Chapter 56:
Charmaine's P.O.V.
Habang tumatagal mas lalo akong nasasaktan. Habang tumatagal mas lalong nadudurog yung puso ko. Ang korny ba? Pero totoo kasi e. Dahil natututo na siyang magsinungaling sakin. Ayos lang naman kung magsinungaling siya minsa. Pero ang masaklap ay yung palagi na niyang ginagawa kahit harap harapan pa. Pero dahil TANGA ako binabalewala ko nalang. Kahit sobrang painful sige okay lang. Mahal ko eh.
Pero ang mas masakit eh yung maramdaman mong hindi ka na niya mahal. DI na katulad nang dati na sobrang feel ko ang love niya for me. Nagbago ba siya? O Sensitive lang ako dahil sa mga pagsisinungaling na ginawa niya sakin? Di ko alam kung Nega lang ako o sadyang totoong wala na si LOVE?
I tried to be sweet and anything na alam kong he likes kapag ginagawa ko noon. Pero now, sa halip na matuwa siya at lambing ang isagot niya sa mga giangawa ko eh parang naiirita pa siya sakin at ang masklap e parang nandidiri siya sa mga gingagwa ko? Sinabihan niya pa ako ng KORNY. Tama ba yun?
DI ko maintindihan pero parang iba na talaga ang relasyon namin sa noon.
From 'IN A RELATIONSHIP" to "ITS COMPLICATED" ata ang drama ng relasyon namin ngayon. At hindi ako natututawa sa nangyayari smain ngayon.
I really miss him!!!
Kaya eto ako ngayon naglalalakad papunta sakanila. Hindi ko sinabing pupunta ako. Gusto ko kasi siyang isurprise. Saka medyo may away kami kagabi e.
***Flashback
Magkausap kami sa harap ng bahay namin. Andito siya e ^O^ So happy kasi dumalaw siya. Pero pinilit ko muna siya. Pero basta ang mahalaga andito na siya. DIba? Atleast pinuntahan niya ko.
"Babe, date tayo minsan!" MAsigla kong sabi sakanya. Well matagal tagal nadin kais kami huling nagdate e. NAkakamiss lang.
"Tss, Wag na kakornihan lang yun!" sabi niya ng hindi nakatingin sakin. Busy sa kakatext.
"What? Korny? Eh samantalang dati ikaw pa nagyayaya!" di ko napigilan ang sarili ko. Korny?Anong korny dun? Ginagawa naman ng magboyfriend yun diba? Hind yung kakornihan. SWEETNESS ang tawag dun. Para sakin, kahit simpleng date lang ok na. Kasi atleast alam kong nageefort sya para makasama ako. At nageefort siyang ipakita sakin na mahal niya ko. Kahit tumunganga lang kami sa boung date namin ang mahalaga kasama ko ang taong mahal ko.
"Tss. Tama na. Bakit mo pala ko pinapunta? May lakad pa kasi kami ng mga kaibigan ko." isang malaking ARAY yun. Pero chill Cha. Kaya mo yan.
"Ha? Wala. Gusto ko lang makasama ka." sabi ko na nakatungo. Medyo nalulungkot ako e.
"Tsk. Next time nalang. May pupuntahan pa ko e."
Wala akong nagawa kundi panuorin siyang umalis. Masakit sakin dahil parang mas mahalaga ang mga kaibigan niya. Pero di ko naman sya pwedeng pigilan e.
***Reality
So eto na. Papunta na ako sakanila. Naglalakad maisa. LONER ( = . = ) sabagay. Feel ko ang pagiging LONER ko. Kasi parang simula nung mga panahon na yun, pakiramdam ko nagiisa nalang ako. Ang swerte nga kung tutuusin ng mga kaibigan ko. Si Jeraldine, masaya siya kay Matt niya, kahit na nagtatalo sila minsan. Pero ramdam ang lambingan. Si Allaine, na mukhang nagugustuhan na ni Jake. Good for her.
Beeep! Beeep!
Nagulat ako ng makarinig ng busina. Nung tinignan ko kung sinoa ng bumusina saakn e nagualt ako. Si SHARLY pala. Yung pinsan ni Erick. Naalala niyo pa?
Ibinaba niya yung window.
"Oh Ate Cha, saan ang punta mo?"
"Ah! Ako? Kila Babe." plain kong sagot.
"Oh! Edi sabay kana saakin. Tutal dun nadin ang punta ko." pagaalok niya. Pero dahil masunurin ako sumakay nadin ako sa kotse niya. Syempre libre nadin to sa pamasahe. Nagtitipid din naman ako.
"Oh, anong laman niyan" turo niya sa hawak kong tupperware.
"Ah! Favorite food ni Babe. Medyo nagkatampuhan kami e." sabi ko.
"Mukhang masarap yan a. At ikaw din ang nagluto. Pahingi ako a." Pabiro niyang sabi.
"Oo naman. Malakas ka sakin e."
Habang nasa daan kami papunta kila babe. Nakaramdam nanaman ako ng kakaibang kaba. SHEEET! Ganito rin yung naramdaman ko nung araw na nakita ko si Babe and Allaine sa may parking. Yung araw na nagsinungaling saakin si babe. UNANG beses niyang ginawa yun, kaya di ko makakalimutan. Natatakot ako sa nararamdamn ko ngayon. Baka may mangyari nanaman na di dapat mangyari. Pero wag naman sana. Please LORD :(((
Iniisip ko palang nalulungkot nako. CHA! wag mo na kasing isipin. Madedepress ka lang.
Nang malapit na kami sakanila. May nakita akong babaeng nakatayo sa harap ng isang kotse katapat si Babe.
"Te-teka Sha-sharly. Mamaya na tayo lumapit." Sabi ko na medyo kinakabahan. parang may iniintay akong mangyari na ayoko namang mangyari. ewan. Parang ganun ang pakiramdam. Hindi ko maexplain pero nasasaktan nako. Ngayon palang.
Inihinto ni Sharly ang kotse niya. mukhang naiintindihan niya ang ibig kong sabihin.
Kahit malayo kilala ko ang babaeng kaharap ngayon ni Babe. Kilalang kilala. Dahil siya lang ang nagiisang babaeng may ganyang kotse at ganyan manamit. Matagal kaming nakahinto ni Sharly. Nagmamasid. Ng may biglang nangyari na hindi ko inaasahan. Isang pangyayaring nakapagpahina nang tuhod ko. Isang bagay na lalong nagpabilis ng takbo ng puso ko. Naramdamn ko biglang may tumulong luha sa pisngi ko. Pinunasan ko kaagad. BAKIT? :((( Bakit ginawa niya yun?
"SHIT!" Biglang sabi ni Sharly at pinaandar bigla ang kotse. Bumusina muna siya na siyang dahilan kung bakit naguat ang dalawang tao sa harapan namin ngayon.
Lumabas ng kotse si Sharly, sumunod naman ako. Agad siyang lumapit kay Babe. Habang lumalakad din ako papalapit sakanila ay mas lalaong nakaramdam ako ng kaba. dahil siguro to sa di inaasahang nangyayari ngayon.
"Excuse me ha?!" Pagtataray ni Sharly ng makalapit na siya.
"Oh! Sharly? BABE?!" Parang nagulat siya ng mapansin niya ko. Sabagay, hndi niya nga pala alam ng pupunta ako. Hindi ko naman sinabi.
"Ah! Babe, surprise visit lang. He-He-He!" sinubukan kong maging cheerful kahit sa loob eh parang mamamatay nako sa sakit.
"At, mukhang kami pa ni Ate Cha ang nasurprise sa visit na to." Biglang singit ni Sharly na may kasamay pagtataray.
"Ah! Ano, pasok muna kayo" Pagaalok ni babe samin.
"Tss. WHATEVER!" pagalit na sabi ni sharly sabay pasok ng bahay nila.
naiwan kaming tatlo sa laba. Nagkatinginan kaming tatlo. Bago siya tuluyang magpaalam
"Osya erick. Alis na ako. Thanks nga pala. Bye." Sabi niya. "And Bye Cha!" sabi niya sakin.
Gusto ko mang siyang sabunutan dahil sa ginawa nila eh hindi ko magawa. Dahil KAIBIGAN ko siya.
"Sige Allaine, Bye" pagpapaalam naman ni Babe saknya.
At tuluyang ng umalis si Allaine. Nang tuluyan ng mawala sa tingin namin ang kotse ni Allaine ay agad naman pumasok si Babe sa loob ng bahay. Pinanuod ko lang ang likod niyang tuluyang lumalakad palayo saakin. Sana hindi totoo ang mga nakita ko. Dahil ang sakit sakit. Di ko alam kung kakayanin ko pa kung magpapatuloy to. Sana tama na. HAys. Ano bang meron sainyo babe? ANO? :((( Hindi ko na alam kung ano pang paniniwalaan ko. Kung ano pa ang dapat kong sabihin sa sarili ko para di ako masaktan ng ganito.
BINABASA MO ANG
Friendship Or Love ( SLOW UPDATE )
Teen FictionStory ng isang girl na di aakalaing maiinlove sa kanya bestfriend. Susundin niya ba ang tibok ng puso niya o ipapairal niya ang sinasabi ng kanyang utak? This is my very first story. Hope you like it. VOTE and COMMENT :))