15.
Stay Away Agatha
Agatha
Kaliwat-kanan wala akong nakikita at naririnig kundi mga kabataang nagsasaya, hirap akong dumaan dahil sa dami nila pero wala na akong pakialam, tinutulak ko na lamang sila upang makadaan ako. Ayoko na dito. Gusto ko ng umalis, gusto ko ng umuwi.
"Hi miss! Can I get your number?"
Natigil ako sa paglalakad nang hinarang ako ng lalakeng presko na siyang kasama ni Cooper kanina. Hindi ko alam kung sino siya pero lalo lang akong naiinis dahil sa kanya. Mukhang mas bata pa siya sakin pero ang lakas ng loob niyang makipag-flirt.
"Hi! Can you please get lost?" Sarcastic akong ngumiti sa kanya habang pilit na itinatago ang nakakuyom kong kamao. I really hate flirts, lalo na pag mas bata pa sa akin. Like come on! What am I, a cougar?
"Feisty ... I like Feisty." Aniya at nagsimula siyang humakbang palapit sa akin kaya nagsimula narin akong umatras. Tuluyan akong tinamaan ng kaba nang mapagtanto kong wala na akong maatrasan dahil nakasandal na ako sa malamig na pader. Napalunok ako samantalang siya, napangisi. Sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa ay naamoy ko na ang alak sa hininga niya. Lasing na siya.
"Luigi ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Biglang nawala ang pilyong ngiti sa mukha niya. Siya yata si Luigi.
Kapwa kami napalingon at maging ako ay nagulat rin nang makita namin si Cooper na nakatayo lamang sa isang tabi hawak ang isang maliit na bote ng alak. Walang kaemo-emosyon ang mukha niya bagay na ni minsan ay hindi ko pa nakikita.
"S-sorry! May dumi kasi sa balikat niya, papagpagan ko lang sana! Sige Bye!" Nauutal na sambit nung Luigi na para bang takot na takot kay Cooper at bigla na lamang nagtatakbo palayo.
"Hindi ka dapat nandito, umuwi ka na." Hindi ko maiwasang manigas sa kinatatayuan ko nang sabihin niya ito sa akin. Si Cooper ba talaga tong kausap ko? Mas malala pa 'to kumpara noong una kaming magkakilala.
"Cooper ikaw ba talaga yan?" Nalulungkot man at naguguluhan sinikap kong manatiling nakatitig sa mga mata niyang kanina pa umiiwas sa mga tingin ko.
Umiling siya bagay na ikinakuyom ng palad kong kanina pa nanlalamig dahil sa sobrang kaba ngayong muli na naman kaming nagkita.
"Hindi na ako ang Cooper na nakilala mo." Aniya. Wala akong maramdamang pagdadalawang-isip sa mga sinasabi niya. One thing's for sure, he means every word that comes out from his mouth.
"Malamang." I kept my chin up hiding every inch of pain. "Elementary classmate? Really Cooper? Really?" Sarcastically, I smirked.
Para akong nanghina nang tuluyan niya akong tingnan sa mga mata. Sa isang iglap, ako na naman ang hindi makatingin sa kanya.
"Agatha hindi mo na ako dapat hinanap pa. Layuan mo na ako." Aniya na walang kaemo-emosyon sa boses kaya hindi ko maiwasang mapasinghal habang pinipigilan ang mga mata kong kanina pa naluluha.
"Assuming! Ang kapal--" Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang bigla siyang humakbang papalapit sa akin.
"Agatha sana sa susunod na magkita tayo, magpanggap ka nalang na hindi mo ako kilala kasi iyon ang gagawin ko. Alam kong hindi mo ako maiintindihan, pero sana magpanggap nalang tayong hindi magkakilala." And with that, he walked away from me with his hands in his pocket and his head held high leaving me as pathetic as I ever was.
Did it really happen?
Did Cooper really say that?
Please tell me its just a dream.
BINABASA MO ANG
Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Teen FictionAgatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idiotic guy hell-bent on keeping her awake? Well, this is the story of two special teenagers fighting fo...