DD,
Hi, Mylabs!
Katatapos lang ng Youth Festival namin. 3 days and 3 nights.
December 27-30, 2008.
Sa isang elementary school ginanap na malayo sa barangay namin. 18 churches siguro ang um-attend from different divisions. Pero by colors ang groupings, 4 colors.
Sa classrooms kami natutulog. Pero 'yong mga lalaking youth sa church namin, nagdala ng mga tents. Nakikitulog kami minsan para mangulit. Haha.
Palaging may activities. Simula umaga hanggang gabi. Ang pahinga lang tuwing kakain at matutulog. Pero masaya naman ang bawat activities. Sa umaga, may exercise at devotion. 5-7 AM 'yon. Tapos bibigyan kami ng time for preparation. 7-8:30 AM ang pagligo at breakfast.
Dahil gahol sa oras kasi marami kaming nag-aagawan sa banyo, sabay kami palaging maligo ni Rury. Hahaha.
Grabe! Nakita na namin lahat sa amin. Nagpapalakihan pa kami ng ano...
...ng puwet. Hahahaha.
Pero mas matambok 'yung sa kanya. Mas matangkad naman ako! Sus. Ha ha.
#BestfriendGoals kami, eh. Kaya nga ang tawag nila sa 'min... Super Twins.
9:00-11:00 AM may gathering ulit. Panibagong preach at activities. May praise at worship din. Then lunch break. Sa hapon, may pa-games... by colors. May indoor games at outdoors. May volleyball, basketball, patintero, board games, at parlor games. Tapos may time din para magpraktis ang by group para sa gagawing talent competition sa last night ng festival. Tambourine Dance, Battle of the Bands, Singing Group, at Role Playing.
Sa role playing, bubunot ng isang scene from the Bible at 'yon ang i-a-act. Ang nabunot namin... story nina David at Goliath. Kaso hindi naman ako magaling um-acting kaya hindi na kami sumali ni Rury. Mabulol-bulol pa ako dun. Panira lang kami. Haha. Kaya sa Tambourine at Singing Group na lang kami sumali.
Saka syempre sa pa-games, volleyball, patintero, at parlor games. Gusto ko nga sana sumali sa basketball kaso walang pang-girls. Wala ring table tennis at badminton. Sayang!
Pero namaos kami kaka-cheer kapag may laban ang grupo namin. Tapos kagrupo namin si Igso Levi na number 1 pro sa basketball sa aming barangay. For sure, panalo na kami.
Sa gabi, may praise and worship ulit. Favorite ko talagang part palagi ang praise and worship, eh. 6-9 PM ang activity every night.
Kapag natapos ang service, doon lang kami makakahawak ng cellphone habang nakahiga sa nilatag na banig sa damuhan, at nagsta-star gazing. Naghahanap ng falling star at magwiwish.
Gano'n ang routine namin sa festival. Pero ang pinakahihintay ng lahat ay ang last day, lalo na ang last night. Pati na ang praise and worship explosion after ng talent portion. Ang saya-saya! Marami pa ngang bumibisitang adults para manuod ng talent night.
Pinaghandaan namin lahat ng presentation. Pinapraktis lang namin 'yon tuwing hapon for 3 days. Pagkain at trophies lang ang prizes. Hindi naman namin kailangan ng malaking halaga. Ginagawa namin 'yon para kay Jesus.
Nung last day na, nagkaroon ng extra activity sa hapon. May message booth. Masaya. Pwede kang magtext sa ibinigay na number nung speaker/emcee o kaya humulog ng direktang sulat sa malapit sa stage. Babasahin ang text o sulat para sa papadalhan mo ng message.
Madalas puro kalokohan at naghahanap ng kadate sa last night. Hahaha.
'Yun ang inaabangan palagi ng mga youth, eh. Kasi 'yong iba... may mga crush from other church tapos gustong makipagdate.
BINABASA MO ANG
Love at First Read (Pereseo Series #1)
Fiksi Remaja[ Pereseo Series #1 ] Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae. -- Book cover by @arkiSTEPH