12.
Stay close and don't let go.
Agatha
Huminga ako ng malalim nilulunok ko ang kulay pulang kapsula na ibinigay sa akin ng doktor ko. Pumayag akong maging kauna-unahang taong sumubok ng gamot nato at pakiramdam ko'y tama ang naging desisyon ko dahil isang linggo na ang nakakaraan, matapos kong simulan ang araw-raw na pag-inom nito ay nagiging normal na ang pagtulog ko.Nakakatuwa kasi magkapareho na kami nila Cooper, natutulog ng maaga at maagang nagigising. Hindi na ako katulad ng dati na bigla-bigla nalang nakakatulog sa kalagitnaan ng araw at inaabot ng ilang araw bago magising. Pakiramdam ko, isa na akong normal na 17 year-old.
I took a leap of faith and now things are finally going my way.
“Para saan yun?"
Napapitag ako nang marinig ko ang boses ni Cooper kaya dali-dali kong nilagay sa loob ng cabinet ko ang maliit na boteng nagsisilbing lalagyan ng eksperementong gamot.
“Wala, vitamins lang.” Pagkikibit-balikat ko ngunit nang lumingon ulit ako sa kanya ay nakita kong hawak na niya ang diary na sinusulatan ko kaya dali-dali ko itong inagaw. “Hands off, Cooper.” Paalala ko at ito naman ang itinago ko sa cabinet ko.
“Boyfriend commandments? Korni pero sige gagawin ko.” Aniya at ngumiti ng nakakaloko. Ewan ko ba pero naiilang ako sa mga tingin niya kaya pabiro ko na lamang siyang inakbayan at hinila palabas ng kuwarto.
Masya ako kasi sa wakas pakiramdam ko normal na ako pero higit sa lahat, mas masaya ako kasi mas matagal ko ng nakakakulitan si Cooper at higit sa lahat, hindi na siya ulit mag-iisa pa sa pakikipaglaban kasi parati na akong nasa tabi niya upang suportahan siya.
*****
2 weeks later.
"Go Agatha! Go Agatha! Go Agatha!"
Huminga ako ng malalim at pikit mata kong ginupit ang mahaba kong buhok. Nagsigawan kaming apat nang tuluyang naging maikli ang buhok ko. Hindi ko maiwasang mapangiwi dahil ang dating abot dibdib kong buhok ay ngayo'y abot-batok nalang.
Bakit ko ginupit ang buhok ko? Well napagtripan lang naming apat. Sa sobrang pagkabagot naisipan naming ichallenge ang mga sarili namin. Kami ni Reema ay magkakaroon ng instant haircut samantalang sina Javi naman at Cooper ay magkakaroon ng instant piercing sa tenga. Tapos na sila kanina, si Cooper halos magwala sa hapdi samantalang si Javi naman ay halos tumawag na ng nanay niya.
Sa loob ng napakatagal na panahon, nanatili kami sa ospital nato at wala kaming normal na buhay kaya gusto namin ng pagbabago kahit paunti-unti, adventure kumbaga.
Javi, Reema, Cooper and I are special.
We are special people who met for a reason.
And maybe thats because we needed each other to lean on. Ayoko na yata ng normal na buhay kasi sa kanila palang, kontento na ako. Siguro nga may dahilan talaga ang lahat.
“Agatha hindi ka ba inaantok?” Tanong ni Cooper matapos humikab. Hindi na yata niya kinaya ang antok niya kaya humiga siya sa mismong likod ni Javi na kanina pa tulog at humihilik na.
BINABASA MO ANG
Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Teen FictionAgatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idiotic guy hell-bent on keeping her awake? Well, this is the story of two special teenagers fighting fo...