25.
Yet another star-crossed couple
Agatha
Kintatok niya ng tatlong beses ang pinto mula sa labas.
Napatingin ako sa maliit na siwang sa ilalim ng pinto at nakita ko ang anino ni Cooper. Gaya ko ay nakaupo parin siya sa sahig habang nakasandal sa kabilang dulo ng pinto. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming ganito. Hindi nagkikibuan at tanging ang pinto lamang ang naghihiwalay sa amin.
Sa di malamang dahilan, kinatok ko rin ng tatlong beses ang pinto.
"Agatha okay ka lang ba?" Narinig ko siyang nagsalita kaya ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. Umiling-iling ako kahit pa alam kong hindi niya ako makikita.
Hindi ako tanga. Oo nga’t hindi ako kasing talino ng mga kabataang nakakapag-aral sa isang normal na eskwelahan pero marunong akong makiramdam. At malakas ang kutob kong may itinatago sila sakin. Bakit sa isang iglap biglang si Cooper? Bakit sa isang iglap, bigla akong nagkaroon ng mga laslas at sugat? Bakit pakiramdam ko mamamatay na ako?
Malakas ang pakiramdam kong may mali sakin.
Napakaraming naglalaro sa isipan ko, isa-isang pumapasok sa isipan ko ang mga nakakatakot na posibilidad. Paano kung mamatay ako? Paano kung isang araw hindi na ako magising? Anong mangyayari sa mga magulang ko? Sa mga kaibigan ko?
Naramdaman kong may tumatamang manipis na bagay sa kamay kong nasa sahig kaya napatingin ako dito at nakita kong isa pala itong piraso ng papel.
Pinulot ko ang piraso ng papel na ipinasok ni Cooper mula sa ilalim ng pinto.
Agatha stop crying.
That sentence was written all over the paper. Three words that went on, over and over again. Oo nga’t iisang salita lang itong pinauulit-ilit pero halos mapuno ang papel dahil sa dami ng mga nakasulat at back to back pa. Hindi ko alam kung bakit niya to ginawa, hindi ba siya napapagod sa pagsulat nito?
Nasapo ko na lamang ang ulo ko’t nilukot ang papel at tinapon ito sa dulo ng kwarto.
“Don’t tell me to stop crying, you don’t know how bad I feel right now.” Giit ko at bahagyang siniko ang pinto bago muling sumandal dito.
Muli kong naramdamang may ipinasok siyang papel mula sa pinto kaya kinuha ko ito at binasa.
Agatha I missed you.
Just like the other paper, that sentence was written all over.
God knows how much I missed him but I don’t want to get hurt anymore. I’m done.
I was about to throw it away too when I saw that he slid another piece of paper again.
Agatha, I’m sorry for everything.
This time. He’s apologizing by writing. Does he really think this will be enough for ditching and pushing me away?
BINABASA MO ANG
Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Teen FictionAgatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idiotic guy hell-bent on keeping her awake? Well, this is the story of two special teenagers fighting fo...