Page 7

492K 25K 12.2K
                                    

Dear Diary,


Nakita ka ni Ate Shane at binasa. Pinagalitan ako. Ang pangit daw ng sulat ko at napakaraming po. Kaya ito, hindi na ako maglalagay ng po. Konti na lang po. Sabi niya mukhang ang bait-bait ko habang nagsusulat eh maldita naman daw ako po.

Maldita? Kasi sinumbong ko siya kay mama na nakabasag siya ng baso kanina?

Pero bati na po kami ni Ate Shane. Hindi ko siya ipagpapalit sa kahit kaninong ate. Saka humaba na rin ang buhok ko na ginupit niya, eh.

Ay oo nga pala. Wala naman akong ikukwento sa 'yo, Diary. Nakita ka lang kasi ni ate kaya napasulat ako.

Saka may sakit ako ngayon, eh. May bulutong kasi ako. Ang kadiri. Ang pangit ko raw sabi ng mga kalaro ko. Wala na raw magkakagusto sa 'kin 'pag lumaki ako.

Eh, ano naman paki ko?

Kuntento na kaya ako sa buhay ko. Masaya na ako sa kakanuod ng Bananas in Pyjamas, Dora the Explorer, Tom and Jerry, Power Rangers, Teletubbies, Doraemon at Spongebob sa TV.

Masaya na ako na kumpleto ang pamilya ko. Kahit minsan lang umuwi si papa sa loob ng isang buwan o minsan isang taon... masaya ako.

Masaya kami.

Sa Manila kasi nagwowork si papa. 'Di ko alam trabaho niya. 'Di ko kasi magets. Siguro maiintindihan ko rin 'pag lumaki na ako.

Basta 'pag nandiyan si papa, ang babait naming tatlong magkakapatid. Gitna pala ako. Nagtutulog-tulogan kaming tatlo pagkatapos kumain ng hapunan at nanunuod ng TV sa sala. Eh, nasa taas ang kwarto namin at paikot ang hagdan, bubuhatin kaming tatlo ni papa isa-isa. Tapos tatawa kami kapag nasa gitna na nung hagdan.

Pinag-aagawan din namin 'yung damit ni papa na natuyuan ng pawis. Ang bango kasi ng pawis ni papa. Tinatabi namin 'yon kapag natutulog kami. Hindi nakakasawang amoyin.

Habang nandiyan si papa, medyo bawas ang laro namin.

Natutulog din kami 'pag tanghali. Kaso nagpapanggap lang din minsan. Pinapalo pa nga kami ni papa, pero 'yung palo niya naman parang dinikit lang 'yung palad sa binti namin.

Si mama ang masakit mamalo, may pahanger. Tapos pasinturon. Ang lakas ng iyak namin kapag 'yung tumatama ang bakal doon sa belt. Minsan ang iyak, walang tunog. Ang sakit kaya. Tapos minsan kurot naman sa singit. Kaya isusunod ko na lang pataas ang hita ko para 'di gano'n kasakit.

Nadapa kasi ako kaya pinalo ako. 'Di ko nga alam bakit pinalo ako eh nadapa na nga.

Meron pa, nung time na nagbabalat ako ng mangga. Dumulas kasi 'yung kutsilyo at nahiwa ang hinlalaki ko. Halos maputol 'yung daliri ko. Tapos nung nagamot na ni mama... saka niya ako kinurot.

'Di ko talaga maintindihan kung bakit kailangan kurutin?

Saka Diary, ito pa. Pasensiya. Ang dami kong kwento ngayon. Medyo matagal din kasi akong 'di nakapagsulat, eh.

May binibilad na mga buto sa terrace namin. Sabi ng tito ko, mga buto raw 'yon ng sili. Hinawakan ko. Tapos nadala ko ang kamay sa bibig ko. Napaiyak ako sa anghang! Tapos kinusot ko ang mga mata. Halos mabulag ako kasi ang hapdi rin ng mata ko. Pinatahan ako ni mama. Pinakain ng asukal. At pinaghilamos ng tubig na may yelo.

Nung nahimasmasan ako, saka na naman ako pinalo. Bakit po, mama? Huhuhu

Kaya nung gumaling ako. At para makabawi kay mama... naglinis ako sa buong bahay namin. Pati sa bakuran. Nagbunot ng mga damo at nagwalis. Para tanggal din ang mga lamok. Sabi kasi ni teacher, bawal magkasakit. Iwas dengue na rin.

Bati na ulit kami ni mama. Pero bumalik na ulit si papa sa Maynila.

Wala naman masyadong kakaiba, Diary.

Mabuti umulan kinabukasan. Gumawa kami ng bangkang papel para ipaagos sa kanal sa tabi ng kalsada. Naligo na lang kaming magpipinsan sa ulan.

PS: Hinubad ko damit ko. Saka ako nagtatakbo sa ulan ng nakapanty lang. Panty na may Tuesday sa harapan.

Nagmamahal,
Angelica Bianca C. de Makapili


... ... ...

AlphabetSenpai's LLS

I've learned that...

Family is the most precious thing in the world. A blessing no one can replace. So, treasure all the good and bad memories with them. Love your parents and your siblings. Saying "I love you" won't hurt you. They won't be there beside you forever. Someday, you'll wake up and then realized... it's too late.

Love starts from the family.

If you can't love and respect your family, how can you love and respect other people?

Kung wala kang pagpapahalaga at respeto sa mga magulang mo, pagdating sa ibang tao... wala ka ring modo.

... ... ...

AlphabetSenpai's WOW

Love your family. Make them your priority. Because in this world where everything is just temporary, your family will always stay in your life... permanently.

*.*.*

< Kudos Pereseo >

I agree!

Pero...

Bakit nawala na ang mga PO? Namiss ko tuloy.

Pero nakngtokwa! Naiimagine ko 'yong batang AB na nakapanty lang kahit 'di ko pa nakikita kung ano'ng itsura niya.

Kinaltukan ko tuloy ang sarili.

Pero na-experience ko na rin 'yon. Ang maligo sa ulan. Ang kaibahan nga lang namin ni AB, siya nakapanty. Ako... nakahubo.

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon