Page 30

415K 14.9K 10K
                                    

DD,

It's been months since Toni died.

Almost 8 months.

He died on January 13, 2009.

Ilang araw na lang, September na. 4th year High School na ako. Malapit na birthday ko. Mag-15 na rin ako.

Pero hindi ako nagsulat para magcelebrate.

Hindi rin kita kukumustahin.

Hindi naman kasi kita namimiss.

I'm just starting to hate myself. And I want you to hate me as well.

Don't blame Toni for this because I'm not blaming him.

Yes, I still miss him but I already stopped grieving.

Don't think that I'm sad, because I just cried... once. And that was the time... na nalaman kong patay na siya.

Maybe, I realized that... what's the use of crying? Can my tears bring him back to life again?

I'm fine. Really. Really. O.K.A.Y.

Mag-8 months na. Siguro naman nakapagmove-on na ako. Pero 'yung mga kaibigan ko... ayaw maniwala. Gusto nilang magkwento ako. Ilabas ko raw lahat ng hinanakit ko sa mundo. Umiyak lang daw ako. Hindi sila satisfied kahit na palagi kong sinasabi na. "Okay lang ako."

Tangina! Mas marunong pa sila sa 'kin. Sila ba ako?

C'mon, Mylabs! Hate me to death. Do you think that I've changed, right? Well, I hate myself too because... I'm still changing!

Pakiramdam ko ang rebelde kong bata!

I started to hate life.

What's the purpose of my life? Why am I even still alive?

I started to doubt God.

I still believe in Him. I still go to church. I still pray. However, why? Why does He give myriad problems to the people who believe?

I started to question death.

Ano'ng silbi na nabuhay tayo sa mundo kung mamamatay lang din naman lahat ng tao?

I cursed this year. 2009!

Namatay si lola.

Nalaman ng lintek na kabit ni papa na si mama ang unang pinakasalan kaya 'yung madalang na pag-uwi ni papa... hindi na nasundan pa.

Muntik na mamatay si papa dahil nagkasakit siya.

Nakakatangina, 'no? Bakit 'di na lang 'yung mga kabit ang maglaho? Bakit 'yung mga manloloko at gago ang tagal ng buhay sa mundo? Bakit 'yung mga nagtatangkang magpakamatay, nakakaligtas? Binibigyan ng chance? Bakit 'yung mga mababait at gusto pang humaba ang buhay... bigla-biglang namamatay? Tanginang buhay!

Itinuturing akong black sheep ni mama! Kasi sa lahat ng pamilya, may isa daw na masama. Ako ang suwail niyang anak.

And you know what I hated the most? MYSELF!

I don't know what to do about my life anymore.

Kung noon, marami akong pangarap. Ngayon, biglang naglaho lahat. Parang gumigising lang ako sa umaga, kakain, papasok sa school, at matutulog. Cycle.

Paulit-ulit. Nakakaumay.

Walang kwentang buhay!

Kaya bakit pa ako humihinga kung wala rin naman na akong pangarap?

Gusto ko nang mamatay pero kasalanan ang magpakamatay. Iniisip kong gawin pero hinding-hindi ko kayang gawin.

Gusto kong magrebelde. Gusto kong manigarilyo. Uminom ng alak. At manglalaki. Pero bakit 'di ko pa rin magawa? Hanggang isip ko na lang ba ako masama?

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon