7 : The challenge.

992K 37.2K 20.9K
                                    

7.

The Challenge.

Agatha

Time check, its 2:18 am and I still can't sleep. God knows how much I hate sleeping but I kinda want to sleep now dahil paulit-ulit kong naalala ang kahihiyang dahil sa napkin at dahil narin sa sakit ng puson ko. Nakakainis ang utak ko, para bang pinagt-tripan ako. Ayoko na sanang maalala kaso bumabalik talaga sa isipan ko. Wala na nga siguro akong kontrol sa utak ko.

Sa tuwing nate-tense ako wala akong ibang gustong gawin kundi kumain but unfortunately ubos na ang laman ng mini-fridge ko. Siguro naman open ang cafeteria sa baba.

Kinuha ko ang kulay pula kong jacket at itinali ito sa bewang ko just incase lamigin ako o di kaya magka-emergency down there. If you know what I mean. Kinuha ko rin ang polaroid camera ko at isinilid ito sa bulsa ko just in case I get bored, lowbat narin kasi ang ipod ko.

 I love taking photos actually. Ang mga taong kagaya ko na walang kasiguraduhan ang buhay ay walang ibang pwedeng panghawakan kundi mga alaala mula sa mga litrato. Yeah my life sucks. Walang kasiguraduhan ang mga bagay na madadatnan ko sa tuwing magigising ako kaya mas mabuti nang may alaala akong babaunin mula sa nakaraan. I'm sentimental.

Dahan-dahan akong lumabas mula sa kwarto ko, naalala ko kasi ang sabi ni Kuya Leo na bawal kaming lumabas after 10pm. Malapit lang sa quarters niya ang elevator, natatakot akong makita niya ako at pagalitan kaya sa hagdanan na lamang ako dumaan.

Nakakailang hakbang pa lamang ako pababa sa mga hagdan nang mahagip ng paningin ko ang isang lalaking nakaupo sa gitnang hagdan. Nakatalikod siya mula sa akin  pero nakilala ko siya dahil sa suot niyang black beanie. Come to think of it hindi ko pa yata siya nakikitang hindi nakasuot ng beanie niya.

Sa totoo lang, biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nahihiya parin talaga ako sa kanya dahil sa nangyari kanina. I'm greatful pero ang awkward parin talaga. Aakyat nalang sana ako pabalik nang marinig ko siyang suminghap na para bang nahihirapan siyang huminga.

Napalingon ako pabalik sa kanya at nagulat ako nang mapagtanto kong may hawak pala siyang isang kulay brown na paper bag at dito siya humihinga.

"Cooper okay ka lang?" Hindi na ako nag-atubili pang humakbang pababa upang lapitan siya.

Kapwa kami gulat sa isa't-isa. Siya, nagulat, siguro kasi hindi niya inaasahang nandito ako at ako naman heto at gulat na gulat nang makitang napakarami na palang dugo sa sahig.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para sa kanya lalo na nang malapitan kong makitang nahihirapan siyang huminga na para bang nagha-hyperventilate habang may dugong umaagos mula sa ilong niya.

Hirap siyang magsalita kaya naman itinaas lang niya ang kamay niya na para bang pinapaalis ako. Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao kung aalis ko kaya ang ginawa ko, tumabi ako sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang nanginginig at napakalamig niyang kamay.

Mayroon akong kapatid na may Asthma. Hindi kami close dahil nga parati akong tulog pero kahit papaano may ginagawa ako sa tuwing sinusumpong siya.

Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon