13.
It's too late
Agatha
'What is love? Why is everyone getting so giddy about it?" When I was a kid, I used to ask myself that question over and over again whenever I see the people inside my television falling in love and going through hardships that ultimately leads to a happy ending.
My curiosity led to questions, until my questions turned into expectations.Truth be told, I've always wished to meet someone, not just someone, but "the one".
Looking back now, I shouldn't have made that wish.
Because love just made my horrible life, a whole lot worse and definitely painful...
Idinilat ko ang mga mata ko at agad akong napasinghap. Tagaktak ang pawis ko at napakabilis ng tibok ng puso ko kaya naman napaupo na lamang ako upang mapakalma ang sarili. Nakakabit parin sa bibig ko ang plastic mask kaya dali-dali ko itong tinanggal nang sa gayon ay makalanghap ako ng sariwang hangin.
Nakakainis! Hindi ko maintindihan yung panaginip ko pero alam kong nakakatakot ito. Maikwento nga ‘yun kay Coop—Shit! Nakatulog pala ako! Patay! Baka pinag-alala ko si Cooper!
“Cooper sorry nakatulog ako!”
Napatingin ako sa sofa sa pag-aakalang naroon si Cooper at hinihintay akong magising kagaya ng ginagawa niya parati kaso isang walang laman na sofa ang nakita ko. Wala siya…
Nakakalungkot makitang wala ng naghihintay sa akin na magising ako. Nakakalungkot kasi hindi ko nakikita ang ngiti niyang parating sumasalubong sa akin sa tuwing nagigising ako. Masyado na nga talaga akong nasanay sa kanya. Dapat ko na talagang ihanda ang sarili ko kasi alam kong darating ang panahon at tuluyan siyang gagaling at aalis, hindi kagaya ko na habang buhay nang mananatili dito.
Nasaan kaya ang lokong yun? Maikwento nga sa kanya ang weird kong panaginip at makapag-sorry nadin kasi hindi ko natupad yung pangako kong hindi ako matutulog.
Dahan-dahan kong tinanggal ang karayom na nakatusok sa kamay ko. Namamanhid parin ito kaya kahit dumudugo na ay wala akong naramdamang kahit na anong hapdi o sakit—Oh my God! Bakit andaming sugat sa mga kamay ko? Parang makailang-ulit na tinurukan ng karayom? Shit, how long was I asleep?
Yumuko ako upang kunin mula sa ilalim ng kama ang tsinelas ko ngunit sumasagabal ang mahaba kong buhok sa mukha ko. Nakakainis--Teka! Kung tama ang pagkakaalala ko, hindi ba't maiksi yung buhok ko kahapon?!
Tuluyan na akong tinamaan ng kaba at parang nagsitayuan ang balahibo sa batok ko. Muling sumagi sa isipan ko si Cooper kaya dali-dali akong nagtatakbo papunta sa kuwarto niya.
"Cooper you idiot! How long was I---" Napako ako sa kinatatayuan ko. Lalo akong kinabahan nang hindi ko na nakita si Cooper sa kuwarto niya. Wala naring kagamit-gamit sa loob at para bang matagal nang walang gumagamit dito.
Hindi... imposible... Ayaw ni Cooper maiwan o mang-iwan kaya malamang lumipat lamang siya ng kuwarto.
BINABASA MO ANG
Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Teen FictionAgatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idiotic guy hell-bent on keeping her awake? Well, this is the story of two special teenagers fighting fo...