22.
Back to square one
Agatha
Napabuntong-hininga ako at sinara ang pinto matapos makaalis sina Mommy.
Kaalis lang nila pero namimis ko na agad sila. Pero nakapagtataka, bakit kaya sila iyak ng iyak kanina habang nanonood kami ng 'Frozen'? I get it, may nakakaiyak na parts pero bakit kahit nagpapatawa na si Olaf at Sven eh nag-iiyakan parin sila? Nakakainis, pakiramdam ko tuloy may puso akong bato. Nakakaiyak ba talaga ang palabas na 'yon to the point na humahagulgol na sila?
I never knew my family could be that weird. But hey, theyre still awesome and I super love them.
Naisipan kong kumain ng mga dinala nilang prutas para sa akin. Nakakainis, mamaya pa daw 4pm matatapos ang classes nila Reema. Mabuti pa silang tatlo nag-aaral samantalang ako, heto, forever team hospital. Nakakabagot, wala akong makausap.
Hay... Makipag-kaibigan kaya ako sa mga batang nasa children's ward? baka malibang pa ako dun.
Narinig kong bumukas ang pinto sa kabilang kwarto kaya dali-dali akong sumilip. See sa sobrang tahimik at boring ng floor nato, naririnig ko tuloy ang lahat kahit maliliit na ingay man. Perks of being lonely.
"Hala!" Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwa nang makita ko ang mga nurse sa loob ng kwartong nasa tapat ko. Nag-aayos sila sa loob na para bang may titira ulit dito.
Nakakatuwa, atleast may kasama na ako dito sa floor nato. Sana lang talaga babae ang titira diyan, kapag lalake kasi, baka maalala ko lang sa kanya si Cooper. Diyan pa naman siya nakatira noon.
"Ang saya natin ah?" Sabi ng nurse na napansin pala ako.
"Yup, sa wakas may makakausap narin ako araw-araw. Nasa school na kasi most of the time sina Reema. Nga pala," Sumandal ako sa pintuan kong nakabukas, "Sino po ang titira diyan? Babae po ba?"
Biglang nagkatinginan ang dalawang nurse sa isa't-isa at nagtawanan. Napakunot ang noo ko sa ginawa nila, nakakaloko ba sila sakin?
"Lalake." Nakangiting sambit ng isa sa mga nurse kaya napabuntong-hininga na lamang ako. Lalake na naman, oh well, sana gwapo. Atleast may vitamins sa mata.
"Pogi ba?" Tanong ko pero muli lamang silang nagtawanan. Its not a laugh actually, more of a giggle. Yung parang kinikilig. Whoa, the new guy must really be pogi kasi parang kinikilig ang mga nurse sa kanya.
"Sobrang pogi ng bagong nakatira diyan Agatha."
Bigla na lamang may nagsalita sa gilid ko kaya lumingon ako ngunit napapitlag ako sa gulat kasi napakalapit lang pala ng mukha namin sa isa't-isa.
Lalo akong nagulat nang mapagtanto ko kung sino ito...
"Ugh! Ano na namang ginagawa mo dito?!" Hindi ko maiwasang mangiwi dahil sa iniis. Seeing the smirk on his face annoys me up to the point na gustong-gusto ko na siyang sakalin.
"Miss Agatha, siya na po ulit ang titira dito." Sabi pa ng isa sa mga nurse at nginitian ako ng nakakaloko, yung tipong nanunukso.
"Titira dito?! What the hell?! Eh magaling na 'to eh! Tingnan niyo--" Giit ko sabay turo kay Cooper ngunit laking gulat ko nang mapansin ang saklay na hawak niya. Napatingin ako sa paa niya, may cast pala ito at ngayon ko lang din napansin ang mga galos sa mukha niya.
"Wala bang 'welcome back hug' diyan?" Aniya at muling ngumisi kaya lalo akong napangiwi sa inis.
Maawa na sana ako sa kanya, wag nalang. Gago parin eh.
"Maghanap ka ng cactus! Yun yakapin mo!" Sigaw ko at dali-daling pumasok ng kwarto ko sabay lock ng pinto.
Ugh! Nakakainis! Bakit siya pa?!
Pero teka, ano kayang nangyari? Ba't injured siya?
"Agatha sabay tayo dinner mamaya gaya ng dati ha?"
Narinig kong sigaw ni Cooper mula sa labas kaya marahas na lamang akong napakamot sa ulo ko.
END OF CHAPTER 21
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
BINABASA MO ANG
Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Teen FictionAgatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idiotic guy hell-bent on keeping her awake? Well, this is the story of two special teenagers fighting fo...