Chapter 44: I Don't Know

1K 10 17
                                    

Chapter 44: I Don't Know

Charmaine’s P.O.V.:

Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Si Jake, kababata ko din pala siya. Pero ang ipinagtataka ko ay bakait hindi ko maalala. Siguro dahil nga bata pa ko, kaya hindi ko maalala pero bakit siya, naalala niya parin. Pati si Allaine tandang tanada ang mga moment na yun. Ako lang ba ang nakalimot?

“Nakakatuwa naman at kayo ni Allaine ang nagkatuluyan.”

Sabi ni mama kila Allaine.

“Oo nga po tita e. Nakakatuwa nga po. Di ko nga po ini-expect e.”

Sagot naman ni Allaine.

“Akala ko talaga si Cha ang magiging girlfriend mo. Sabi mo kasi nung bata ka iho magiging girlfriend mo si Cha.”

Sabi ni mama kay Jake.

WAIT A MINUTE! KAPENG MAINIT! EEEW! Kami? Sauce! Wag nalang. Magpapakamatay nalang ako. Okay na ako kay babe. And happy na kong kami ang nagkatuluyan.

“Talaga mama?”

Sabi naman ni Erick!

“Akala ko lang naman. Siguro nadala lang sila ng mga kalokohan nila nung bata pa sila.”

Sabi ni Mama. Nako magtatampo si babe nito e.

Maya maya nagpaalam na si Allaine at Jake dahil gabi nadin. Kaya umuwi na sila.

Ngayon naiwan kami ni Babe sa sala. Si mama and yaya busy sa pagliligpit dun sa kitchen.

“Babe, sa labas tayo.”

Alok sakin ni Babe.

“Sige babe.”

Lumabas naman kami. Dito na kami bale sa tapat ng bahay namin.

“Babe!”

Sabi ni Erick sabay yakap sakin. Nagulat ako. Pero nararamdaman ko na parang ang lungkot ng presence niya ngayon.

“Why babe? May problema ba?”

“Wala naman. Natakot lang ako sa sinabi ni Mama.”

“Ha? Saan?”

“Kaagaw ko pala si Jake kung nagkataon.”

Humarap ako sakanya. And hinawakan ang mukha niya.

“Ano ba yang iniisip mo. Bata pa kami nun babe, ni di ko nga maalala yun e. Ang mahalaga ay yung present. Kung ano tayo ngayon. Na ikaw ang kasama ko ngayon. Di mo na kailangan magwory pa? kasi nasayo na ako e. Diba?”

Mas humigpit ang yakap niya sakin. Nakabaon na halos ang face ko sa dibdidb ni babe.

“Tama. Nasaakin kana ngayon. Kahit na anong mangyari, ako parin naman ang boyfriend mo.”

“Yeah, so wag na masyadong masad okay.”

“Yeah. Thanks babe.”

Tapos niyakap niya ulit ako. Kaya pala. Natatakot siyang mawala ako sakanya. Nakakatuwang isipin yun. Ang sweet talaga ng babe ko.

Ngayon alam ko ng mahal na mahal ako ng babe ko at ayaw niyang mawala ako sakanya. ( ^ . ^ )

Allaine’s P.O.V.:

“Nadulas si Tita ah. Kinabahan ka ano?”

Kanina kasi habang nasa kila Charmaine kami, nadulas si Tita at nasabi ang lihim ni Jake. Pero mukhang di naman nila napansin yun. I mean, parang akala nila totoong wala na ang nararamdaman ni Jake kay Cha.  Hm. Akala nila PAST na yun ;pero ang totoo eh UNTIL NOW!

“Sino bang hindi ha?”

Sagot niya sakin. Tama nga ako. Kinabahan din siya.

“Pero buti nalang inakala nilang nawala na yun. Akala nila past nalang yun.”

Bakas sa face ni honey na sad siya. Napahinto ako sa paglalakad at mukhang napansin niya to.

“Oh? Bakit?”

Tanung niya sakin.

“Gusto mo padin ba si Cha?”

Nasabi ko na din. PHEW!

Pero kinakabahan ako sa isasagot niya. Mahal ko si babe pero di ko alam kung handa ba ako sa isasagot niya.

Natatakot ako na baka pag sinagot niya na oo eh baka masaktan lang ako. Pero diba gusto naman daw niya ako.

Baka sakaling ako na ang gusto niya. Baka nagiba nadin ang nararamdaman niya para kay Cha. Di ako dapat mawalan ng pagaasa. Hindi pu-pwede. Yun analng meron ako. Pag nawala pa yun, di ko na alam.

“Hindi naman nawala yun Allaine e. Hinding hindi.”

AWW </3

Pwede bang magsinungaling ka naman? Parang nung fieldtrip lang sinabi mo sakin na you like me. Now sasabihin mong hindi nawala yun?

Ano ako? PAMPALIPAS ORAS? Ako ba ang REBOUND? Masakit JAKE. SOBRA! </3

“Ang sakit a?”

“What?”

Naguguluhan niyang tanong.

“Akala ko you like me.”

Akala ko lang ba talaga? AKALA NGA LANG BA YUN?

“Totoong gusto kita. Pero iba kasi ang nararamdaman ko para kay Cha.”

“Wala na ba talagang chance?”

“Anong chance allaine?”

“Jake! WALA na bang chance na mahalin mo din ako.”

Nagulat siya sa tanong ko. Gusto ko lang malaman. Gusto ko lang malaman kung saan ba ko dapat lumugar.

“FINE! Wag ka ng sumagot. ALAM KO NA!”

“Sorry Allaine.”

Umalis nako. Di ko na kaya yung sinabi niya. Sorry? So tama nga ko na wala! Shit! Bakit ba ko umasa? Bakit ako nagpapaktanga sakanya. Alam ko namang wala talaga ako para sakanya. Alam ko namang piangsiksikan ko lang ang sarili ko sakanya. Di mapigilang tumulo ang luha ko. Masyado akong nasaktan. Masyadong masakit. Di ko yata kaya to.

Dahil sa sobrang pagkasawi ko ngayon, di ko alam kung tama ba tong daan na dinadaanan ko. Pero bahala na. gusto ko lang makalayo. Gusto ko lang makapagisa. Ganun na ba ako kasama? Ganun na ba ako kawalang kwenta kaya ganito ang ginaganti sakin ng LORD?

Bakit ang sakit naman yata? Ayoko naman ng ganito. Nainlove ako sa isang tao. Mali ba yun? Nainlove ako sa isang taong alam kong may iba namang mahal, mali ba yun?

Alam kong mali ang ginawa kung pagsisiksik ng sarili ko sakanya. Pero mahal ko lang siya. Nagawa ko lang yun dahil gusto ko si Jake. Dahil matagal ko na siyang gusto.

Hindi ko na alam. HINDI na!

Friendship Or Love ( SLOW UPDATE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon