di ko kayang itapon na lang basta.

You are here by my side whenever I need someone to talk to, to cry to, and to listen to me every time I'm down and I have problems.

Nandiyan ka simula uhugin ako, hanggang ngayon na medyo dalaga na ako.

Lahat ng tungkol sa 'kin, alam mo.

Hindi mo man ako nabibigyan ng mga advice 'pag may problema ako, gumagaan naman loob ko 'pag nakukwento ko sa 'yo.

Noon, inosente pa ako. Ngayon, puro kuryusidad ang laman ng utak ko.

I reread the stuffs I've written to you. Mukhang ang bait-bait ko pala nung bata. Hahaha. Nakakahiya.

Kaya ngayon, medyo marami akong isusulat sa 'yo. Para 'di ka na magtampo.

Ililista ko lang ang mga bagay na curious ako. Hindi ko kasi masagot-sagot ngayon, pero baka kapag nagreread ulit ako sa future... may knowledge na ako.

Hindi 'to tulad ng mga bagay nung bata pa ako na ipinagtataka ko. Kasi 'yong mga bagay na iniisip ko noon, medyo alam ko na sagot ngayon.

Tulad ng...

Nanganganak ba talaga ang kisses? Dumadami ba talaga sila?

Totoo bang may lalabas na kanin/bulldozer sa sugat?

Ano ba talaga nauna, itlog o manok?

May halimaw ba sa ilalim ng kama?

Bakit lumulutang ang saranggola?

Bakit lumilipad sa langit ang lobo 'pag nabitiwan mo?

Bakit nag-iiba ang boses kapag hinigop ang hangin mula sa lobo?

Bakit umiikot ang turumpo?

Bakit bumabalik ang yoyo?

Bakit lumulutang ang barko?

Bakit may nabubuong straight na ulap kapag may dumadaang eroplano?

Bakit nag-aaway ang mga gagamba?

Bakit tumitiklop ang mga dahon ng makahiya 'pag hinawakan?

Bakit matamis ang katas ng santan?

Bakit mahirap tanggalin 'pag dumikit sa buhok ang bubblegum?

Bakit nakakatuwang magsalita/kumanta sa harap ng electric fan?

Bakit nanginginig ang katawan 'pag na-ground?

Bakit 'di kayang i-balance ang ON at OFF ng ilaw?

Bakit namamatay ang ilaw ng ref kapag sinarado at sumisindi naman 'pag binuksan mo?

Bakit may salamin na minsan maganda ka, minsan pangit ka?

Bakit 'di naihahalo ang tubig sa mantika?

Bakit masakit sa tainga 'pag may nagpukpok ng bato sa ilalim ng tubig?

Bakit 'di nahihiya ang mga batang maligo at magtatakbo sa ulan kahit nakahubo o nakapanty lang?

Bakit 'pag napapanaginipan mo ang basin/bowl sa CR umiihi ka sa kama?

Ilan lang 'yan sa mga curious na tanong ko noong bata ako. Marami pa nga, eh. Hahaha. Pero kapag naiisip ko ang mga tanong na 'yan... natatawa ako. Wala pa lang sense ang iba.

Pero ngayon, Mylabs... mas dumami ang mga kuryusidad ko. Kinakabahan ako. Kasi hindi siya ordinaryong mga tanong na ipinagtataka ng mga bata. May something. And more on about love.

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon