18.
The last Chance
Third Person's POV
"May pasok pa ako. Kung mumurahin mo lang ako ng walang tigil, pwede bang sampalin mo nalang ako para isang bagsakan nalang?" Sarcastic na sambit ni Cooper habang nakangisi. Nilingon niya ang mga taong kasama nila sa loob ng coffee shop bago isinubo ang inorder na cake.
Imbes na sumagot ay pumikit na lamang si Reema at humawak ng mahigpit sa tasa ng kape na siyang ipinagtaka ni Cooper.
"Ano na Reema? Magsasalita ka ba?" Inis na sambit ni Cooper at muling napatitngin sa suot na relo.
Idinilat ni Reema ang mga mata nanatiling nakatitig sa hawak na tasa. Namumugto pa ang mga mata niya at pigil parin siya sa pagluha.
"Masaya ka ba sa buhay mo ngayon?" Walang emosyong tanong ni Reema.
"Ano bang klaseng tanong yan?" Napasinghal si Cooper at tumawa, "Siyempre oo! Magaling na ako at hindi ko na kailangang manatili sa punyetang ospital na 'yon. Hindi na ako nagtitiis sa araw-araw na gamutan at wala na ako sa bingit ng kamatayan! Tangina Reema, ikaw ba talaga tong kausap ko ngayon?" Sarkastikong sambit ni Cooper at muling pinagtawanan ang dating kaibigan.
"Masaya ka ba kahit hindi mo na kasama si Agatha?"
Sa isang iglap biglang natigil sa pagtawa si Cooper at tuluyang naglaho ang ngiti sa mukha ni Cooper nang mabanggit ang pangalan ni Agatha.
"O ba't ka natahimik?" Sarcastic na sambit ni Reema at siya naman ang ngumisi. "Cooper magkakilala na tayo nila Javi bago pa man dumating sa ospital si Agatha. Nakita namin kung paano ka nagbago, kung paano binago ni Agatha--"
"Mahal ko si Agatha. Oo aaminin ko, mahal ko si Agatha. Yan naman ang gusto mong marinig diba?" Sarcastic na sambit ni Cooper na hindi na pinatapos pa si Reema. "Pero hindi sapat ang pagmamahal na 'yon para bumalik ako sa impyernong pinaggalingan ko." Taas-noong sambit ni Cooper at tila ba hindi nagdadalawang-isip sa bawat salitang binibitawan.
"I see." Mahinang sambit ni Reema na halatang hindi na gustohan ang narinig at tumango-tango na lamang. "I hope you wont regret this decision Cooper because this is your last shot to be with Agatha and you just blew it." Tumayo si Reema at taas-noong isinabit ang shoulder bag sa braso ngunit bago pa man umalis ay muli siyang nagsalita,
"You know, just because you know where she is, doesnt mean she'll always be there. Just because you know she's inlove with you, doesnt mean she'll always do. Remember this Cooper, Death overpowers love. That's reality. And by the way--" Kinuha ni Reema ang kapeng hindi pa niya iniinom at walan ano-ano'y itinapon ito kay Cooper na agad namang nagsisigaw. "Bye Alvarez." Taas-noong sambit ni Reema at tuluyang umulis.
"Bwisit! Babae ba talaga 'yon!" Inis na sambit ni Cooper habang pinapagpagan ang sarili. Kinuha niya ang cellphone at dali-daling kinuha ang cellphone.
"Luigi pumunta ka dito sa coffe shop, dalhan mo ako ng damit.... Anong hindi kita utusan? Baka nakakalimutan mong ang daddy ko ang may-ari ng skwelahang pinapasukan mo!" Bulyaw ni Cooper at agad na binabaan ang kaklase.
BINABASA MO ANG
Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Teen FictionAgatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idiotic guy hell-bent on keeping her awake? Well, this is the story of two special teenagers fighting fo...