27.
As long as
Third Person's POV
Napahikab si Agatha nang makitang magha-hatinggabi na. Buong araw silang namasyal ni Cooper kaya hindi na niya mapigilan pa ang pagod at antok kaya matapos magdasal ay naghanda na siya para matulog.Hihiga na sana siya sa kama niya nang bigla na lamang pumasok ng kwarto niya si Cooper at dali-dali itong humiga ng patagilid sa kama niya.
"Matutulog ka na?" Nakangiting sambit ni Cooper habang nakapatong ang ulo sa sariling kamay.
"Uh? Yes?" Sarcastic na sambit ni Agatha habang pabirong tinataasan ng kilay ang binata.
"Halika matulog na tayo." Sabi pa ni Cooper at tinapik ng bahagya ang mahabang unan ni Agatha kaya napalitan ang ngiti sa mukha ni Agatha ng pagtataka.
"Tayo? Hoy lumabas ka na nga." Kunot-noong sambit ni Agatha pero umiling lamang si Cooper at humagikgik.
"Di pwede. Simula ngayon, iisa nalang ang kwarto natin. May mabait kasing gumagamit ngayon sa kwarto ko." Pangangatwiran nito habang may pilyong ngiti sa mukha niya kaya lalong naguluhan si Agatha at lumabas na lamang upang magtungo sa kwarto ni Cooper.
Hindi nga nagsisinungaling ang binata dahil agad na tumambad kay Agatha ang isang lalaking nakaratay sa kama nang makapasok sa kwarto nito.
"He's on coma. Nobody knows who he is pero mabuti nalang at shino-shoulder ng mayor ang hospital expenses niya." Paliwanag ni Cooper na sinundan pala ang dalaga.
"Anong nangyari sa kanya? Wala ba siyang ID o wallet man lang?" Nanlulumong sambit ni Agatha habang pinagmamasdan ang nakakaawang lagay ng lalaking tadtad ng sugat ang mukha at mga braso habang marami namang nakakabit na tubo sa bibig nito.
"Relo lang daw ang nakitang pagkakakilanlan sa kanya pero wala parin silang nahanap na lead. Wala narin ang wallet niya kaya sa tingin ng mga pulis na nagdala dito sa kanya, naholdap siya." Sabi pa ni Cooper kaya napabuntong-hininga na lamang si Agatha at tumango-tango. Wala siyang magawa kundi bumalik na lamang sa sariling kwarto si Agatha nang biglang may sumagi sa isipan niya.
"Teka, walang gumagamit sa kwarto nila Reema at Javi, dun ka nalang kaya?" Tanong ni Agatha na hihiga na sana kaya agad napangiwi si Cooper na mas nauna nang humiga sa kama.
"Andami mo talagang alam. Tulog na sabi tayo." Giit ni Cooper at agad na hinila si Agatha upang mahiga sa braso niya.
*****
1 Month Later
Napabangon si Agatha mula sa pagkakahiga. Nahihilo man at inaantok pa ay agad siyang napalingon sa sofa kung saan parating naroroon si Cooper sa tuwing hinihintay siya nitong magising ngunit laking dismaya niya nang makitang wala ito dito.
Sa isang iglap muling bumalik sa isipan ni Agatha ang sakit na naramdaman nang iwan siya ni Cooper ilang buwan na ang nakakaraan.
BINABASA MO ANG
Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Teen FictionAgatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idiotic guy hell-bent on keeping her awake? Well, this is the story of two special teenagers fighting fo...