Habang naglalakad ako palayo sakanila Dennise di ko mapigilang hindi magaalala. Natural, bukod sa kaibigan ko siya e may nararamdaman naman talaga ako sakanya. Ayokong masaktan siya pero sa palagay ko itong gabing to din ang pinakamasakit na araw para sakanya. Umalis ako hindi dahil ayokong makita si Dennise na nasasaktan. Ayoko lang makaistorbo dahil sa alam kong hindi naman nila kakailanganin ang presensya ko. At sa tingin ko ito nadin yung gabing inaantay niya. Na kausapin siya ni Erick. Magkaayos man o tuluyan ng magkahiwalay.
Maya maya'y nagring ang phone ko. Pagkatingin ko'y si Dennise ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot. Pero wala akong marinig kundi ang hagulgul niya. Nasasaktan siya nararamdaman ko yun kahit na boses lang niya ang naririnig ko.
"Jakey, puntahan mo ko please."
Yun lang ang sinabi niya pero ang puso ko sa sobrang kaba at pagaalala ay grabe na ang takbo. Kaya dali dali akong nagpunta sa bahay nila. TInakbo ko yun kahit na sobrang layo ko na sa bahay nila. Fck! Kailangan niya ako.
Pagkadating ko dun e nakita ko na nakapark ang kotse ni Erick. At nakatayo siya sa tapat ng gate. Ng mapansin niya ako ay agad siyang lumapit saakin. at sinabing "Ikaw na ang bahala sakanya pare" sabay tuluyang umalis.
Pumasok ako sa loob ng bahay nila. At nakita ko siyang nakasubsub ang mukha sa kanyang mga tuhod. Malakas ang pagiyak na halos yun ang maririnig mo sa boung bahay.
Wala akong sinabi. Tinabihan ko lang siya. Dahil alam kong walang salita ang makakaalis sa sakit na nararamdaman niya. Hinayaan ko nalang na maramdaman niyang may tao na handang sumoporta sa kanya. Na may taong handang ilahad ang balikat kung kailangan niyang umiyak.
BINABASA MO ANG
Friendship Or Love ( SLOW UPDATE )
Teen FictionStory ng isang girl na di aakalaing maiinlove sa kanya bestfriend. Susundin niya ba ang tibok ng puso niya o ipapairal niya ang sinasabi ng kanyang utak? This is my very first story. Hope you like it. VOTE and COMMENT :))