17 : The truth about us

720K 31.2K 17.7K
                                    

17.

The truth about us

Agatha

"Aray! Teka! Aray dahan-dahan lang! Anak ng!" Sigaw siya ng sigaw pero hindi ko siya pinapansin. Nakakahiya siya, buti nalang at wala masyadong tao dito sa convenience store.

"Kalalake mong tao, ang arte-arte mo." Biro ko at nagpatuloy lamang sa paggamot ng sugat sa gilid ng labi niya.

"Yung totoo, ginagamot mo ba ako o pinaparusahan?" Aniya kaya tumigil na ako sa ginagawa at umupo na lamang ako ng maayos at muling humarap sa mesa kung saan nakapatong ang umuusok pang cup noodles.

"Trent, magkakilala pala kayo ni Cooper?" Tanong ko at nagsimula na akong kumain. It hurts to just say his name, but I really want to hear answers. 

"Hindi kami magkakilala pero kilalang-kilala si Cooper sa mga eskwelahan at chismisan kaya hindi ako nahirapan sa paghahanap sa kanya. Kilala siya bilang si 'Cooper the monngol', madaming kalokohan, gago at parang baliw. Sa katunayan kinatatakutan siya ng lahat sa skwelahan niya." 

Natigil akong kumain nang dahil sa sagot ni Trent. Mahirap pero mas panili kong ngumiti na lamang. Atleast mayroon ng normal na buhay si Cooper at masaya na siya kahit wala ako.

"Agatha sorry." Mahinang sambit ni Trent na para bang nanlulumo kaya tumango-tango na lamang ako a ginala-galaw ang noodles na nasa harapan ko.

"Sorry saan? Hindi mo naman alam na hardcore na ang kagaguhan ni Cooper." Pinilit kong magbiro kahit muli ko na namang nararamdaman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

"Agatha sorry ta---"

- - - - - - - 

Third Person's POV

"Tulong! Parang-awa niyo na tulungan niyo kami! Hindi na siya humihinga!" Tarantang-taranta si Trent na nagsisigaw nang makarating sa ospital. Karga-karga niya ang duguan at ang lupaypay na katawan ni Agatha. Sa sobrang takot niya ay hindi na niya maiwasan pang maluha.

"Anong nangyari?" Tanong ng doktor na siyang sumalubong sa kanila at tulong-tulong ang ibang nurse, inihiga nila si Agatha sa isang stretcher.

"Hindi ko alam! Bigla nalang dumugo ang ilong niya at nawalan siya ng malay!" Nauutal na sagot ni Trent, hindi magkamayaw ang takot niya kaya nasapo na lamang niya ang ulo at napapikit. 

- - - - - -

Reema's POV


Lord, naalala mo pa ba yung araw-araw kong pinagdarasal noon? Yung dasal kong sana mapangasawa ko ang bias ko o kahit mahipo man lang siya? Lord pwede bang kalimutan mo nalang na ipinagdasal ko 'yon? Kasi ngayon, mas gusto ko pang humaba ang buhay ni Agatha. Lord pwede bang 'yon nalang? 

Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon