Chapter 54: babe?

884 16 6
                                    

Chapter 54:

Charmaine's P.O.V.

Pauwi na ako. Nang makita ko si babe with some other boys. Well di ko sila kilala. Pero sure akong di ko sila school mate. Sa uniform palang eh obvious nang hindi ko sila school mate.

Lalapitan ko ba? O wag nalang? Pero kasi I need to talk to him nadin. Di siya pumasok ngayong araw. Di din siya nagreply nung tinanung ko siya if bakit siya absent. Akala ko may sakit. Pero ano ba talaga ginagawa niya dito?

Papalapit na ko sakanila. Kusang lumalakad yung paa ko papalapit sakanya. Tumatawa padin siya. Nakatalikod siya sakin. Pero naririnig ko ang pagtawa niya.

"Ba-babe?" ilang kong tawag sakanya. Lumingon naman siya sakin at parang nagulat.

"Oh babe! Kanina ka pa ba dyan?" tanung niya sakin.

"Ha? Me-medyo!" ilang kong sagot. Nakakalungkot. Parang ibang Erick ang nakikita ko ngayon. Bakit? :((

"Pare sino yan?" tanung nung isang lalaki.

"Shota ko nga pala. Si Cha. Cha sila Mark, Gian at si Kyle" pagpapakilala niya sa mga kasama niya.

Teka. Kelan niya pa ko tinawag na shota? o_O Ngayon lang. Dati pag tinatanung kung sino ako at kung kaano-ano niya ko sasabihin niya kunghindi asawa e, taong mahal ko o kaya buhay ko. Pero shota? Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Hindi ko alam. Pero parang kumirot yung puso ko.

Binalewala ko nalang ang mga bagay na gumuguli sa isip ko ngayon. At isa isang kinamayan ang mga kaibigan ni babe.

"May shota pala tong mokong na to!" sabi nung Mark. Ngumiti nalang ako.

"Kala ko single pare. Kahit may shota lapitin padin." nagulat ako sa sinabi nitong Gian na to. Lapitin padin? Nangchichix ba si babe? o_O

Tinignan.ko lang si babe. Pano kung nangchichix nga siya. Pani kung totoo ngang may babae siya. Kaya ko kaya? Makakayanan ko ba yun? Nakaramdam nanaman ako ng lungkot.

"Tumigil nga kayo. Mamaya nagselos tong si Ate. Magaway pa yang dalawa." sabi.nung Kyle. Mukha siyang mabait. Nakaramdam kasi siya na parang nahuhurt ako. Baka lang pala.

After ng konting boys talk. And syempre Out of Place ako. Eh kasi.di ko maintindihan mga pinaguusapan nila.

Nagdecide.na silang magsiuwian. Andiyo na kami sa kotse ni babe. Katahimikan ang nangingibabaw. Pero iba jggyon. Dati kahit tahimik di ganito kaawkward. Ngayon parang may iba. Parang may mga bagay na gusto naking sabihin sa isa't isa pero di namin masabi pareho. Oh baka ako lang ang may gustong sabihin.

Maya maya'y nakarating na kami sa bahay namin. Pero di ako agad bumaba. Inaantay kong buksan niya yung pinto for me.

"Di ka pa ba baba babe?" nagulat ako sa tanung niya. Wala na ba siyang balak buksan yung pinto gaya dati.

"Ah oo. Ha-ha. Sige babe. Byebye. Iloveyou"

"Sige. Bye."

Bumaba nadin ako kotse niya. Bumusina siya para sumenyas na aalis na siya. Pinanuod ko lang siyang umalis.

"Babe? Anong meron? Anong nangyayari?"

-----

AUTHOR'S NOTE::

I'm sorry for the late ud. And sorry if di maganda. Busy.masyado. Wala nga talaga kong idea for this ud e. Pasensya na kung di kayo satisfied sa ud for today.

Btw. 20 votes before next ud. Thanks.

○ HisLilShorty ♡♡♡

Friendship Or Love ( SLOW UPDATE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon