2.
That idiot named Cooper
Agatha's Point of View
"So that's it huh? Dito niyo na talaga ako patitirahin sa hospital nato?" I crossed my arms and looked out the window. Pinagmasdan ko nalang ang kalangitan gaya ng palagi kong ginagawa sa tuwing pakiramdam kong sasabog na ako sa sama ng loob. Huminga ako ng malalim at tinatagan ang sarili ko, that's it Agatha, don't cry Agatha, don't cry.
"Anak it would be better if you stay here. Mababantayan ka ng mga doctor. Alam mo naman ang kundisyon mo diba?" Giit ni mommy kaya naman napabuntong hininga nalang ako.
Oo nga kakaiba ang kundisyon ko dahil bigla-bigla nalang akong nakakatulog kahit na nasaan o ano man ang ginagawa ko. Oo nga, higit na mas mahaba akong matulog gaya ng ibang tao. I get it, I'm not a normal 16 year-old girl but I'm 200% sure that I'm not sick. I'm not dying. I just can't control myself.
Have you ever felt like you're slipping away from life?
Well that's how I feel every damn day.
"Mom what I need to feel better is a normal life. I want to go to school and have friends. Is it too much to ask?" Hindi ako humaharap sa kanya habang nagsasalita. Pakiramdam ko kasi, ano mang oras ay bibigay na ang luha ko.
"I love you Agatha. We'll visit you every week. Take care of yourself." Naririnig ko ang panginginig ng boses niya na tila ba umiiyak na talaga siya. Napapikit nalang ako nang maramdan kong niyakap niya ako ng mahigpit. Matapos niyang halikan ang pisngi ko ay dali-dali siyang umalis at hindi na ako nilingon pa.
I guess that's the best way to say goodbye, mas mabuti pa yun kasi hindi ko na nakita ang pag-iyak niya. She loves me, my whole family loves me... Alam kong dumidistansya lang sila kasi alam nilang ano mang oras ay pwede akong mawala... At alam nilang pwede akong makapangdamay ng iba. Im a walking disaster.
Muli akong napabuntong hininga at humiga nalang sa kama at nilagay ang earphones sa tenga ko.
*****
"I'm gonna break your little heart
Why'd you take the fall
Laughing on your way to the hospital"
Ipinikit ko ang mga mata ko habang pinakikinggan ang kanta. Pakiramdam ko ano mang oras makakatulog na ako sa kamang 'to, it's a good thing malambot ang mattress na binili nila mama para sa akin.
Teka ano yun? Bakit parang may nararamdaman akong humihinga malapit sa mukha ko?
Damn it! Parang di ko yata na-lock ang pinto.
Idinilat ko ang mga mata ko upang tingnan kung may tao ba at laking gulat ko nang bumulaga sa akin ang mukha ng isang lalaki. Napakalapit lang ng mukha namin sa isa't-isa at halos nararamdaman ko na ang hininga niya sa mukha ko. Hindi ko mapigilang tumili nang biglang nanlisik ang mga mata niya. OMG baka Rapist!
BINABASA MO ANG
Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Teen FictionAgatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idiotic guy hell-bent on keeping her awake? Well, this is the story of two special teenagers fighting fo...