10.
Stimulants
Agatha
"Handa ka na ba hijo?" Tanong ng Doktor habang hawak ang isang syringe kaya naman napatingin sa akin si Cooper. Hindi man niya sabihin, alam kong natatakot siya at kinakabahan.
"Agatha..." Mahinang sambit ni Cooper habang nakahiga sa kama niya.
Nakapako ang tingin niya sa akin kaya tumango ako at nginitian siya, tipong sinasabing 'magiging okay ang lahat' at kasabay nito ay hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.
Naririnig ko ang bawat ungol at daing ni Cooper habang kinukunan siya ng bone marrow. Kahit na anong gawing pigil niya ay hindi niya maitago ang katotohanang labis siyang nasasaktan kaya napapikit na lamang ako inihawak ang isa ko pang kamay sa kanya.
Nangako ako sa kanyang mananatili ako sa tabi niya at hinding-hindi ko ito babaliin. Kahit na anong mangyari, wala kaming iwanan, 'yan ang pangako namin sa isa't-isa.
Sa tuwing kinukunan siya ng dugo, bone marrow o kahit nagche-chemo o check-up man, parati akong nasa tabi niya upang suportahan siya at iparamdam sa kanyang kailanman ay hindi siya nag-iisa.
Nagdaan ang ilang mga buwan at kami parati ang magkasama. Naging malapit kami sa isa't-isa na halos ayaw na naming maging magkalayo. Naging matalik kaming magkaibigan. At sa loob ng ilang buwang na buwan na iyon ay ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko upang manatiling gising para sa kanya... Kaso minsan pumapalpak talaga ako. Nakakatulog ako.
"Guys laro tayo ng taguan!" Aya ni Javi na kanina pa inaatras abante ang wheel chair niya.
"'Wag ka ngang malikot! Masagasaan mo pa ang paa ko!" Giit ni Reema sabay yakap ng mga tuhod niya. Palibhasa nakaupo lang kaming lahat sa sahig at pwedeng-pwede kaming masagasaan si Javi.
"Habulan nalang tayo gamit ang sariling paa!" Giit ni Cooper habang nakangisi kaya naman agad na itinaas ni Javi ang middle finger niya.
"But seriously guys, im bored to death. Bakit ba bawal tayong lumabas?" Giit ko at napasandal na lamang sa aparador ni Javi.
"Nakalimutan mo na ba? Parati kayang dinidisinffect ang mga kwarto sa ganitong araw." Giit ni Reema habang nakakunot ang noo kaya napakamot na lamang ako sa ulo ko at napangiti. Naku nakalimutan ko...
"Palibhasa lagi kang tulog." Pasaring si Cooper at bigla na lamang isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Kakainis! Feeling magaan ang ulo!
Biglang may kumatok sa pintuan kaya agad itong pinagbuksan ni Reema na siyang nasa pinaka malapit. Akala namin kung sino, si Kuya Leo lang pala. Gaya ng dati ay ngumiti siya ng nakakaloko nang makitang magkatabi kami ni Cooper kaya dali-dali kong siniko ang ungas upang lumayo sa akin. Bestfriend ko si Cooper pero parati nila itong nilalagyan ng malisya.
"Hindi na talaga ako magtataka kung kayong dalawa ang magkakatuluyan." At talagang nakuha pang manukso ni Javi kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.
BINABASA MO ANG
Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Teen FictionAgatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idiotic guy hell-bent on keeping her awake? Well, this is the story of two special teenagers fighting fo...