..._..._...
Dear Diary,
I'm back!
Today is December 16, 2004.
Ang bilis ng araw, 'di ba? Alam mo, noong nakaraang araw, December 14,nagimbal ang buong sambayanan. Namatay ang idolo ng karamihan. Si FPJ!
Share ko lang, kasi naman... dami nashock. Pero 'di ako umiyak. 'Di naman kasi kami close ni FPJ.
Alam ko, Diary, wala kang pakialam. Ang gusto mo lang naman malaman, mga nangyari sa 'kin, 'di ba? Sus! 'Wag kang clingy, Mylabs. 'Wag!
Pero dahil makulit ka (na 'di ko alam kung saan nagmana) at mahal kita. I'll just summarize it for you. (Improving na ako sa English, DD, Mylabs ko.)
From now on, I'm giving you an endearment because you know all the things about me. DD means Dear Diary. 'Wag slow. Mylabs? Para sweet.
So, 'yon na nga DD, busy sa school. Hinahasa kasi kami ni Sir Maginoo sa sports. Particularly, sa volleyball, badminton at table tennis. Malaki raw kasi ang potential ko na maging athlete sa future. Malapit na kasi ang Sports Olympics, maglalaban ang mga iba't ibang preliminary schools sa division po namin. Bali 23 elementary schools lahat ang kasali.
Sa indoor, hindi ko masyadong trip. Mas masaya kasi ang sports, e. Math and Science lang talaga ang gusto kong subjects. Naiinis pa ako sa TLE! Ayoko ngang mag-arrange ng mga bulaklak, magtahi, at kung ano pa. Masyadong pambabae.
Tapos epal pa si Ma'am Estrikta, may seating arrangement katabi raw si crush. 'Di ko naman crush si Tyler. Feeling ko nga siya may crush sa 'kin dahil palagi akong inaasar at kinukulit. Palagi tuloy nakalista sa "noisy" list na sinusulat nung isang kaklase ko ang pangalan naming dalawa. Magkagrupo pa kami sa cleaners. Kaya umugang-umaga, kumukulo dugo ko. Kahit flag ceremony, nagpapapansin.
Buti na lang kagrupo rin namin si Brent. Sabihin ko kaya kay Ma'am Estrikta na si Brent ang crush ko at hindi si Tyler para si Brent ang itabi sa 'kin?
'Pag weekend, busy sa church. Nagpapraktis kami ng cadets' presentation para sa Sunday. Tuwing offering. Iba ang para sa youth at cadets.
Malapit na kasi ang Cadets Rally. May contest po kami. Solo. Duet. Singing Group. Bible Quiz. Bible Drill. At Memory Verse.
Tinuturuan din kami ni Ate Sam sa special number namin na song interpretation.
Kinilig ako habang nagpapraktis. Naghahawak kasi kami ng kamay ni Brent. OMG! Crush ko talaga siya, mylabs!
Secret lang natin 'to, DD, ha? 'Wag kang mawawala at magpapabasa sa iba.
Noon okay lang na may makabasa sa 'yo. Pero ngayon... 'wag kang magpapakita kahit kay Ate Shane o kay Rury. Aasarin ako ni Ate Shane. Tapos si Rury, pinsan niya si Brent. Nakakahiya. Lalo na kay Owen, ha? Feeling ko kasi... iiyak siya.
Sige na, mylabs. Manunuod pa ako ng Mulawin. Inaabangan ko 'to gabi-gabi. Hindi ko p'wedeng mamiss.
Idol na idol ko talaga si Angel Locsin. Mas nainlove ako sa kanya nung nagtambal sila ni Richard Gutierrez sa Mulawin. Sa sobrang tuwa ko nga, nag-alaga ako ng tatlong manok. Pinangalanan kong Alwina, Aguiluz at Pagaspas. Tapos 'yong aso na binigay sa 'min, pinangalanan namin ni Ate Shane ng Ugatpak. 'Di na nagreklamo si mama.
Saka sisilipin ko pa 'yong mga gagamba namin ni Dale doon sa bahay na posporo. Nanganak na kasi, eh. Pati 'yong mga Kisses na inaalagaan namin ni Ate Shane. Iba't iba ang kulay nun. Iniiyakan ko pa kapag may nawalang isa. Hinihintay naming dumami. Ubos na ang cotton at pulbo ni mama, 'di pa rin nanganganak.
PS: Hinahanap na pala ni mama 'yong cellphone niya. Kinupit ko kasi. Eh, paano... kailangan kong matalo lahat ng mga giant monsters dito sa larong Space Impact. Gusto ko ring malagpasan ang highest score sa Snakes at Bounce. Para malagyan ko ng pangalan. 'Wag kang maingay, DD, ha? Ibabalik ko naman mamaya.
Hindi na umiihi sa higaan,
Angelica Bianca C. de Makapili... ... ...
AlphabetSenpai's R-23
At 23, I realized that...
I'm proud to be part of "Batang 90's".
Sabi ni Mama, sa generation nila, masyadong strict sina lolo at lola. Kapag nahuli ang babae at lalaki na "nagholding-hands" o "halikan" o mas intimate pa dun... dapat mauwi sa "kasalan."
Kaming mga Batang 90's, lumaki sa mga larong kalye at palo ng mga magulang. Masaya na sa pa-brick game o kung may token man. Mag-aaway lang dahil nataya sa nilalaro o nawalan ng pamato pero magbabati rin kinabukasan.
Sa generation ngayon, ang mga bata laki sa gadgets at technology. Hindi mabubuhay kung walang cellphone o computer na katabi.
Ang resulta, nawawalan ng oras sa pamilya. Kulang din sa disiplina. Mas kaclose pa ang nakilala sa internet kaysa sa mga magulang at kapatid nila. Ni hindi nga kayang mag-share ng problema sa pamilya.
Ang mga bagets din ngayon, mabilis madepress.
Why? I don't know.
Para sa 'kin... wala naman sa generation na kinabibilangan 'yan. Nasa pagpapalaki 'yan ng mga magulang.
And the magic of prayer.
Prayer is powerful. It can change everything. It can create miracles.
Marunong kayang magdasal ang mga bata ngayon? Marunong pa kaya silang magsalita ng "po" at "opo"? Marunong pa kaya silang mag-mano?
Alam kaya nila ang totoong kahulugan ng salitang... "respeto"?!
Kung... OPO. Salamat naman po.
Gosh! Ang haba na nito. Hahaha.
I just missed my childhood days.
Yup, I'm a proud Batang 90's. Pero naiinggit ako sa mga kabataan ng Generation Z. Bakit?
Mabuti pa sila, twelve or thirteen years old pa lang... may jowa na. Ako, 23 na... pero hanggang ngayon, from head to toe... virgin na virgin pa. Saklap!
*.*.*
< Kudos Pereseo >
I couldn't stop myself from biting my lower lip. Hindi ko alam kung bakit.
Bakit ako nakangiti?
Hindi naman 'yon dahil sa nalaman kong single pa rin siya.
Malabo na dahil doon. Sobrang labo!
Baka dahil sa personality niya. Yeah, maybe because of her character. She's funny and cool.
'Yon lang talaga. Dahil cute na astig siya.
I'm not smiling because she's single. I'm not...
BINABASA MO ANG
Love at First Read (Pereseo Series #1)
Teen Fiction[ Pereseo Series #1 ] Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae. -- Book cover by @arkiSTEPH