21 : The Fool's move

788K 30K 14K
                                    

21.

The Fool's move

Third Person's POV

Nagtatalo at nagkakainitan ang apat sa labas pero nanatili lamang sa loob ng kwarto ni Agatha si Kuya Leo.

Hindi niya naiwasang maging malungkot nang makita ang lagay ng dalagang halos itinuring narin niyang isang anak.

"Agatha, maswerte ka kasi may oras ka pa. 'Wag mo na itong uulitin kasi masasaktan mo lang ang mga taong nagmamahal sayo." Wika ng matanda at lalabas na sana ngunit sa di malamang dahilan ay tuluyan nang nagsalita si Agatha matapos ang isang araw na pagiging tahimik.

"Euthanasia." Mahinang sambit ni Agatha kaya tuluyang napako sa kinatatayuan ang matanda na halatang nagulat sa narinig.

"A-ano?" Kunot-noong tanong nito nang muling lumingon kay Agatha.

"Tulungan mo po ako. Pagod na pagod na po ako. Pwede niyo namang gawin iyon diba?" Mahinang sambit ni Agatha na tila ba nagmamakaawa kaya umiling-iling na lamang ang matanda at lumabas mula sa kwarto.

Muling naiwan si Agatha na mag-isa. Dahan-dahan siyang napatingin sa mga kamay na may benda at napapikit na lamang hanggang sa unti-unting nakatulog.

- - - - - - - 

Hatinggabi na at tahimik na ang buong ospital. Nagsiuwian na ang karamihan sa mga narito maliban lamang kay Cooper na nataling nakaupo sa labas ng kwarto ni Agatha.

“Cooper bakit nandito ka pa? Umuwi ka na. Kanina pa natapos ang visiting hours at malamang hinahanap ka na ng mga magulang mo.”  Biglang tumabi sa kinauupuan ni Cooper si Kuya Leo at tinapik ang likod nito.

Imbes na tumayo at umalis ay nanatili lamang si Cooper sa kanyang pwesto at umiling-iling.

“Bakit ako nagka-ganito?” Walang kabuhay-buhay na sambit ni Cooper habang nakatingin parin sa kawalan.

“Kasi tao ka. Lahat ng tao nagkakamali.” Walang kagatol-gatol na giit ni Kuya Leo.

“Tao? I left her when she needed me the most. I didn’t say goodbye and  I even tried to erase her from my life. I did that to the girl who never gave up on me… I did that to the girl who sacrificed everything for me. Tao parin ba ako sa lagay nato?” Napasandal na lamang si Cooper sa kinauupuan at napapikit.

“Tao ka Cooper. Gago nga lang. Para ng anak ang turing ko sayo kaya hindi kita kukunsintihin. Hindi ko sasabihing wala kang ginawang masama. Hindi ko sasabihing hindi ka naging makasarili. Pero Cooper, may oras ka pang itama ang mga pagkakamali mo. May pagkakataon ka pang humingi ng tawad at bumawi. Matanong nga sayo, mahal mo pa ba si Agatha?” Tanong naman nito kaya unti-unting kumurba ang maliit na ngiti sa labi ni Cooper.

“Mahal na mahal ko si Agatha. Kahit kailan hindi nagbago o nabawasan ang nararamdaman ko para sa kanya.” Pag-amin nito kaya maging si Kuya Leo ay napangiti rin at hinayaan na lamang ang anak-anakan na umiyak sa balikat niya.

Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon