Dear Diary,
Namiss mo ba ako? Ikaw kasi 'di ko namiss. Bleah! :P
May chika pala ako sa 'yo. Ayoko na maging terorista. Ayoko na maging reporter. Ayoko na maging dentista. Alam mo kung ano na gusto ko? Hulaan mo muna?
KJ mo naman, Diary. Sasabihin ko na. Gusto ko maging bold star!
Natawa ka ba, Diary? Joke lang 'yon. Ikaw talaga. Uto-uto ka. Hahaha.
Gusto ko maging artista!
Malapit na ako maging artista, Diary. Nakita ko kasi 'yung sarili ko doon sa video ng pinsan kong kinasal nung nakaraan. Sabi nila, ang ganda ko. Flower girl kasi kaming dalawa ni Ate Shane. Tapos ring bearer si Dale. 'Yung ginagawa naming kunwaring kasal dati... nagkatotoo.
Iniimagine ko tuloy kapag lumaki na ako at ikakasal na rin. Gusto ko ganito rin kabongga. Para maiba. Ikakasal kami sa ilalim ng lupa. Wala pang nakakagawa nun, 'di ba?
Oo nga pala po, bungi ako ngayon po.
Bagong bunot kasi ang ngipin ko. Dumaan kami ni mama sa libreng pabunot doon sa bayan. Ang pogi nung dentist. Kano. Tapos mga bata ang binubunutan.
Tuwang-tuwa sa 'kin 'yong Kano, Diary. May crush siguro sa 'kin. Ako lang kasi ang hindi umiiyak nung binunutan niya. Kaso 'di ko maintindihan ang sinabi, eh. Ingles kasi.
Nagdadalawang-isip na tuloy ako kung maging dentista o artista gusto ko.
Aalis na muna ako. Mangangarolling pa kasi kaming magpipinsan. Alam mo na, malapit na ang Pasko. 'Yung mga pinsan ko nga kinukumpleto ang simbang-gabi. Para raw matupad ang wish nila. Totoo ba 'yon? Sa shooting star lang kasi ako nagwiwish, eh.
'Yon na nga, Pasko na. Tataguan na naman ako ng mga ninang at ninong ko. Alam mo ba? May ninong akong sinabi na 'di niya raw ako inaanak. Sinungaling! Ang sabi ni mama, ninong ko siya. Hindi ko naman kailangan ng pera niya. Kukunin lang din naman kasi 'yon ni mama.
Masaya na ako sa palollipop, pa-Krimstix at pa-Mik Mik ni ninang ko. O kaya kahit sa tatlong piso na ipangbibili ko lang ng plastic balloon para ipalobo. Sobrang babaw lang kaya ng kaligayahan ko.
PS: Hindi nakauwi sa Pasko si papa. Sabi ng mga kapitbahay namin, baka may kabit daw siya.
Bunging batang naguguluhan,
Angelica Bianca C. de Makapili
... ... ...
AlphabetSenpai's LLS
I've learned that...
Ang buhay ay parang isang malaking theme park. May Ferris wheel na nagpapatunay na hindi ka habang-buhay nasa ibaba, mararanasan mo ring mapunta sa itaas. May roller-coaster na papaikot-ikutin ka sa dami ng obstacles, then you'll be proud of yourself afterwards because you've passed those problems without giving up. May horror house na pilit kang hahabulin at iha-haunt ng mga fears mo pero ito ring huhubog sa 'yo na kailangan mong harapin ang mga tinatakbuhan at kinakatakutan mo.
Think about the positive side. The theme park makes the children laugh and smile. You just have to enjoy every ride.
... ... ...
AlphabetSenpai's WOW
In life, there are ups and downs. There are lots of turns, too. Sometimes, you'd lost your way. Just remember that it'd be a boring ride if you're trailing the straight path ahead of you. Don't be afraid to take turns. Unpredictable twists and unexpected quests make our life more incredible and unforgettable.
*.*.*
< Kudos Pereseo >
Nakng!
Kung hindi terorista, bold star naman ang gusto.
Mabuti na lang hindi ko pinangarap nung bata ako ang maging... macho dancer.
I wanted to be a magician.
Akala ko kasi nama-magic ang kahirapan.
Gusto kong matulungan ang mga magulang ko at mga walang matirahan sa lansangan. Ang cool kasi, mag-mamagic ka lang, bigla kang yayaman.
'Yon pala, hindi nama-magic ang pera. Hindi sa isang kumpas ng wand, may lalabas na kung ano-ano pa.
Dahil nalaman ko na illusions lang ang mga 'yon at puro tricks, ito... naging basketbolista na lang ako.
BINABASA MO ANG
Love at First Read (Pereseo Series #1)
Novela Juvenil[ Pereseo Series #1 ] Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae. -- Book cover by @arkiSTEPH