3.
New kid on the ward
Agatha's Point of View.
It's almost 6pm.
9 hours na akong nakatira sa impyerno este sa ospital na'to.
Nahatid na sa akin ni Kuya Leo ang limang timba ng pinturang may iba't-ibang kulay pero wala parin akong ideya kung paano 'to sisimulan. I'm going to live in this hell-like place for the next few years of my life and I want the walls to be perfect para naman maganda ang madadatnan ko sa paggising ko.
"Hoy kakain na." Nagulat ako nang bigla na lamang may nagsalita kaya agad akong napatingin sa pinto. Yung baliw pala na lalake ang na pumasok dito kanina.
"Kakain saan? Hindi ba ihahatid ni Kuya Leo ang pagkain dito sa kwarto ko?" Giit ko.
Palangiti akong tao pero hindi ko lang talaga magawang ngumiti sa kanya—siya rin naman kasi ayaw ngumiti sa'kin.
"Sabay-sabay kami kung kumain dito. Kung gusto mong mag-isa edi dito ka." Sabi niya sa akin gamit ang malamig na tono ng pananalita.
Ayoko sa kanya, masyado siyang masungit. Pero kung tutuusin, ayoko rin namang kumain ng mag-isa. Malungkot na nga sa lugar na'to, mag-iisa pa ako—Aba hindi pwede! Sasabay na nga lang ako sa kanila.
"Teka hintay!" Sigaw ko nang makita kong maglalakad na sana siya palayo. Lokong 'to iiwan pa ako, di ko nga alam saan pupunta.
Dali-dali kong kinuha ang flipflops ko mula sa ilalim ng kama at isinuot ang jacket ko. Gulong-gulo pa ang buhok ko, tinatamad akong magsuklay kaya kinuha ko na lamang ang rubber band na nasa bedpost ko.
Lalabas na sana ako nang bigla kong nakitang kumunot ang noo niya.
"Ano?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi mo ba 'yan papatayin?" Sabi niya sabay turo ng kama ko.
Oo nga pala, nakaandar parin pala ang ipod na ikinabit ko sa speaker kaya rinig na rinig pa sa buong kwarto ang boses ni Adam Levine ng Maroon 5.
"Wait." Dali-dali ko itong nilapitan kasi parang atat na atat na 'tong lalaking to na umalis kaso mali ang napindot ko sa ipod, imbes kasi na stop ay next track ang napindot ko. Imbes na tumigil ang kanta ay napalitan lamang ito ng kanta ng EXO.
"Oops." Mahinang sambit ko. Papatayin ko na sana ito kaso narinig kong ang kanta pala ng Exo na Peter Pan ang naka-play.
Ang sarap pakinggan ng boses ni Baekhyun, pwede bang mamaya nalang 'to patayin?
"K-pop ba 'yan?!" Tanong niya kaya tumango ako.
Nagulat ako nang bigla na lamang inagaw ng lalaki ang ipod ko at siya na mismo ang pumatay nito. Parang aligaga siya na ewan.
BINABASA MO ANG
Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Teen FictionAgatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idiotic guy hell-bent on keeping her awake? Well, this is the story of two special teenagers fighting fo...