11.
The Boyfriend Commandments
Agatha
"Agatha are you sure you're okay?" Tanong ni Mommy habang nilalagyan niya ng mga pagkain ang refrigerator. I love it when they visit me, not only nawawala ang pagka-miss ko sa kanila, may instant delivery pa ako ng mga pagkaing gusto ko.
"Mom, do I look like I'm not okay?" Sarcastic kong tanong habang binubuksan ang iba pa niyang pasalubong.
"Do you really want me to answer that?" Tanong naman niya pabalik kaya natawa na lamang ako.
"Mom I'm fine. Gaya ng parati kong sinasabi sayo, masaya ako dito. I have friends now." Katwiran ko at nakita ko ang tuwa sa mukha niya.
"Eh boyfriend meron ba?" Tanong ni Daddy na para bang nanunukso. Sa wakas nagsalita na siya, kanina pa kasi siya tahimik.
"Dad no worries. Walang tangang magkakagusto sa taong katulad ko." Giit ko sabay yakap sa kanya, bagay na minsan ko lang gawin.
"Taong katulad mo?" Kunot-noong sambit ni Daddy na hindi yata nagustuhan ang sinabi ko, "Anak walang mali sayo. Maganda ka, mabait—" Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya.
"And I have a sleeping disorder. Dad, I'm sleeping most of the time. I'm practically the modern-day sleeping beauty! And kung may natutunan man ako sa halos isang taon ko dito, yun ay tanggapin ang katotohanang walang kasiguraduhan ang buhay ko. Come on dad, we all know whats gonna happen to me. And besides, tanggap kong isang araw, baka hindi na ako magising." Bahagya akong tumawa ngunit laking gulat ko nang mapansing umiiyak na pala si Daddy.
Shit.
Shit ka talaga Agatha.
Ilang sandali kaming binalot ng nakabibinging katahimikan. Ni isa sa amin walang nagsasalita, hindi nagkikibuan. Naririnig ko ang unti-unting paghagulgol ni Mommy kaya napapikit na lamang ako napabuntong hininga.
Bibig mo talaga Agatha.
"Mom naman, 'wag ka ng umiyak." Nakakailang man, lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Ang bigat pala sa pakiramdam makita ang nanay mong umiiyak dahil sayo. Kahit kailan, wala talaga akong ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo niya.
"Agatha alam mo ba kung bakit ka namin pinatira sa ospital nato?" Tanong ni Daddy habang nakatingin sa kawalan kaya dahan-dahan akong tumango.
"Opo alam ko." Muli akong napabuntong hininga at umupo ng maayos habang pilit na pinipigilan ang luha ko, "Gusto niyong maging handa sa pagkamatay ko kaya habang maaga nilalayo niyo na ang loob niyo sa akin. Dad I get it, don't worry naiintindihan ko kayo." Bulalas ko ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang tumayo si Daddy na para bang galit sa akin.
"Anak bakit mo naisip 'yan?!" Pinanlisikan ako ng mga mata niyang lumuluha. Napahawak na lamang ako ng bibig ko, I never thought this day would come na makikita kong umiiyak si Daddy.
"Anak nagkakamali ka! Pinatira ka namin dito kasi gusto naming gumaling ka, mahirap para sa aming malayo sayo pero tinitiis namin kasi naniniwala kaming makakahanap sila ng lunas para sayo! Agatha mahal na mahal ka namin!" Giit ni Mommy na umiiyak parin at muli akong niyakap ng mahigpit.
All my life I've been a burden to them but not anymore.
Don't worry mom, don't worry dad.
May nahanap na akong paraan.
*****
Napahikab ako dahan-dahang kinusot ang mga mata ko. Kinuha ko ang unan ko at niyakap ito. Nalilito ako, gusto ko nang gumising at bumangon kaso antok na antok pa ako, 'di ko nga magawang idilat ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Teen FictionAgatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idiotic guy hell-bent on keeping her awake? Well, this is the story of two special teenagers fighting fo...