Epilogue.

1.1M 46.6K 52.5K
                                    

Stay Awake Agatha

Epilogue

Third Person's POV

1 year later

“Agatanginaaa!” Masiglang sigaw ni Cooper nang makapasok sa kwarto kung saan nakaratay ang walang malay na si Agatha.

Isang taon na at hindi parin ito nagigising o gumagalaw. Ayon sa mga doktor, brain-dead na ang dalaga nang maisugod sa ospital kaya ngayo'y makina na lamang ang bumubuhay sa kanya, ayon narin sa kagustuhan ni Cooper. Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, tanggap na ng pamilya ng dalaga ang kahahantungan niya. Sadyang si Cooper na lamang ang natitirang umaasang magigising ito at babalik sa kanya.

 Itinapon niya sa sofa ang backpack at suot na school ID bago umupo sa gilid ng kama ng dalaga.

“Nagawa ko na ang ilan sa nasa listahan. Nakahanap narin ako ng mga taong maari kong maging kaibigan. Sina Dilly, Puma at Chord. Alam mo ba, kakaiba ang tatlong ‘yun kasi magkakaibigan sila mula pagkabata. Yung si Dilly? Bulag siya pero kahit ganun hindi yun naging hadlang sa pagkakaibigan nila. Kung tutuusin para ngang normal na estudyante si Dilly eh kahit bulag. Si Chord naman yung may pagkatarantado, ewan naasiwa talaga ako sa pagmumukha nun. Kanina sinusubukan siyang hanapan ni Puma ng girlfriend kaya ang ginawa ko, nakigulo ako sa kanila. Sana maging kaibigan ko rin sila.” Kwento ni Cooper habang hinimas ang kamay ni Agatha. “Sana magising ka na para makilala mo sila, para maging kaibigan rin natin sila.” Dagdag pa nito at hinilikan ang kamay ni Agatha.

“Agatha miss na miss na kita.” Mahinang sambit ni Cooper at dahan-dahang hinaplos ang pisngi nito.

“Cooper.”

Napalingon si Cooper sa pinto at nagtaka siya nang makita niya sina Reema at Javi na kapwa umiiyak. 

"Ano? Ba't kayo umiiyak? Hindi niyo ba alam na lalo kayong pumapanget kapag umiiyak?" Biro na lamang ni Cooper sa mga kaibigan kahit na sa kaloob-looban niya'y may idea na siya kung bakit ito nag-iiyakan.

"Cooper diba sabi namin sayo alagaan mo parati ang sarili mo? Bakit di mo ginawa?" Tuluyang napahagulgol si Reema at napaupo na lamang sa sahig.

"Teka 'wag mo akong iyakan. Mas gusto ko pa yung minumura mo ako." Biro na lamang ulit ni Cooper habang inaalalayan si Reema na umupo sa sofa.

"Cooper nawala na nga si Agatha tapos ngayon ikaw naman!" Iyak ni Javi.

"Hindi nawala si Agatha. Ayan oh, natutulog lang yan at magigising rin yan balang-araw." Paniniguro ni Cooper dahil lumipas man ang isang taon, hindi parin niya sinusukuan ang dalaga.

"Cooper wala na ba talagang paraan?" Muling tanong ni Reema kaya ngumiti lamang si Cooper at umiling.

"Buti pa ang sakit ko bumalik, si Agatha hindi parin." Tumatawang sambit ni Cooper na tila ba nagpapasaring sa dalagang hindi naman makakarinig sa mga biro't patutsada niya. "'Wag na nga kayong malungkot. Noon pa man, sinabihan na ako ng mga doktor na malaki ang posibilidad na bumalik ang Myeloma ko. Wala eh, may relapse eh, wala na akong magagawa. Siguro two-three years nalang ang itatagal ko kasi maaring maapektohan ang kidney at mga buto ko sa paglipas ng panahon." Paliwanag ni Cooper na tila ba walang kahit na anong nararamdamang takot o pag-aalala. Mistula pa nga itong masaya.

Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon